Chapter 39

2181 Words

"Bago tayo lumabas sa kagubatan ay nais ko na mangako kayo na hinding hindi niyo babanggitin ang tungkol sa mahika ni Erret." Seryosong sambit ko at matamam na tinignan ang dalawa kong kaibigan sa kanilang mga mata. Saglit nilang nilingon muna si Erret na aking katabi bago desididong tumango para sumang-ayon sa aking pakiusap sa kanila. "Pangako na hinding hindi namin mababanggit ang tungkol rito. Para na rin kanyang kaligtasan at makasiguro na hindi malalaman ng ating kalaban na may kakayahan na magbalat kayo." Nakahinga naman ng maluwag si Erret nang marinig iyon. "Maraming salamat po." Mangiyak ngiyak pa niyang sambit. Napatawa naman ang dalawa dahil sa pagiging iyakin ang panibagong dark prince. Ngayon na nagkasundo na kaming lahat ay kailangan namin na magbalik para simulan hanap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD