Araw ng linggo. Maaga siyang nagbihis para sa lunch date nila ni Dave. Pinangako nito na magsasama sila sa araw na ito. Nauna na siya sa isang sikat na restaurant na sinabi nito sa text. Sinubukan niyang tawagan si Dave ngunit can't be reach ang cp nito kaya minabuti na lamang niyang etext ang nobyo para sabihin rito na naghihintay na siya sa restaurant. Mayaman na nga ang nobyo dahil sa isang sikat at mamahaling lugar na siya dinadala nito. Dati rati ay dinadaan lamang nila ang ganitong klaseng lugar pero ngayon ay first time siyang makakatikim ng pagkain sa lugar na ganito. Excited siya, sobra sa katunayan ay hindi nga siya nakapag-almusal kanina dahil alam niyang bubusugin siya ni Dave at hinanda talaga niya ang kan'yang sikmura para ngayon. Alas dies na ngunit wala pa ang nobyo. Ang us