┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Maagang nagising si Janine dahil sa sobrang ingay ng mga manok sa paligid. Pupungas-pungas pa ang mga mata nito ng bumangon ito at tumingin sa bintana.
Hindi naman kalakihan ang bahay na ipinagawa ni Owen sa kanyang kapatid at sa ina nito. Simpleng three bedroom lang ito na may ikalawang palapag. Maganda ang bahay, pero simple lang ang pagkakaayos nito. Walang kahit na anong karangyaan ang makikita sa loob ng kabahayan. Simple lang, katulad ng pamumuhay nila Melba.
"Ate Janine, gising ka na pala? Teka lang at ikukuha kita ng kape." Sabi ni Melba. Napangiti naman si Janine, humimas pa ito sa kanyang sintido dahil medyo sumasakit ang ulo niya.
Lumabas siya ng bahay, nagulat pa siya ng makita niya ang ina ni Melba na si Teresita na naghahain ng maraming pagkain sa mahabang table na nasa ilalim ng puno ng mangga.
"Gising ka na pala. Halika na dito, kakain na tayo. Gising na rin sila Owen, nanduon sa may falls, nag-eenjoy na naliligo sa falls." Sabi nito. Nagulat naman si Janine, hindi makapaniwala na may falls sa farm nila Owen.
"May falls ho dito?" Tanong niya, nanlalaki pa ang mga mata.
"Abay oo. Nandito ka sa DRT, at napakaraming falls sa lugar na ito. Gusto mo bang puntahan ang dalawang magkaibigan? Diretsuhin mo lang ang daan na 'yan, then... unti-unti mo nang maririnig ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa falls. Napakaganda sa lugar na 'yon, lagi diyan si Melba, nagpatayo nga siya kay Owen ng isang maliit na kubo duon. Sige na, puntahan mo na sila duon." Sabi ng ina ni Melba.
"Naku Ate Janine, bago ka maligo, ubusin mo muna itong kape para mainitan ang sikmura mo." Pahabol na sabi ni melba kaya napalingon si Janine. Napangiti ito at tinanggap naman ang kape.
"Kung maliligo ka ate, may mga bago akong damit diyan na may tag pa. May mga undergarments din ako na puro brand new at naka sealed pa. Pwede ko 'yong ibigay sa'yo. Mukha namang pareho lang tayo ng size ng katawan kahit mas bata ako. Malaking bulas kasi ako, nakikita mo naman, hindi ba?" Sabi ni Melba. Totoo ang sinabi nito. Kahit eighteen years old pa lang ito, ang katawan nito ay hindi na nalalayo kay Janine. Maging ang dibdib nito ay halos kasing sukat lang din ng kay Janine.
"Naku hindi ako maliligo. Sa condo ko na lang. Okay lang naman ako, and mamaya lang ay uuwi na rin naman ako." Sagot nito. Nagulat naman si Melba at agad itong sumagot.
"Hala! Sabi ni kuya ay dito muna raw kayo hanggang bukas ng umaga. Kaya nga namili na kaninang madaling araw si nanay ng sariwang karne ng baka na mailuluto para sa ating lahat. Wala kasing katay ngayon si Mang Teban ng karne ng baka kaya bumili na lang si nanay sa palengke. Dito daw kayo hanggang bukas." Naibugang bigla ni Janine ang iniinom nitong kape ng marinig nito ang sinabi ni Melba. Wala kasi ito sa usapan, at wala din namang sinasabi sila Maguz sa kanya.
"Huwag kang magpapaniwala sa mga sira ulong 'yon. Uuwi din ako mamaya lang. Uhm, sige at pupuntahan ko muna silang dalawa at may lilinawin lang ako sa kanila." Sagot ni Melba.
"Dito ka na lang din. Bukas kasi ay flight nila Kuya Owen at Kuya Maguz. Babalik kasi sila ng America, pinapatawag daw silang lahat ng kanilang boss. Isang linggo silang mawawala kaya mamimiss ko sila. Kapag umuwi ka, baka umuwi na rin sila." Sabi ni Melba. Isang pilit na ngiti lamang ang isinagot ni Janine. Hindi ito natutuwa sa idea na dito sila ulit matutulog.
Mabilis itong humakbang patungo sa sinasabing falls ng ina ni Melba. Nanggigigil ito, kuyom ang kamao at sinigurado pa nito na nakasukbit sa likuran niya ang kanyang baril.
Hindi nagtagal ay naririnig na niya ang masayang sigawan nila Owen at Maguz kaya bumagal ang kanyang mga hakbang. Mula sa kinaroroonan niya ay namangha siya sa napakagandang falls. Malakas ang daloy ng tubig nito paibaba at talagang napakaganda ng lugar. Para itong paraiso na nanghahalina sa kanya. Hindi nga niya namalayan na nasa harapan na siya ng mabatong parte ng tubig.
"Janine, halika dito. Ang sarap ng tubig." Tawag ni Owen. Si Maguz naman ay titig na titig sa babaeng kinababaliwan ng kanyang puso.
"Pwede ko ba kayong makausap?" Sigaw ni Janine. Narinig naman ng dalawa ang sinabi nito kaya mabilis silang lumangoy papalapit sa dalaga.
Pagkaahon nila ay naupo sila sa malalaking bato. Nakatitig kay Janine at hinihintay nito ang sasabihin nito sa kanila. Pero mukhang alam na nila na ang tungkol sa sinabi ni Owen kay Melba ang sadya ni Janine sa kanila.
"Hindi ako mag-stay pa dito ng isang araw na kasama kayo. Hindi pa ako nababaliw. Uuwi ako after ng agahan, kaya kung inaakala ninyo na makakasama ninyo ako dito ay nagkakamali kayo." Inis na sabi ni Janine.
"Hindi ba sinabi sa'yo ni Marcus? Hindi ka pa ba niya tinatawagan?" Sagot ni Maguz kaya kumunot ang noo ni Janine. Sinabi sa kanya nila Maguz at Owen na mayroon pa raw siyang misyon dito sa DRT at itatawag na lang daw sa kanya ni Marcus ang lahat ng detalye. Nagulat naman si Janine at mabilis na hinugot ang kanyang telepono sa suot niyang skinny jeans na ibinigay sa kanya ng ina ni Melba kagabi upang pamalit niya.
Agad niyang tinawagan si Marcus. Hindi siya basta maniniwala sa mga sinasabi ng magkaibigan. Mas gusto niyang marinig ito sa mismong bibig ng kanyang pinuno. Ilang ring lamang ay agad na sumagot si Marcus.
"Yes, yes, everything they said is true. Just stay put for now, and I will call you soon with all the top-secret, ultra-important details about your mission in that area. But for now? Chill. Relax. Enjoy yourself. Pretend you’re on vacation or something. And don’t worry... Maguz and Owen are completely harmless… well, unless you annoy them. Then I can’t make any promises." Sagot ni Marcus na may halong pagbibiro. Magsasalita pa sana si Janine, pero pinatayan siyang bigla ng phone ni Marcus kaya inis na inis ito.
"What the hell? Ano 'yung sinasabi niyang top-secret ultra important details? Kaylan pa siya nagkaroon ng ultra-important details?" Inis na sabi ni Janine. Humarap ito kila Maguz at saka ito inis na sumipa. Natawa naman ang dalawang magkaibigan at saka sila muling tumalon sa tubig.
"Ang sarap ng tubig, fresh na fresh!" Malakas na sigaw ni Maguz. Naupo naman si Janine sa malaking bato na inupuan nila Maguz kanina, at pagkatapos ay humugot ito ng malalim na paghinga.
Tumunog ang kanyang phone kaya napatingin ito dito. Video call ito at si Lyka ang tumatawag sa kanya. Natawa siya, birthday kasi ngayon ng kaibigan ni Lyka na si Joy, ang assassin ni Raniel. Sinagot niya agad ito at nagulat siya na kasama nito si Joy.
"Nasaan ka? Baka nakakalimutan mo na may usapan tayo ngayon? Nasaan ka ba? May usapan tayo, hindi ba?" Sabi ni Lyka. Natawa naman si Janine, pinapanuod lang niya ang inis na mukha ni Lyka. May usapan kasi sila na mamamasyal sila sa isang park rides, pero dahil mayroon siyang panibagong misyon dito sa DRT ay hindi siya makakasama sa kanila.
"Hindi ako makakasama. May panibago akong misyon. Katatapos ko lang ng misyon ko kagabi, pero binigyan ulit ako ni Marcus. Dito rin sa DRT." Sagot nito kaya halos malukot ang mukha ni Lyka nang marinig niya ang isinagot ng kanyang kaibigan. Natawa naman si Janine, pero alam naman niya na nauunawaan nito ang kanyang sitwasyon. Lahat naman sila ay iisa lamang ang buhay na ginagalawan nila, kaya alam na alam niya na nagdadrama lamang ito at nagpapanggap na masama ang loob.
"Cut the drama. You know the rules... if I have a mission, I’m not showing up. Just like if it were you, there’s nothing I could do about it. That’s the job." Sagot ni Janine kaya ang mukha ni Lyka ay unti-unti ng tumatawa.
"Janine, join ka sa amin?" Malakas na sigaw ni Owen at narinig 'yon ng kaibigan niya kaya panay na ang pangungulit sa kanya kung si Owen daw ba 'yon. Wala na siyang nagawa kung hindi sabihin na kasama niya si Maguz at si Owen, at bukas pa sila babalik ng Manila. Sinabi rin niya na naliligo ang dalawa sa falls kaya ang tatlo niyang kaibigan ay kinulit na siya na pupuntahan siya ng mga ito.
"Wait, tatanungin ko lang sila kung okay lang. Farm kasi ito ni Owen." Sabi ni Janine, nagulat naman si Lyka. Tumingin siya sa dalawang magkaibigan na nagpapabilisan sa paglangoy, pagkatapos ay tinawag niya si Owen at tinanong niya ito kung pwedeng pumunta si Lyka at si Joy. Mabilis namang pumayag sila Owen at sinabi ng mga ito na walang problema sa kanila. Mas marami daw ay mas masaya.
"Okay, pumayag si Owen, pero kapag tinawagan na ako ni Marcus para sa misyon ko, huwag ninyo akong susundan. Kilala ninyo ako, kapag solo ang trabaho ko, ayoko nang may nakabuntot. Got it?" Sabi nito kaya tuwang-tuwa ang dalawa. Sinabi na lang ni Janine sa mga ito na ipapadala na lang niya ang complete address para pumunta na sila dito.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtungo si Janine sa kubong maliit na tinutukoy ni Melba, ito 'yung ginawa ni Owen para kay Melba. May isa itong kama, at may ilang gamit para kay Melba. Ibinaba ni Janine ang phone sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay isiningit niya sa ilalim ng kama ang kanyang baril at lumabas siya ng kubo. Napatingin sa kanya ang dalawang magkaibigan, pero laking gulat ng mga ito ng biglang hinubad ni Janine ang pang-itaas nito, pagkatapos ay isinunod nito ang suot nitong pantalon. Halos lumuwa ang mga mata ni Maguz, at maging si Owen ay humahanga sa magandang hubog na katawan ni Janine. Ang suot nito ay isang hapit na boxer brief na small size, pero sa loob nito ay isang seksing bikini na kulay itim.
"Wow!" Sabi ni Owen. Biglang lumuwa ang mga mata ni Maguz at nilingon niya ang kanyang kaibigan.
"Tarantado ka. Mapapangasawa ko 'yan kaya umayos ka!" Galit na sabi nito sabay suntok sa braso ni owen. Tawa naman ng tawa ang binata at hindi ininda ang malakas na pagkakasuntok sa kanya ni Maguz.
Nagsimulang maglakad si Janine sa malamig na tubig, hindi pinapansin ang mga matang titig na titig sa kanya. Nang hanggang baywang na ang tubig ay saka siya sumisid patungo sa mismong falls. Halos malaglag ang panga ni Maguz habang titig na titig ito sa katawan ng babaeng kinababaliwan niya.
"Kapag hindi mo inalis ang mga mata mo sa katawan ko, lulunurin kita dito." Sabi ni Janine. Masamang tinitigan si Maguz.
"Babe, kung lulunurin mo ako sa kaligayahan, okay lang sa akin. Kung gusto mo ay simulan na natin dito sa falls. Lulunurin talaga natin ang isa't isa sa sarap." Sagot nito na ikinatawa ng malakas ni Owen. Napapailing na lamang ng ulo si Janine, pagkatapos ay nag-dive ito at sumisid. Naramdaman ni Maguz ang mga kamay ni Janine kaya ang laki ng pagkakangiti nito. Tuwang-tuwa ito, lalo pa ng humagod ang mga kamay ni Janine sa kanyang hita kaya napapikit siya at napatingala. Lalo siyang nasabik ng maramdaman niya na hinuhubad na ni Janine ang suot niyang boxer brief.
"Tang-na, ano ang ginagawa ninyo?" Gulat na sabi ni Owen.
"Shhhh... huwag kang maingay bro, ito na ang pinakahihintay kong sandali." Bulong ni Maguz, at kulang na lang ay umungol ito. Pero bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata ng wala na siyang maramdaman na kahit na ano.
"Babe, ano na nangyari? Nabibitin ako." Sabi niya. Tawa naman ng tawa si Owen habang nakatingin ito sa may gawi ng kubo.
"Oh, Maguz!" Sabi ni Janine, iwinagayway pa nito ang brief ng binata.
"Janine, ibalik mo sa akin 'yan!" Sigaw nito, pero tumawa lang si Janine, pagkatapos ay naglambitin ito sa sanga ng puno at saka isinampay ang brief ni Maguz.
"Janine, hindi ako natutuwa!" Sigaw nito. Hindi naman tumitigil sa pagtawa ng malakas si Owen. Kinuha din ni Janine ang damit ni Maguz na hinubad nito at ang tuwalya. Pagkatapos ay isinabit nya rin ito sa mataas na sanga ng isang puno.
Sakto naman na dumating si Melba at ang nanay nito na may dalang makakain nilang agahan. Humahagalpak naman ng malakas na tawa si Owen dahil namumula na ang mukha ni Maguz sa galit.
"Kuya Owen, Kuya Maguz, tara na kakain na tayo, nasaan po si Ate Janine? Dito na lang kami maghahain ni nanay sa kubo kaya halina kayo dito." Sabi ni Melba. Hindi naman makakilos si Maguz dahil wala itong salawal.
"Babe, huwag ka namang ganyan. Hindi ka na mabiro, may ibang tao dito. Nagbibiro lang naman ako kanina kaya ibalik mo na sa akin ang mga 'yan." Sabi ni Maguz. Pero kahit na anong pangungulit ni Maguz ay hindi siya pinakinggan ni Janine.
"Hi Melba, ano ang agahan natin?" Nakangiting tanong ni Janine. Nagulat naman si Melba ng makita ang boxer brief na suot ni Janine.
"Ay hala ate, tibo ka pala?" Bumunghalit ng tawa si Owen, habang si Melba naman ay biglang tinakpan ang kanyang bibig. Hindi niya sinasadya, nabigla lamang ito.
"Okay lang 'yan. Hindi ako apektado." Sabi ni Janine kaya napangiti na si Melba. Muli nilang tinawag si Maguz. Inis na inis ang binata na tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang alaga at saka ito umahon. Nagulat si Melba at ang ina nito kaya bigla silang napatalikod.
"Damuho kang bata ka! Ano ba 'yang ginagawa mo, bakit ka walang saplot?" Galit na sabi ng ina ni Melba. Tawa pa rin ng tawa si Owen, at maging si Janine ay tumatawa na. Nagtungo naman si Maguz sa malaking puno at saka siya naglambitin dito ng hubo. Mas lalo ng humagalpak nang tawa si Owen, halos gumulong na ito sa sahig habang nakikita niya ang itlog at ang patola ng kanyang kaibigang matalik na naglalambitin din habang isa-isa nitong kinukuha ang mga damit nito sa taas ng puno.
"Makakaganti din ako sa'yo Janine!" Sigaw ni Maguz.
╰┈➤ Lumipas pa ang maghapon, walang tawag si Marcus kaya iniisip ni Janine na baka bibiglain siya ni Marcus ng tawag pagtuntong ng hatinggabi.
"Janine!" Malakas na sigaw mula sa likuran nila. Biglang napalingon si Janine, at ang laki ng pagkakangiti nito. Sa wakas ay nakarating din si Lyka.
"Tinapos ko lang ang misyon ko bago kami nagpunta dito." Sabi ni Lyka. Ipinakilala ni Janine si Lyka at si Joy sa kapatid ni Owen at sa ina ni Melba.
"Tamang-tama, marami akong nilutong hapunan, kasi sabi ni Janine ay birthday mo daw, Joy." Sabi ng ina ni Melba.
"Happy birthday, besh! I wish you nothing but the best in life... success... happiness... and, of course, staying far away from danger (as much as your deadly job allows). No matter where our missions take us, remember that we have always got your back. I love you, and I will always be here for you, whether you need backup or just someone to share a drink with after a long day of, well... you know. Stay sharp and enjoy with us here!" Sabi ni Lyka at niyakap niya si Joy.
"Happy birthday. Natutuwa ako na makasama ko kayo dito ni Lyka. Happy birthday ulit." Sabi naman ni Janine.
"Happy birthday Jokla. magsabi ka lang kung ano ang gusto mo at baka kaya naming ibigay ni Owen." Pagbati ni Maguz. Binati rin siya ni Owen ng happy birthday.
"Sige, after dinner, rest tayo, tapos mag-inuman tayo ha? Iyan lang ang request ko, sana mapagbigyan ako." Sabi ni Joy kaya napakamot ng ulo si Janine.
"Tama naman! Birthday ni Joy, so why not celebrate it at the water falls? Sabi mo maganda duon." Wala nang nagawa si Janine kung hindi ang tumango kay Lyka. Napangiti naman si Maguz.
Lumipas pa ang mga oras at nasa may falls na sila at nakakarami na rin sila ng alak. Alas onse na nga ng gabi at marami na talaga silang naiinom. Tumawag din si Marcus kanina after dinner na ang target daw ni Janine ay nakaalis sa lugar kaya late na siyang natawagan. Mas okay 'yon sa mga kaibigan niya dahil makakasama nila si Janine ng magdamag.
"Duling na akoh, hindi koh na kayah." Sabi ni Joy, utal na ito. Hindi na nga nito maidilat ang kanyang mga mata. Tumayo naman si Lyka, pagkatapos ay inalalayang tumayo ang kaibigan niya. Nagpaalam na ang mga ito na babalik na raw sila ng bahay upang magpahinga. lasing na lasing na si Lyka at si Jokla.
"Wait, shashamahan koh na kayoh." Napipiyok na sabi ni Janine.
"Akoh nah... kayah koh nah toh..." Sabi ni Owen. Si Maguz naman ay nakapikit, lasing na ito at hindi maidilat ang mga mata.
Pagkaalis nila ay nahiga si Janine sa damuhan, pagkatapos ay bumangon upang bumalik na sa bahay, pero bigla siyang nabuwal kaya muli siyang nahiga.
Nakapikit ang mga mata ni Janine, pero naidilat niya ito ng maramdaman ang halik ni Maguz sa kanyang labi, habang ang isang kamay nito ay ipinapasok na sa loob ng suot nitong t-shirt.
"Ohhhhh..." Ungol ni Janine nang sinubo ni Maguz ang dibdib nito.
Tumayo si Maguz, muntikan pa itong mabuwal kaya tumawa ito. Lasing na lasing ito at saka naglakad, ganuon din si Janine hanggang sa makarating sila ng kubo. Pagkatapos ay itinulak ni Janine sa ibabaw ng kama ang binatang CIA.
"Let’sh make the mosht of this ynight. Youh want me, Mahguz? Then take me..." Nauutal na sabi ni Janine sa labis na kalasingan. Pagkatapos ay pareho silang nagmamadaling hinubad ang kanilang mga kasuotan, at kahit na isa ay wala silang itinira.
"You are so fvcking hot!" Wala sa sariling wika ni Maguz, pagkatapos ay sinalo ng dalawang kamay niya ang dalawang bulubundukin ni Janine while Janine moves with intoxicating seduction, her body sways effortlessly... every step, every glance dripping with irresistible heat.
"So damn sexy..." Muling bulong ni Maguz sabay subo ng dibdib ng dalagang assassin.
-To be continued...