Napabuntonghininga ako, kailangan ko nang matapos ang mission ko, dilikado ako nito, ayaw kung masaktan sa bandang huli, inaamin ko na hinahanap-hanap ko lage si Hanz, lalo na kapag-umaga. Wala pa naman ginagawa sa akin ang lalaking 'yun pero bakit ganoon ang nangyayari? Kung totousin ay napakasungit nga nito sa akin, hindi talaga ito puwede, napahilamos tuloy ako sa mukha ko, kakainis naman kaya bumangon ako dahil hindi ako makatulog. Tumingin ako sa kama ni Arabel, napakaaliwalas ng mukha ng bata, alam kung kahit papaano ay masaya ito, sana nga lang ay makapagsalita na ito. (Rated SPG) Mga katok sa pinto ang narinig ko sino kaya ito? Tiningnan ko ang suot kong dress manipis lang ito tapos wala na din akong suot n bra. Binalot ko ng kumot ang katawan ko bago ko binuksan ang pinto at