CHAPTER 14: EX

2837 Words

Sa may department store na entrance kami pumasok ni Avion. Ang dami agad tao kahit kabubukas lang ng mall at dahil nga nasa department store na lang din naman kami ay nagpalinga-linga ako upang maghanap ng mabibili bukod sa libro. Ang daming magagandang damit na gusto kong bilhin. Kung maaari lang ay bibilhin ko na sa mga Sy ang mall na ito, eh. Kaya lang ayaw ni Dad kasi bff daw sila. Tinitingnan ko iyong isang dress sa isang sikat din na brand ng mga damit. Ang dami ko pang dress at hindi lahat ay nasusuot ko pero ang ganda talaga nito! Tube dress iyon at kulay pula. Pwedeng pangrampa—s**t, nakalimutan ko na may asawa na nga pala ako! “Do you like that? I’m sure it will look good on you.” Narinig ko ang boses ni Avi sa likod ko. Shuta! Nakalimutan ko rin na kasama ko nga pala siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD