CELESTE was thinking how she would escape the palace. She was watching the routine patrol of the Royal Guards around the palace. Noong nakaraang araw, nilibot niya ang buong palasyo para tignan ang mga posible niyang daanan pero talagang maraming guwardiya ang nakabantay sa paligid ng palasyo at hindi siya basta-basta makakalabas. Napabuntong hininga na lang si Celeste at nangalumbaba sa may sementadong railing sa balkonahe. Araw-araw siyang nandito at nag-iisip kung paano ba siya tatakas. Ayaw niyang habang-buhay na manatili sa palasyo na ‘to. All she wants is freedom. But it was impossible to happen now. “Celeste.” Lumingon si Celeste kay Lucian. Tinignan niya ito. Ngumiti si Lucian. “Do you want to go out?” “Out? Sa labas ng palasyo?” Nabuhay ng loob na tanong ni Celeste. Tumango