"So, ano ngayon ang plano mo? Maari kang manirahan dito hanggat gusto mo. Pabor din sa akin dahil may kasama ang Mama at kapatid ko. Ang sa akin lang, paano mo haharapin ang mag-amang Yeonto? Alam mo naman siguro ang nais kong tukuyin dahil nagtrabaho ka sa kanila ng dalawang taon. Malakas ang kapit nila sa gobyerno, patunay lamang ang ginawa nila sa airport upang pigilan ka sa paglabas mo ng Thailand." Pahayag ni Sirichi sa bagong kakilala. Kadarating niya galing sa trabaho pero ang kaibigan niya ang unang hinarap lalo at napansin niyang nakahanda na ang lamesa para sa hapunan. Walang ibang magluluto kundi ito kaya't hindi niya itinanong kung sino ang nagluto. "Maaring kakain muna tayo, friend? Hindi ka ba nagugutom? By the way, pinakialaman ko ang refrigerator ninyo kaso hindi ako maru