"Veronica Marie Luz Cases! Cumlaude!" Nakangiti akong umakyat sa stage kasabay nang palakpakan mula sa mga audiences. Suot ang itim na toga, nangingilid ang luha na lumapit ako sa Director ng aking school saka iniabot ang diploma, saka sinuot sa akin ang medalya. "Congratulations,” nakangiti nitong sabi saka nakipag-kamay sa akin. Ngumiti din ako saka humakbang, humarap ako sa mga tao at itinaas ko ang diploma. Muling nagpalakpakan ang mga tao. Sandaling luminga ako sa maraming tao, saka napabuntong hininga nang hindi makita ang mga taong inaasahan kong dadalo ngayong araw. Tahimik akong bumaba sa stage saka bumalik sa upuan ko kanina. Napabuntong hininga ako saka tumingin na lamang sa harapan. Walang pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. After seven years ko s