"Ano na naman ngayon? Naitaboy ko ang isa may pumalit naman." Napahawak si Mr Yuan sa noo. Dahil umagang-umaga ay sunod-sunod ang nandidisturbo sa kaniya. Dumiretso siya sa visitors area matapos nabilinan ang mga kasama. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang bisita niya samantalang si Mr Yeonto lang naman ang masipag na dumadalaw sa kaniya. Simula noong may pinapabantayang tao ilang araw na ang nakaraan. "Sirichi! What brings you here? Wala ka bang--- come here a little, may sasabihin ako." Hinila niya ang panauhin palayo sa kasama nito. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang taong pinapa-hold ng negosyanteng si Mr Yeonto. "Huwag mong sabihing ikaw ang tumulong sa kaniya, Sirichi? Alam mo bang araw-araw na pumaparito si Mr Yeonto? Gusto niyang e-hold natin siya rito sa airpor