"Ronnie?" pagtawag niya na mukhang nabigla sa inasal ko. Hindi ko siya pinansin at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo ako papalayo kay Thunder habang binubutones ang pajama top ko. Mabilis naman akong nakarating sa tapat ng elevator at agad na pinindot iyon, at hindi pa ito tuluyang bumubukas nang maramadaman ko si Thunder sa gilid ko. "Don't run like that again, wife,” sabi nito na hindi ko pinansin. Nanatili lamang ang titig ko sa itaas ng elevator na kasalukuyang nagpapalit ng numero. Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nito. Nakita ko sa gilid ng mata ko na kinuha niya ang cellphone sa bulsa at mabilis na nagtipa saka binalik din agad sa bulsa ang phone nito at humarap sa akin. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa kamay ko na hindi ko naman tinutulan