┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Bro, saan ka pupunta?" Napatingin si Maguz kay Owen. Kumindat ito at saka nagmamadaling sumampa ng kanyang motor. Nalaman kasi nito na may misyon si Janine, kaya susundan niya ito kahit na saan ito magpunta.
"May susundan lang ako." Sagot niya, pinaandar ang makina ng motor at saka niya ito pinaingay ng sunod-sunod na tila ba naghahamon kay Owen.
"Damn you! Magiging stalker ka na naman!" Inis na sabi ni Owen, isinuot ang kanyang helmet, pagkatapos ay mabilis itong sumampa sa dala niyang big bike at agad na binuhay ang makina. Natawa si Maguz at biglang pinaharurot ang kanyang motor para maiwanan si Owen, but when it comes to handling big bikes, especially something like a Ducati, no one does it better than Owen... his precision and skill are unmatched.
Pinaharurot ni Owen ang dala niyang big bike at saka niya hinabol si Maguz. The roar of the motorcycle engines echoed loudly, cutting through the wind habang naghahabulan silang dalawa sa highway ng Manila. Nalagpasan ni Owen si Maguz, weaved skillfully through the fast-moving traffic.Sa tuwing malalagpasan niya ang mga sasakyang nadaraanan nila, his bike tilted sharply, almost grazing the asphalt, showcasing his daring precision and unmatched control kaya mas lalong pinagbutihan ni Maguz ang paghabol sa kanyang kaibigan. Alam niya na pagdating sa karerahan ng motor, wala pang nakakatalo kay Owen. Lahat ng malagpasan nila ay napapahanga sa kanila, pero ang iba ay naiinis naman sa kanila dahil sa bilis ng pagpapatakbo nila sa highway.
Unti-unting bumagal si Owen, gayundin si Maguz dahil sa papalapit na stop light. Then red light, kaya napahinto sila. Inangat ni Maguz ang cover ng kanyang helmet at tumingin sa kanyang kaibigan.
"DRT, papunta na duon si Janine. Kailangan natin siyang abutan." Wika nito. Tumango naman si Owen, at nang umilaw ang green light ay muli silang naghabulan hanggang sa makarating na sila ng North Expressway.
Mas lalo silang naging pangahas sa pagmamaneho, lahat na yata ng sasakyan ay nilalagpasan lang nila kaya napakabilis para sa kanila na marating ang lugar na sinabi ni Maguz.
Hindi nagtagal ay isang big bike ang namataan ni Maguz kaya bigla siyang nagbagal. Nagtaka naman si Owen kaya binagalan din niya ang pagpapatakbo ng kanyang motor. Huminto si Maguz sa isang gasolinahan, sinundan siya ni Owen.
"May problema ba?" Tanong ni owen. Nakangisi naman si Maguz at titig na titig sa isang papalayong big bike.
"Sakto lang ang dating natin. Ayun ang aking mahal, nakasabit na naman sa kanya ang kanyang guitar case. Sa barangay Pulong Sampalok ang tungo niya, nanduon ang target na ibinigay sa kanya ni Marcus." Wika ni Maguz kaya natawa si Owen. Hindi ito makapaniwala na alam na alam nito kung nasaan ang misyon nito.
"Ibang klase ka rin. Baliw na baliw ka sa isang pusong lalaki. Ingat ka sa isang 'yan at baka mamaya magising ka na lang, putol na 'yang harapan mo." Natawa si Maguz sa tinuran ni Owen. Muli nitong isinuot ang kanyang helmet at saka nagsimulang paandarin ang kanyang motor. Hindi ito masyadong mabilis, nakaalalay lamang ito dahil alam niya na malakas ang pakiramdam ni Janine kapag may sumusunod dito.
Malayo-layo na rin ang nilalakbay nila, pero hindi na nila mahanap pa si Janine. Walang mga bahay sa lugar na ito, at kung meron man, bawat pagitan nila ay nasa isang kilometro yata ang layo. Inihinto ni maguz ang kanyang motor sa gilid ng kalsada at saka siya bumaba ng motor.
"Tang-na, nasaan ang babe ko?" Inis na sabi ni Maguz. Natawa naman si Owen. Nakasakay lang ito sa kanyang motor habang ang isang paa niya ay nakatukod sa semento.
"Sigurado ka ba na tama ang dinaanan niya? Mukhang nailigaw yata tayo." Tumatawang sabi ni Owen. Inis na inis naman si Maguz, pagkatapos ay sinipa nito ang maliit na bato na tumalsik naman sa malayo. Pero nagulat sila ng isang malakas na ugong ng motor ang narinig nila kaya sabay silang napatingin sa matalahib na lugar. Walang kaabog-abog ay nabigla sila sa paglabas ng motor na sinasakyan ni Janine at nakatutok pa kay Maguz ang baril nito. Tawang-tawa naman si Owen na nakatingin sa nagulat niyang kaibigan, pero ngiting-ngiti ito ng makita nito si Janine.
"Babe, akala ko nawala ka na sa paningin ko." Sabi nito. Mabilis na bumaba si Janine sa dala niyang big bike na hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Maguz.
"Tang-na ka! Bakit ninyo ako sinusundan? Paano mong nalaman na nandito ako? Hindi na ako natutuwa sa'yo Maguz. Head back to Manila right away. Don't you dare jeopardize my mission." Inis na sabi nito.
"I can't. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita pakikialaman. Gusto ko lang makasigurado na okay ka lang. Hindi iisa lang ang kalaban mo, kaya dito lang kami ni Owen." Sagot nito kaya inis na inis si Janine. Isinuksok niya ang baril niya, hinubad ang pagkakasuot ng belt guitar case sa kanyang katawan, pagkatapos ay bigla niyang inundayan ng suntok si Maguz, pero nakailag ito, pero isang spinning kick ang ginawa ni Janine. Kaso nga lang ay sinalo ni Maguz ang paa na Janine na sisipa sana sa mukha ng binata, pagkatapos ay sinipa ni Maguz ang kaliwang paa ng dalaga kaya bumuwal ito. Pero sinalo siya ni Maguz na halos pakarga na habang ang dalawang paa ni Janine ay nakasayad sa lupa. Nagtama ang kanilang paningin, pagkatapos... sa isang iglap ay dinampian niya ng halik sa labi si Janine kaya halos lumuwa ang mga mata ng dalaga. Isang turnover backward jump ang ginawa ni Janine upang makaalis sa pagkakahawak sa kanya ni Maguz, pagkatapos ay sinipa niya ito sa tagiliran kaya bagsak ito sa lupa. Humagalpak ng tawa si Owen, muntikan pa itong mahulog sa kanyang motor dahil sa lakas ng pagkakatawa nito.
"Ouch, babe naman! Kiss lang nagagalit ka na? Ikaw nga pinagsamantalahan ang kahinaan ko ng gabing 'yon, pero hindi kita ginantihan. Tapos isang halik lang, tadyak ang inabot ko?" Wika nito na mas lalong ikinatawa ng malakas ni Owen. Tuwang-tuwa ito sa kaibigan niyang nababaliw sa pag-ibig sa isang babaeng ang nais lamang ay maging isang tunay na lalaki.
"Owen, iuwi mo na nga ang kaibigan mo. Ipakilala mo nga ako kay Apex para ma-report ko ang mga kalokohan ng gagong 'yan. Nakakapikon at hindi na ako natutuwa pa." Inis na inis na sabi ni Janine, pero si Owen tawang-tawa lang at nag-eenjoy sa napapanuod niya.
"Hindi kami aalis dito. Basta susunod lang kami sa'yo kaya mas mabuti pa na umalis na tayo dito para naman hindi tayo abutin ng gabi sa lansangan. Papadilim na mahal ko." Sagot ni Maguz. Napapailing na lamang ng ulo si Janine. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan niya si Marcus.
"What? Marcus, this is my mission, so bakit ko hahayaang may nakabuntot sa akin? Hindi nga ako pumayag na makasama ko sa misyong ito si Julian, pagkatapos may dalawang nakabuntot sa akin? Paano ba nila nalaman na nandito ako?"
"Maguz is who he is, and when he sets his mind on something, he usually gets it. Just focus on your mission and don’t worry about them. They won’t cause any interruptions, so there’s no need to stress over it." Sagot ni Marcus mula sa kabilang linya. Galit na galit naman si Janine, hindi makapaniwala sa isinagot sa kanya ng kanyang pinuno.
"Don't worry about them? No need to stress over it? Gusto ko na ngang butasin ang sikmura ng isang ito para tigilan na ako. Damn it!" Galit na sagot ni Janine, pero tinawanan lang siya ni Marcus at nawala na lamang itong bigla sa kabilang linya.
"Marcus? Marcus? Damn it!" Galit na galit na si Janine, stress na stress na ito kay Maguz, pero tila nag-eenjoy naman ang binata sa nakikita niyang pagkapikon sa kanya ni Janine.
Humugot nang malalim na paghinga ang dalaga at nilapitan nito ang kanyang motor, pagkatapos ay kinuha niya ang guitar case at isinuot ito sa katawan niya. Inis na inis ito, hindi tuloy niya alam kung tutuloy ba siya sa kanyang misyon o uuwi na lamang siya. Batid niya kung gaano kabaliw sa kanya si Maguz, pero babae ang itinitibok ng kanyang puso at imposibleng mauwi sila sa isang relasyon.
"If I were you, I would just let him be. He won’t interfere, and he’s only concerned about your safety. He’s in love with you, Janine, and you can’t really stop him from following you. Just focus on your mission and ignore him. Afterward, we can stay at my small farm. It’s about five kilometers away from here. I promise he will behave. May gusto rin akong ipakilala sa'yo." Humugot nang malalim na paghinga si Janine, pagkatapos ay tumango ito kay Owen. Sinulyapan niya si Maguz at masama niya itong tinitigan.
Sumakay ito ng kanyang motor, pinaingay niya ito at saka niya ito pinaharurot. Walang lingon likod, ayaw niyang makita na sinusundan siya ni Maguz. Inis na inis ito sa binata.
Hindi nagtagal ay nakarating sila ng barangay Pulong Sampalok, at katulad nga ng sinabi ni Maguz ay hindi ito nakialam sa misyon ni Janine. Hinayaan niya ito, nandito lamang siya upang makasiguro na walang mangyayaring masama sa babaeng gusto niyang pakasalan, pero ang tanong ay gusto ba siyang pakasalan ni Janine? Iyon ang malaki niyang problema.
Lumipas pa ang mahigit isang oras at natapos naman ni Janine nang maayos ang kanyang misyon. Mahigit alas otso na ng gabi at inaya na siya ni Owen na magpalipas nang gabi sa maliit na farm niya. Nuong una ay nagdalawang isip ito, pero dahil pagod na rin siya ay pumayag na rin ito. Mula sa kinaroroonan nila ay mga sampong kilometro ang layo ng maliit na farm ni Owen, pero dahil motor ang dala nila, mabilis lang nilang mararating ang farm nito.
Hindi nagtagal ay nakarating sila sa farm. Katulad nga ng sinabi ni Owen, hindi ito kasing laki ng farm na katulad ng kila Marcus. Nasa isang ektarya lamang ang laki nito, sapat na para sa mga alagang hayop na pinaparami at binebenta katulad ng mga baka, manok, mga baboy at mayroon pang mga kambing. Malaki ang isang ektaryang lupain, pero kung ihahalintulad ito sa mga napuntahang farm ni Janine na pag-aari ng mga kaibigan niya ay maliit lamang ang isang ektarya.
"Kuya, akala ko ay hindi na kayo darating." Nagulat si Janine, hindi niya akalain na may kapatid pala itong babae. Nasa isip niya kung ito ba ang sinasabi ni Owen na ipapakilala sa kanya.
"Kapatid ko sa ama. Melba, ito si Janine, ang sinasabi ko sa'yo kanina sa phone, kaibigan namin ng Kuya Maguz mo." Pagpapakila ni Owen sa kanyang kapatid. Napatango naman si Janine at bahagya itong ngumiti. Bata pa ang kapatid ni Owen, nasa edad disi-otso lamang ito at magandang babae. Kasama ng kapatid ni Owen sa farm ang ina nito at maganda ang ina ni Melba. Ikinuwento ni Owen kay Janine na nabuntis ng ama niya ang ina ni Melba nuong gabing lasing na lasing ito. Iyon ang gabi na nailibing ang yumaong ina ni Owen, namatay kasi ito sa isang malubhang karamdaman, kaya sa sobrang pighati ng kanyang ama ay nagpakalasing ito, at nang gabing 'yon ay wala sa sariling nagalaw ang katulong nila na ina ni Melba.
Nag-iisa lang si Owen, at ang magkaroon ng kapatid ang pangarap nito, kaya lang ay namatay ang kanyang ina nuong sampong taong gulang pa lamang siya. Kaya ngayon ay pinapangalagaan niya ang kapatid niya dahil maging ang kanyang ama ay hindi tanggap na nakabuntis ito ng isang katulong habang lango ito sa alak nuong nagluluksa ito. Pagkatapos, nang malaman nila na nabuntis ito ay pinalayas ito ng kanyang lolo at lola, maging ng kanyang ama. Kaya hinanap niya ito nuong tumuntong siya ng twenty years old, at nang matagpuan niya ang mga ito ay itinira niya ang mga ito dito sa DRT. Binili niya ang lupaing ito para sa kanila. Itinuring na ni owen na ina ang nanay ni Melba na si Teresita.
"Kuya Maguz, niluto namin ni nanay ang ibinilin mo sa akin. May adobong manok na texas, nilagang pata ng baboy at saka ginataang sitaw at kalabasa. Niluto namin ang lahat ng ulam na sinabi mong paborito ni Ate Janine. Buti na lang naitawag ninyo agad kanina kaya namitas kami agad ni nanay ng mga gulay kanina, tapos si nanay ay nag-utos agad sa tauhan na bumili ng malalaking sugpo para isasahog sa ginataang sitaw na may kalabasa. Ate Janine, sigurado ako na masisiyahan ka sa masarap na pagkain." Nagulat si Janine at napatingin ito kay Maguz. Hindi ito makapaniwala alam ni Maguz ang mga paborito niyang ulam. At hindi lang 'yon, detalyado pa.
"Talagang pinanindigan mo na ang pagiging stalker mo sa akin, ha?" Inis na sabi ni Janine kaya natawa naman si Maguz. Tinabihan niya sa upuan si Janine, pagkatapos ay inakbayan niya ito kaya agad na pinalipit ng dalaga ang braso nito. Tawang-tawa naman si Owen at ang kapatid nitong si Melba.
"Halina kayo rito at kakain na tayo. Baka lumamig pa ang pagkain." Sabi ng ina ni Melba na si Teresita. Kung tutuusin ay bata pa ang ina ni Melba, thirty seven years old lang ito at talagang napakaganda. Nineteen lamang ito ng mabuntis ng ama ni Owen, pero itinaboy ito ng mga Connelly.
Sabay-sabay silang kumain at napapangiti si Maguz dahil nakikita niya kung gaano kalakas kumain si Janine. Kumuha ng adobong manok si Maguz at inilagay sa plato ni Janine. Natigilan naman ang dalaga, pero kinain din niya ito at talagang sarap na sarap ito sa lahat ng pagkaing ipinaluto ni Maguz.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo si Janine sa isang maliit na kubo sa labas ng bahay. Nagsindi ito ng isang sigarilyo. Nakikita niya si Maguz na panay ang sulyap sa kanya, pero hindi naman siya nito nilalapitan. Inilabas ni Janine ang baril niya na nakasuksok sa kanyang likuran at saka niya tinanggal ang magazine nito.
"Ate Janine, anong klaseng baril 'yan?" Tanong ni Melba na ikinagulat ni Janine. Itatago sana niya ito, pero lumapit si Owen at si Maguz at sinabing okay lang lalo pa at tinuturuan daw nila si Melba ng self-defense.
"Uhm... itong hawak ko ay Sig Sauer P365, isa itong micro-compact gun na paborito ko pagdating sa self-defense. Magaan lang kasi itoMelba kaya hindi mahirap dalhin, at kahit maliit lang ito, malakas naman ito at malaki ang capacity nito... pwede ka kasing maglagay ng hanggang twelve o hanggang fifteen bullets, pero syempre depende pa rin sa magazine na ginagamit ko, pero maximum nito ay hanggang twenty one bullets kung extended magazine ang gamit mo, katulad ng gamit ko dito sa baril ko, kaya nga ito ang paborito ko. Napakalakas nito dahil 9mm ang caliber nito kaya malayong distansya anng naaabot nito, pero syempre dapat kalkulado mo pa rin kung gaano kalayo ang kalaban bago mo kalabitin ang gatilyo.
Perfect na perfect ito kung gusto mo ng baril na madaling itago sa katawan mo. Kaya kung tinuturuan ka pa.la ng kuya mo kung paano ang bumaril, dapat ganitong baril ang ipabili mo sa kanya. At saka hindi basta-basta nagja-jam ang ganitong klase ng baril, kaya siguradong smooth kapag ipuputok mo ito sa target mo. Sa katulad ko, okay siya sa mga misyon ko, o kaya naman kapag para sa'yo ay tamang-tama ito kahit pang-proteksyon lang." Wika ni Janine kaya ang laki ng pagkakangiti ni Melba. Tumingin pa ito kay Owen at kay Maguz.
"Ay kasama mo pala sila kuya sa trabaho nila?" Mahinang tanong ni Melba at humagikgik ito kaya natawa si Owen at ginulo-gulo ang buhok ng kanyang kapatid. Hindi na ito sinagot pa ni Janine, natawa na lamang ito at nilinis na lang niya ang kanyang baril.
"Mag-inuman tayo." Sabi ni Maguz. Biglang tumayo si Janine at ikinasa ang kanyang baril.
"Sabi ko nga matutulog na lang tayo." Biglang bawi ni Maguz kaya ang lakas ng pagkakatawa ni Owen.