Napangisi ako nang marinig ko ang usap ng mag-iina. Mabuti na lang at nilagyan ko sila ng tracking device. Kaya naman pinagbuti ko pa ang pakikinig sa mga ito. "Mommy, nandito na kami," wika ni Laine. "Ooh! Mabuti naman at naisipan pa ninyo umuwi baka may nakakalimutan kayo?" asar na tanong ni Sabel sa mga anak nito. "Hindi namin makakalimutan 'yun, mommy," sagot naman ng lalaking anak ni Sabel. "Good! Siya nga pala nay bagong tagapag-alaga ang bata, kailangan na nating mapatahimik ang bata," pahayag ni Sabel. "Madali lang 'yun mommy iisama natin ang yaya ng bata at 'yung mga sagabal sa ating plano ay isasama na rin natin," wika ng mga ito. "Puwede rin, kailangan na natin uumpisahan ang plano? Para maging asawa ko na si Hanz, ang akin mahal at para mapasaatin ang kayamanan ng mga