Chapter 7- Date with Dave

1365 Words

Kagaya ng pangako niya kay Dave ay ipinagdiwang nila ang kanilang anibersaryo sa araw ng linggo. Buong araw silang magsasama at mamamasyal kaya alas ocho ng umaga pa lamang ay umalis na siya sa mansion. Tinawagan na lamang niya si Aling Tessie na hindi siya makakauwi ngayon dahil may importante siyang lakad. Nakasimpleng gayak lamang siya, isang puting bestida na may maliliit na disenyo ng bulaklak na tinernuhan niya ng dollshoes. Binili niya ang suot niya galing sa perang binigay sa kan'ya ng kan'yang amo. Nauna silang magsimba sa pinakamalapit na simbahan.Magkahawak kamay sila ni Dave habang nakikinig sa sermon ng pari. Panay ang halik ng nobyo niya sa kanyang palad . Napangiti siya sa turan nito, ramdam niya ang kasiyahan nito ngayon na magkasama silang dalawa. " You're so beautiful,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD