Tahimik ako buong byahe. Ni hindi ko na nga pinansin si Avion nang makalabas ako ng CR at makita siyang naghihintay sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay may ngiti sa kanyang labi. I want to see that but I can’t smile at him, not after what he was up to yesterday. Kung totoo ang sinasabi ng babaeng iyon na magkasama si Avi at si Eloise kahapon ay ibig sabihin lamang nito, they spent the night together. He chose to spent his night with his ex-girlfriend rather than here, with me, and it’s offending me…it hurts. “Piper,” pagtawag niya sa akin nang makalabas kaming dalawa ng sasakyan. Hindi ko siya nilingon. Dinala ko lahat ng pinamili ko at diretso akong pumasok sa loob ng bahay. Na kahit na namamanhid ang aking kamay sa bigat ng mga libro ay hindi ko iyon ininda. Sinalubong ako nina Emma