Chapter 26

1029 Words

Patrick Cervantes Nagising ako sa sobrang pananakit ng ulo. Kasalanan 'to ni James sinabing hindi ako magpapakalasing. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang malaking larawan namin ni Athena no'ng kasal namin na nakasabit sa dingding. Paano ako nakauwi rito sa bahay namin? Imposibleng nakapagdrive pa ako pauwi, e, ang huling naalala ko ay magkasama kami ni James na umiinom sa VIP room ng bar niya. Napalingon ako sa kabilang sofa nang may biglang bumangon na isang lalaki. "Tang ina! Ang sakit ng ulo ko." Kilala ko ang boses na 'yun. "James? Anong ginagawa mo rito?" Napalingon sa'kin si James at walang ekspresyon na binati ako. "Good morning, Pare!" "Mabuti't gising na kayo mga lasenggero. Pumunta na kayo sa rito kusina nakaluto na ako ng sopas pangtanggal hang-over niyo."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD