"Ate! Ate!Yehey!Nandito na ulit si Ate!" puno ng pananabik na sambit ni Nene nang makita siya sa pintuan ng kanilang maliit na bahay. Araw ng linggo ngayon at maaga siyang umuwi sa bahay nila. Nakapamili na rin siya ng mga uulamin ng mga kapatid at kaunting groceries para sa school ng mga ito. Wala naman siyang tinatabing pera dahil sa gastusin ng ama sa hospital. Ang sabi ng tiyahin niya ay matagal pa bago makakalabas sa ospital ang kan'yang ama. Depende pa kung magpapakita ito ng senyales na pagaling na ito dahil sa ngayon ay wala pa signs na ligtas na ito. Ibig sabihin ay matagal pa siyang magsasakripisyo. Matagal pa siyang magiging s*x toy ng kan'yang amo. Pagod na ba siya? Hindi ba't gustong gusto niya rin kapag inaangkin siya nito? Mahigpit siyang niyakap ng dalawa niyangkapatid nan