After two years...
Hindi mahirap mag - adjust magtrabaho dito sa US, marami rin naman akong naging kaibigan at may mga kapwa kong Pilipino na sumabak maghanapbuhay dito sa ibang bansa para sa mas malaking sweldo. Hindi ko hinabol ang laki ng sweldo kundi ang makilala sa larangan ng trabahong napili ko. Kapwa kaming may mga magandang trabaho ng aking kapatid. Si ate Trisha ay pinagpatuloy ang pagiging manager pa rin sa mall at dalawang taon na ang kanilang anak na lalaki. Si Brandon ay isang taon ng namamasukan sa isang law firm sa Australia.
Sa isang buwan nga pala darating ang director ng ospital na galing sa Australia. Sabi nila isang magaling na surgeon at pinakabatang naging director dahil sa galing niya. Lahat sila kinikilig sakanya, hindi ako makarelate sakanilang kiligan blues. Kailangang makita ko muna siya para maniwala sakanilang bangayan. Yung iba magpaparebond daw baka mapansin at higit sa lahat kinakareer nila ang pagpapapayat. Natatawa nalang ako sakanila.
"Hoy Kelly! Anu deadma ka pa rin jan? Naku sigurado akong malalaglag ang panty mo kapag nakita mo siya!" Sita sa akin ni Olivia ang una kong nakapagaanan ng loob at naging matalik na kaibigan.
"Naku Oli! Tigilan mo yang kahibangan mo na yan. Kung totoong gwapo o anuman siya, malabo niya tayong mapapansin kasi ang langit at lupa ay hindi pwedeng magsama." Nang - uuyam kong sagot sakanya na ikinahaba lang ng kanyang nguso.
"Hmp! KJ ka talaga kahit kailan. Tomboy ka ba at ayaw mo sa lalaki?" Bigla niyang tanong. Tumawa ako ng malakas.
"Oli, mayroon na akong natitipuhan pero wala siya dito at ubod ng kasungitan. Gwapo at maganda ang katawan na papangarapin mong magpasakop sakanyang pumuputok na maskuladong braso." May kislap sa aking mata na paliwanag sakanya.
"Talaga! Kaya pala deadma ka kay sir Liam kasi mayroon ka na pala. Sir Liam is an epitome of a sexy hunk, kapag nakita mo siya talagang sumisigaw sa atensiyon ang lahat sa kanya mulo ulo hanggang paa pati ang kanyang mga kaibigan. Minsan naiisip ko baka isa siyang secret agent or model. Siya, ipakilala mo naman sa akin baka may kapatid pa siya." Mahaba niyang paliwanag at hirit na paglalambing sa huli. Natawa ako at kinurot ang kanyang mapula - pulang pisngi.
Hay! Nakakainis naman talaga, kung kailan kailangan kong maagang magreport saka pa naman nagkabuhol - buhol ang traffic. Kung minamalas ka nga naman, anu nalang ang iisipin ng director na yun na hindi ako maasahan. Napabuntong hininga akong pinindot ang busina ng aking sasakyan. Konting - konti nalang eh! Naman Kelly dapat kasi hindi ka nagpakapuyat kagabi. Katos ko sa aking sarili. Namiss ko sila sa Pilipinas masama bang magpakababad ng kwentuhan. Napakagwapo pa naman ng aking pamangkin. Nakakagigil yakapin at kurutin ang mapupula niyang chubby cheeks.
Nagmamadali akong bumaba sa aking sasakyan at tumakbong papasok ng building. Sa kakamadali ko hindi ko napansin ang papalabas na galing sa aking kaliwa para makabunggo ko siya at mahulog ang kanyang dala kasama ang mainit na kape. Narinig ko siyang napamura bago isa - isang dinampot ang mga nalaglag niyang gamit. Nagmamadali ko ring pinulot ang sumabog na laman ng aking bag at tumakbo sa aking locker para magpalit ng aking damit. Hindi ko na siya nilingon pa. Sh*t! This is the worst day of my life. Sana naman katapusan na ng kamalasan ko ito at ako na ang pinakahuling papasok doon. Lintek naman talaga oh!
Huminga muna ako ng malalim bago dahan - dahang binuksan ang pintuan, lahat ng mata sa akin nakatingin. Nakakahiya naman talaga oh! "I'm sorry for being late!" Yun lang ang nasabi ko bago pinili ang pinakadulong upuan.
Tahimik akong nakayuko at nakikinig, gusto ko ng matapos para makapagtago ako sa aking locker. Minsan na nga lang akong malate, wagas sa kahihiyan pa ang inabot ko. Napakaunfair naman talaga mamili ang tadhana, sa dami ng araw ngayon pa talaga siya naghasik ng kamalasan. Napatigil ako sa pagmumokmok sa sulok pagkarinig ko sakanyang swabeng boses na nakapagbigay ng kiliti sa buo kong katawan. That voice is familiar, saan ko nga ba narinig ang boses na yan? Dahan - dahan akong nag - angat ng aking ulo para makita kong sino siya. Para akong binuhusan ng malamig na yelo pagkakita sakanya. He's the man I met 2 years ago sa Pilipinas at ang lalaking nakabunggo ko kanina sa lobby! I stared at him unable to move. Gusto kong bawiin ang aking lumalagkit na tingin sakanya pero hindi ko magawa hanggang sa siya'y tumingin sa akin making me blush and shiver. Sh*t Kelly!! Mura ko sa aking sarili ng paulit - ulit. I tried my best to lower my gaze catching a smirk on his face. Damn you! Bwisit ka! Bakit ba lantaran ang kakisigan mo?
After the meeting, sinikap kong makalabas agad dahil may isang oras pa naman bago ang duty ko. Ayaw kong makakuha pa nag atensiyon sa kanila.
"Dra. Saavedra, can you please stay for a while?" Kanyang malamyos na boses na tanong. Sh*t! Can't this be enough! Napatigil ako sa pagsibad at umupong muli sa aking upuan. Kinindatan lang naman ako ni Olivia bago tuluyang lumabas. Pinagpapawisan na nilalamig ang aking kamay, hindi ko alam kung sa hiya dahil sa dalawang beses kong hindi magandang engwentro sakanya or ang ideyang maiiwan kaming dalawa. I can hear my heart beats faster trying to come out from my chest. Lumunok ako ng ilang beses at inaantay ang kanyang sasabihin.
Tumayo siya at lumapit sa aking upuan.
"Dra. Kelly Saavedra! Siguro naman natatandaan mo ako or kailangan kong ipaalala sa'yo?" Kanyang seryosong tanong bago umupo sa upuang bakante na nasa harapan ko, paharap sa akin. Sh*t! Ang walanghiya niya talaga! Hayop! Bumuga muna ako ng hangin bago tumingin sakanya. Ay mali! Dapat pala hindi ako tumingin sakanya nakakapanghina ang taglay niyang kagwapuhan. Naku, Kelly isang kasalanan na yan!
"S-Sir, I'm sorry!" Nagkabulolbulol kong sagot. F**k my dear life!
"Sorry! Saan ka nagsosorry?" Taas kilay niyang tanong. Sh*t! Ang gwapo niya parin kahit napakasarkastik niya. Hayop, huwag kang tumawa baka mayakap na kita at mahalikan pa. Letche!
"......" Napabuka ang aking bibig sa hindi inaasahan niyang tanong pero walang salita na gustong lumalabas! I cursed in my mind being sloppy.
"I said, saan ka nagsosorry. May nagawa ka bang kasalanan sa akin para magsorry ka?" Muli niyang arroganteng tanong.
"Fine! I'm sorry na ako ang pagkasira ng appointment mo 2 years ago at sorry sir sa pagkakabunggo ko ulit sainyo kanina. Wala kasing mata ang kaliwa't kanan kong braso. Sorry sir!" Sarkastik ko ring sagot at akmang tatayo ng tumawa siya ng malakas. What the hell! Anu bang problema niya?
"Ah!.. So, ganyan na pala ang bagong paghingi ng sorry ngayon!" Maanghang niyang sagot at sinabayan pa ng pagtawa. Tumayo ako at tumalikod na sakanya, bahala siya sa buhay niya!
"Not so fast, sweetheart! I need compensation not once, but twice!" Kanyang mabilis na sagot sabay hatak sa aking braso para mapayakap sakanya at konting galaw nalang dadampi ang aking labi sa kanyang nakaabang na mapupulang labi.