Harvey Villarama
We went straight ahead to the conference room. Halos mag-init ang ulo ko nang makitang wala pang tao roon. I came straight from the airport pero nauna pa ako sa kanila na diyan lang yata sa tabi-tabi nanggaling.
"Don, nasaan ang mga tao?" tanong ko sa tonong inis. Sa lahat ng ayoko ay 'yung mga nahuhuli sa meeting. Unprofessional ang tingin ko sa kanila at walang respeto sa oras ng ibang tao.
"May meeting lang si Direk Joel. Patungo na ang pinsan mo rito from Studio 3, 'yung scriptwriter naman on the way na," Paliwanag ni Don.
"On the way? Saan ba manggagaling 'yon at late siya? Sa North Pole? Galing pa akong Japan, for Pete's sake!"
"Relax, okay? Magdamag daw nagsulat si Lustrous Kitten para tapusin ang script kaya't intindihin mo na lang."
"Magdamag akong bumyahe from Japan but here I am, I came first." Pabagsak akong naupo sa isa sa swivel chairs na nakapaikot sa malapad na conference table. Nasa gitna iyon ng conference room. Tumitig ako sa white screen projector habang salubong ang kilay.
"Umidlip ka na muna habang hinihintay natin sila. Kukuha lang ako ng maiinom at makakain mo. Gutom ka na siguro."
"Gutom, pagod at inaantok," sagot ko sa matigas na tono.
"Yeah, yeah. Mag-rest ka muna riyan. Bababa lang ako sa pantry." Lumabas na si Don at iniwan akong tila umuusok ang bumbunan sa pagkainis.
I crossed my arms and leaned back. I will try to take a nap for now. Baka sakaling lumamig ang ulo ko.
Naramdaman kong may ibang tao sa loob ng conference room. Nakarinig ako ng ilang kaluskos at paghila ng upuan. Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal naidlip sa paghihintay, pero masakit ang ulo ko sa bitin na pagtulog. Puyat ako sa byahe sa eroplano saka dumiretso sa RV Entertainment.
May pagkain at kapeng malamig sa table malapit sa akin. Mukhang hindi na rin ako ginising ni Don dahil sa sarap ng tulog ko.
Nilinga ko ang paligid; nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa kabilang dulo ng conference table, nakalugay ang buhok nito. Hindi ko makita ang mukha dahil naka-face mask. Nakayuko ito at abala sa pagkalikot ng phone niya.
"Excuse me, are you sick?" tanong ko. Itinuro ko ang sariling mukha ko, referring to her pink face mask.
Nag-angat ito ng mukha, only to see a pair of tantalizing eyes with thick lashes and eyebrows. Fake ba 'yon?
"No, I am not sick. I prefer to stay anonymous," tipid na sagot nito.
"Oh... so ikaw pala 'yung sikat na writer na sinasabi ni Don," sambit ko na parang nang-aasar. "Does being famous make you tardy and unprofessional?"
"I beg your pardon?" tanong nito na parang hindi naintindihan ang tanong ko.
"Ang sabi ko, tinatamad pala ang tao 'pag sikat na." Sumandig ako saka humalukipkip. I have no patience to people with slow comprehension.
"Naintindihan ko ang sinabi mo, hindi ko lang maintindihan kung paano sumikat ang walang modo na katulad mo," mariing wika nito.
"Ako pa walang modo?" Napatawa ako. "Miss Lustrous whatever, I came straight from Japan, dumiretso ako rito pero mas nauna pa ako sa inyong lahat. You don't know how to respect other people's time."
Napansin kong pumikit ito nang mariin saka tumingala. Ilang ulit itong huminga nang malalim. "Okay, I'm out. Maghanap kayo ng ibang scriptwriter." Tumayo ito saka kinuha ang bag na nakapatong sa table.
Akmang lalabas na ito nang pumasok ang pinsan kong si Rick kasunod si Lily na girlfriend nito.
"Hey, what's happening here?" salubong na tanong nito habang naglilipat-lipat ang tingin sa amin.
"Binabastos na ako ng artista n'yo kaya I'm out. Humanap na lang kayo ng iba." Mariing isinukbit nito ang bag sa balikat saka akmang lalabas pero pinigilan pa rin ng pinsan kong magaling.
"Let her go. Ayoko ng tardy at unprofessional na katrabaho," giit ko. Wala akong panahong magsayang ng oras kakahintay sa mga taong late sa trabaho, o kahit sa simpleng date.
"See? Don't stop me from leaving. Mauuna na ako, Lily. I can manage." Nagmamadali itong lumabas.
"Lustrous Kitten, wait!" awat ni Lily. Humabol ito sa babae.
"Harvey? What have you done?" tanong ni Rick.
"Kuya, she was one hour late. Nauna pa ako na galing Japan at ura-urada n'yong pinapunta rito."
"Kahit na. Minadali namin 'yung tao para sulatin ang script. Hindi nga natulog magdamag para matapos lang 'to at ma-deliberate ngayon." Inilapag ni Rick ang script sa harap ko. "Pinilit lang din namin siyang pumunta ngayon nang rush kaya siya na-late."
"Eh di humanap kayo ng iba, problema ba 'yon?" Medyo na-guilty rin ako sa ginagawa ko, pero tapos na at nangyari na.
"Harvey, isa siya sa top commercial romance writers in the country. Pinag-aagawan ng lahat ang mga kuwentong gawa niya. Kami nga ang pinili niya over our competitor nang dahil kay Lily." Napatingala ito saka namaywang. "Apologize to her and bring her back, now."
"What? Ayoko nga." Umiwas ako ng tingin. Mataas ang pride ko kaya hindi ako hihingi ng sorry.
"Isusumbong kita kay Tita. Sasabihin kong nang-api ka ng babaeng walang laban," banta nito.
"Kuya naman..." reklamo ko.
"Go, Harvey. Be professional and be a genteleman. Alam kong maloko ka sa babae pero di ka pinalaki ng parents mo na walang modo." Tinitigan ako ni Kuya Rick na para akong bata.
"Oo na." Pabalya akong tumayo para sundin ang writer. "Nakakainis."