Paakyat na ako sa silid namin ni Arabel ng tumunog ang cellphone ko, nakita kong ang isa sa mga tauhan ko ang tumatawag. Nagmamadali akong pumasok sa silid para roon makipag-usap. "Ma'am Sky, nakita na po namin ang pinahahanap ninyo, meron pong sakit ang isa sa anak nito," wika ng tauhan ko. "Kayo na ang bahala riyan dalhin ninyo sa hospital agad at tawagan mo ako kung ano pang problema, Bugart," wika ko. "Sige po, Ma'am, Sky," wika nito. Pagkatapos kong kausapin si Bugart ay muli akong bumaba. Para uminom ng tubig bigla kasi akong inuhaw. Nakasalubong ko pa nga si Manang. "Iha, ano ba ang totoong nangyari," salubong sa akin ni manang. "Bastos po kasi Manang tinuruan ko lang ng leksiyon," tura ko rito. "Nakung bata ka, mag-iingat ka, dahil baka mapahamak ka," paalala nito sa akin. T