JEAN " I'm so sorry, JM.Hindi nabuo ang binhi sa loob ng matris mo. Maybe you and Jade aren't compatible. Your case is called as anembryonic pregnancy.The sac forms and grows but fails to develop and this will soon lead to miscarriage . Hindi talaga 'yan mabubuo, JM...I'm sorry!" malungkot na sambit ng doktora kay Jean.Nakaramdam siya ng kirot sa ibabang bahagi ng kan'yang puson kaya kaagad siyang kumunsulta sa kan'yang OBGYNE. At sa kasamaang palad, pagkatapos niyang mag ultrasound ay iyon na nga ang balita ng doktor sa kan'ya. " Dok , baka kailangan kong magpa-ultrasound ulit? Baka may gamot na pwede kong inumin 'di ba?" " I'm sorry. Walang silbi ang gamot JM. Kailangan mo nang magpa-sched for an operation. Kailangan nating linisin ang matris mo dahil kung magtatagal pa baka magsisi