CHAPTER TWO-THE JOB

1542 Words
CHAPTER TWO-THE JOB       “Maupo kayong dalawa,” seryosong utos sa kanila ni Sister Ester. Tikom ang mga bibig na naupo sila ni Sister Amanda. Pakiramdam niya ay napapalibutan sila ng kulay itim at nakakatakot na aura. “May sasabihin po kayo, Sister Ester?” tanong niya rito. “Natuwa ako ng pumayag si Don Tiburcio sa gusto mong mangyari, Sister Asper ngunit malaking problema para sa atin kung saan tayo kukuha ng limang libo bawat katapusan. Napapayag mo nga siya ngunit mukhang maibebenta rin niya ang lupang ito dahil wala tayong pambayad. Kaming dalawa ni Sister Amanda ay maaaring lumipat sa kabilang kumbento. Ikaw naman Sister Asper ay alam mo kung saan ka pupunta. Pero ang inaalala ko ay ang mga bata.” Bumuntunghininga ito. “Masyadong nang maraming ulilang kinupkop sa kumbentong lilipatan namin at sigurado akong hindi sila maalagaan ng maayos doon.”  “Sister Asper…” humihikbing yakap sa kanya ni Sister Amanda. Kahit kailan talaga ay napakababaw ng luha nito. Umiiyak kahit pokemon lang ang pinapanood. “Kumalma ka nga, Sister Amanda.” Tinapik niya ang balikat nito. “Ako ang bahala.” “Nakikiusap ako sayo, Asper.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag siya ni Sister Ester sa pangalan niya nang walang kalakip na “Sister” “Huwag ka nang gumawa ng bagay na mas lalong mapapa-komplikado sa lahat.” “Maghahanap ako ng pera.” Tiningnan siya nito na parang tinatantiya kung seryoso ba siya o nagbibiro na naman. “Ano ang gagawin mo? Pupuntahan mo ang iyon-“ “Hinding-hindi ko gagawin iyon, Sister Ester,” seryosong sagot niya rito. “Maghahanap ako ng trabaho.” “Paano mo gagawin iyon gayong limitado ang aksyon na puwede mong gawin?” “Kapag gusto ay maraming paraan, Sister Ester. Gagawin ko po ang lahat para makatulong bilang ganti sa pagtulong niyo rin sa akin.” Napabuntung-hininga na lamang ito. “Kung iyan ang gusto mo ay susuportahan kita basta at huwag kang gagawa ng mga kalokohan na magpapahamak sa iyo. Ang inaalala ko lang ay paano kung mahanap ka nila?” Natigilan siya sinabi nito. Oo nga, paano kung mahanap siya ng dad niya? Masasayang ang lahat ng effort niyang makalayo, magtago, at magpanggap bilang madre. Ngumiti siya ng alanganin dito. “Hindi naman po siguro niya ako mahahanap, Sister Ester. Ang layo ng Solare para mahanap niya ako rito.” “Huwag mong kalimutan kung sino ka at kung gaano ka maimpluwensiyang tao ang pinagtataguan mo, Asper.” Tumawa siya kahit kinakabahan. “Kalma lang kayo. Ako po ang bahala. Kayang kaya ko ito,” aniya kahit sa totoo lang ay nag-aalala rin siya. Kilala niya ang tatay niya. Hindi talaga ito titigil hanggang hindi nasusunod ang gusto nito.       ***     “Ano ito?” tanong niya kay Sister Amanda habang sinisipat ang binigay nitong wig. "Wig. Sinusuot sa ulo,” sagot naman nito. Tiningnan niya ito ng masama. “Huwag kang pilosopo, Sister Amanda.” “Sinagot ko lang naman ang tanong mo.” Kinuha nito ang wig mula sa kamay isinuot sa ulo niya. “Gamitin mo para hindi ka makilala ng mga tauhan ng tatay mo.” Pumunta siya sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili. Maikli lang ang wig at kulay mapusyaw na kulay brown. Kahit ganoon ay bumagay pa rin sa hugis ng mukha niya. Hindi naman sa nagmamayabang pero maganda siya at makurba ang hugis ng katawan. Kung may isang bagay man na wala siya, iyon ay ang dibdib. Mukhang nakatulog yata siya nang nagpaulan ng dibdib ang langit kaya ang natanggap niya ay isang kapiranggot lang. “Ang ganda mo talaga, Sister Asper. Dapat talaga na magpanggap kang lalaki para hindi ka mapagsamantalahan.” Napatingin siya rito. “Lalaki? Magpanggap na lalaki?” kunot ang noong tanong niya. “Oo. Ang wig na iyan ay binili ko sa bayan para maitago ang mahaba mong buhok at nang sa ganoon ay hindi nila malalaman na babae ka.” “Loka ka talaga. Bakit ko naman kailangang magpanggap na lalaki? Hindi ko na kailangang gawin iyon. Mag-iingat naman ako ng mabuti para hindi mahanap ni Oldy. Kalma ka lang.” Nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang dalawang kamay at seryoso ang mukhang tiningnan siya. “Sister Asper, makinig ka nang mabuti.” Kumunot ang noo niya sa inakto nito. “Ang mundo ay puno ng mga mapagsamantalang kalalakihan at rapist, natatakot akong mag-gang rape ka.” Napaantada ito matapos magsalita. Siya naman ay hindi mapigilang hindi tumawa. “Kumalma ka nga, Sister Amanda. Walang mangyayaring masama sa akin.” “Nag-aalala lang naman ako sayo, Sister Asper. Alam mo naman na para na ring nakababatang kapatid ang turing ko sayo mula nang manatili ka rito.” Napangiti siya sa sinabi nito. Wala siyang kapatid na babae. Ang meron lang siya ang Kuya na mahilig sa babae kaya masaya siya nang makilala niya ito. “Salamat Sister Amanda.” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Oo nga pala, may binili rin akong damit panlalaki.” Dali-dali nitong tinungo ang maliit na aparador at kinuha mula doon ang isang supot. “Ito, isuot mo ‘yan kapag maghahanap ka ng trabaho. Maraming masasamang loob sa bayan kaya dapat na maghanda ka.” Mas takot pa yata itong mapagsamantalahan siya kaysa mahanap ng dad niya. Kinuha niya ang isang kulay putting polo at pantalon. Sigurado siyang magmumukha talaga siyang lalaki kapag isinuot na niya iyon kasama ng wig. “Isuot mo na, dali!” excited na tulak nito sa kanya papuntang banyo. “Sandali lang naman, Sister Amanda.” Hindi yata siya nito narinig dahil hindi siya nito binitiwan hanggang hindi sila nakarating ng banyo.       ***       “Ang I.D ko?” “Check,” sagot ni Aila sabay lagay sa leeg niya. “Transcrip of records?” “Check.” Masayang iwinagayway naman ni Nick ang folder na kinalalagyan ng transcripts niya. “Pamasahe?” “Check.” Ibinigay naman sa kanya ni Sister Amanda ang isang daan na kinuha pa nito mula sa binutas na alkansyang lata ng lactum. “Resume?” “Check,” wika naman ni Trizia. “Ayos. Kompleto na lahat,” natatawang sambit niya. “Hindi pa kompleto, Sister Asper.” Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng boses. Si Sister Ester. “Nakalimutan mo ang pinaka importante sa lahat.” Kinuha nito ang kamay niya at nilagay ang isang rosary. Napangiti siya bigla. “Huwag mong kalimutan ang pinaka importante sa lahat, ang Panginoon. Gagabayan ka niya sa paghahanap mo ng trabaho at para mailayo ka rin niya sa mga taong naghahanap sa iyo.” “Salamat po, Sister Ester.” “Huwag kang gagawa ng kalokohan,” dagdag pa nito. Hindi niya napigilang tumawa. “Kalma lang, Sister Ester. Magpapakabait po ako ngayon para makahanap ako ng trabaho.” “Ipapanalangin ko iyan.” “Sige na. Aalis na ako.” Bumaling siya sa mga bata. “Pagdating ko mamaya, may bitbit na akong ensaymada.” Nagpalakpakan ang mga ito sa sinabi niya. “Mag-ingat sa daan, Sister Asper!” Pahabol pa ni Sister Amanda nang palabas na siya ng gate. Kumaway muna siya sa mga ito bago tuluyang naglakad palayo.     ***   “Aray!” napahawak siya sa side mirror ng isang pulang kotse nang bigla na lang siyang matapilok. Maniwala kayo at sa hindi pero natatapilok siya kapag flat ang suot niya. Mas komportable talaga siyang high heel ang suot. Napatingin siya sa salamin ng bintana ng kotse. Nakita niya ang repleksyon siya. Lalaking-lalaki na talaga siyang tingnan. Kamukha niya ang kanyang kuya Asperio. Matapos ang ilang segundong pagtitig sa sarili ay napa-iling na lamang na ipinagpatuloy niya ang paghahanap ng trabaho. Halos lahat ng nakikita niyang may poster na wanted ay pinapasahan niya ng resume ngunit palaging may nakauna na sa kanya o di kaya ay mababa ang sahod. Huling piraso na lang ng pina-photocopy niyang resume ang natira pero wala pa rin siyang nakitang pwede niyang pasukan. Ito talaga ang disadvantage ng hindi pa masyadong industrialized ng probinsya tulad ng Solare. Parang walang kwenta ang credentials niya sa lugar na ito. “Kung mamalasin ka nga naman…” bulong niya sa sarili pagkatapos ay pabagsak na naupo sa gilid ng daan. Nauuhaw na rin siya dahil mas pinili niyang maglakad kaysa sumakay sa tricyle. Hindi naman siya makapag-withdraw dahil siguradong mati-trace ng dad niya kung nasaan siya ngayon kapag gagawin niya iyon. Paubos na rin ang dala niyang cash. Isa pa, siya ‘yung tipo ng tao na walang malaking halaga sa wallet dahil nasa atm lahat. Laglag ang balikat na napatayo siya. Pinagpag niya ang narumihang pantaloon at inayos ang suot na wig. “One last resume. Sana ay swertehin ako sa huling trabaho na makikita ko. Please God, I’m doing this for those children. Sana tulungan mo akong makahanap--“ napatigil siya sa pagsasalita nang mag-isa nang mahagip ng paningin niya ang karatulang nakasabit sa labas ng gate na nasa harap niya.   “Wanted Nanny. Male only. Salary- 30,000/month” Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Nanny? Wala siyang alam sa pagbabantay ng bata ngunit para sa trenta mil na sahod ay gagawin niya ang lahat. Isang malalim na hiningan muna ang pinakawalan niya bago pinihit ang doorbell.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD