Unang sikreto... Kung nasaan si Erah at ang dahilan ng kanyang pagkawala. Pangalawang sikreto... Ang pagtulong ni Principal Sentiene kay Erah. Pangatlong sikreto... Nobya ko na si Erah. Pang-apat na sikreto... Ang nalalapit na kamatayan ni Principal Sentiene. Panglima na sikreto... Ang aking mahika at lihim na pagsasanay kina Elena at Aglia. Pang-anim... Ang totoong katauhan ni Erret. Habang tumatagal ay may dumadagdag sa listahan ng mga sikretong nalalaman ko. Tila kaunting kaunti na lang ay sasabog na ang aking utak sa pag-iisip ng mga ito. Napatingin ako sa aking mga kamay at nanginginig ito sa takot. Natatakot ako sa maaaring mangyari kung mabigo ako protektahan si Erah o si Erret mula sa mga anti-faction. Ako ang parehong inaasahan nila ngayon. Hindi maaaring malaman ng anti-f