Lumipas ang dalawang buwan ngunit wala paring nakatunton kung saan siya at wala rin siyang nakita sa mga na set-up niyang hidden camera sa mansyon, mukhang nag iingat ang mga kalaban kahit nga si Donya ay hindi rin nakakuha ng impormasyon, habang ang apo nitong si Lucian ay wala ring kakaibang ganap. Para bang nanahimik ito. “Ate Kali ate Kali!” Sigaw ni Elsa mula sa labas. “Elsa sinabi na ni nanay sayo na huwag kang sumigaw di'ba?” Sita niya sa bata. Yes nanay at tatay na ang tawag niya sa dalawang matanda gusto kasi nitong huwag siyang maging pormal. “Sorry po ate, pero kasi po may naghahanap po sayo sa labas.” Ani ng bata kaya kaagad siyang napakunot at biglang kinabahan. “Ha? Sino?” Takang tanong niya sa bata. “Lola na'po siya ate, sabi ay lola mo raw po siya.” Inosente na sambit