Nag-inat ako ng kamay, siguro naman papayagan akong mag day off, dahil sunday naman ngayon, simula nang dumating ako rito ay ngayon lang ako mag da-day-off. Lumabas ako ng kuwarto, nakita ko si Hanz at April, nasa garden at masayang nag-uusapa, totoo nga 'yun sinabi ni manang, ngayon ko lang din nakita na ngumiti si Hanz at dahil ito kay April. Masakit man isipin pero nakikita na mismo ng mga mata ko ang totoo. At nandito na sa harap ko ang katutuhanan, kaya lang ako pinatulan ni Hanz ay para makalimutan niya si April, kung baga ay panakip butas lamang ako. Tumikhim ako. "Excuse po, Sir, Ma'am....hmmmm...sir Hanz, magpapaalam po sana akong mag day off ngayon?" wika ko. Tumingin ito sa akin ng masama, sino sa tingin mo ang magbabantay kay Arabel?" tanong nito. Anak ng titing hindi pa