Papunta na ako sa kwarto ko at hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Avion. Hinawakan niya ang aking kamay at kaagad na iniharap sa kanya. Masama ko siyang tiningnan. Nasa Rizal daw siya kasama si Zavian? Gosh! Hindi ko matanggap na nagsinungaling pa siya sa akin! Tapos ay ginamit niya pa ang kanyang pinsan. Sana sinabi niya na lang na makikipagkita lang pala siya sa babaeng iyon, mas katanggap-tanggap pa! “Piper, hayaan mo muna akong magpaliwanag. Hindi iyon kagaya ng iniisip mo—” Hinawi ko ang kamay niya sa akin kaya’t natigilan siya. Nakatitig siya sa kamay niyang marahas kong tinanggal sa akin. “Hindi ko alam, Avion! Ayoko munang makipag-usap sa ‘yo dahil kahit ano mang paliwanag mo ay alam kong hindi ko pakikinggan. Alam ko naman na ginagamit mo ako, na may relasyon p