Chapter 8

948 Words
"Gusto kitang makausap kaya ako nagpunta dito" Taas noong sagot nya. "I know, now talk" Utos ni Andrew at umayos ng pagkakaupo sa malaking sofa. "Tulad ng sinabi ko magpapakasal ako sa iyo makukuha mo lahat ng karapatan mo kay Yhuan, basta ibalik mo lang ang lahat ng akin!" "Deal! Ibabalik ko lahat ng sa iyo" Bored na sagot nito. "Pero, hindi mo makukuha ang ano mang karapatan mo sa akin bilang asawa mo!" Mabilis na sabi nya na tila ba pangangapusan na sya ng hininga, at nakita nya kung paano marahas na nalipat ang mga mata nito sa kanya, humugot sya ng malalim na paghinga at tinuloy ang sinasabi. "Magpapakasal ako sa iyo at magsasama tayo pero hindi ko kailanman gagampanan ang papel ko bilang asawa mo!" Matigas na sabi nya. "So you are saying na, hindi kita pwedeng ikama pag gusto ko?" Tanong nito na lihim syang napangiwi sa salitang ginamit nito. Ikama? Yon lang ba talaga sya para rito? "Asawa mo ko sa papel pero hindi sa kama!" Matigas na sagot nya. Bumuga ng hangin si Andrew at tumayo mula sa kinauupuan at lumapit ito sa kanya, nagtaas sya ng mukha at sinalubong ang mukha nito. "Hindi ako naniniwalang mapaninindigan mo yang sinasabi mo ngayon Yna" Bulong nito habang pinaglalandas nito ang kamay sa mukha nya, hindi sya natinag kahit halos nangingilabot na ang buong katawan nya alam nyang alam ni Andrew ang kahinahan nya tulad kanina muntik na syang bumigay kung di lang tumunog ang telepono nito baka nagpaubaya nanaman sya, pero hindi, hindi nya bibigyan ng kalayaan si Andrew na basta nalang sya gamitin nito pag gusto nito, kahit pa sabihin nitong kasal sila at asawa nya ito, obligasyon nyang ipaubaya rito ang sarili pero hindi nya basta-basta bibigyan ito ng laya sa katawan nya. "I can!" Taas noong sagot nya at iniwas ang mukha rito. "Alam mo ba kung ano ang nagyari kanina, Yna kayang-kaya kitang angkinin kanina. I can have you on that sofa!" Sabi nito at tinuro pa kung saan sila nito kanina. "And also I can have you on that wall!" Dagdag pa nito at marahas na hinawakan ang mukha nya. "You can't resist me Yna! Don't try to deny that!" Sagot nito at hinalikan sya, nanlaban sya tinulak nya ito at mabilis na lumayo ng ilang akbang. "Where did you think you are going?" "Away from evil like you!" Sagot nya at pumasok sa isang pinto at malakas na sinara yon sabay lock. "Yna! Why don't you just accept that you can't resist me! You want me too Yna and I want you,  hell I really want you Yna" "Pabayaan mo nalang ako!" "Sige, magpahinga ka na muna, bukas sasabihin na natin ang tungkol sa pagpapakasal natin" Narinig nya ang sinabi ni Andrew na bukas na bukas i a-anounce na nila ang kasal nila, minabuti na nyang huwag na munang sagutin ito, basta alam nya makakasal sila ni Andrew pero hinding-hindi nya ibibigay ang sarili rito,  alam nyang tama si Andrew na kayang-kaya sya nitong angkinin kanina, pero ipinapangako nya sa sarili na hinding-hindi na mangyayari ang bagay na yon, babawiin nya ang lahat ng ninakaw nito. Kinabukasan maaga silang umalis ni Andrew sa Tragora Condo nagtuloy sila sa bahay nila, buong biyahe silang walang kibo sa isat-isa pasimple lang nyang sinusulyapan ito na halata sa mga mata nito ang walang tulong, at sya naman halata sa mga mata nya ang pag iyak magdamag dahil magang-maga ang mga yon. Pagdating nila sa bahay hindi na sya nagtaka pa ng makitang ang daming handa sa mesa. Marahil naibalita na ni Andrew sa mga ito ang pagpayag nyang magpakasal rito. "Halina kayo, kumain na tayo, maaga akong nagluto ng masasarap na almusal" Magiliw na yaya ni Sheirly sa kanila. "May okasyon ba?" Tanong nya na nasa tinig ang galit kaya naman nawala ang ngiti sa mga labi ni Sheirly at naramdaman nyang humaplos ang palad ni Andrew sa palad nya. Tila ba warning na kailangan nyang tratuhin ng maganda ang Mama nito, mabilis nyang inilayo ang kamay rito at pinaikot ang mga mata. "Si Yhuan?" Tanong nya ng mapansing wala pa sa komedor ang anak at si Penny. "Nilabas lang sya saglit ni Penny" Sagot ng Daddy nya na walang kangiti-ngiti sa mga labi. "Kukunin ko lang si Yhuan" Paalam nya at mabilis na lumabas ng komedor. Nakita nya si Penny karga si Yhuan sa may tabi ng swimming pool. Lumapit sya sa mga ito. Kaagad ngumiti si Yhuan ng makita sya kaya naman kaagad nyang kinuha ang anak kay Penny. "Hello my handsome boy. Do you miss me? Mommy miss you so much" Sabi nya sa anak  habang tumatawa naman ito. "Are you with Kuya?" Penny asked. "Yeah" Tipid na sagot nya. "Matutuloy na ba ang kasal nyo ni Kuya?" Biglang tanong ni Penny, sinulyapan nya muna ito at hinalikan sa pisngi si Yhuan bago sinagot ang tanong ni Penny. "Yes Penny, matutuloy na ang kasal" Sagot nya at nakita nya ang malawak na ngiti sa mukha nito. "You made a right choice ate!" Sabi nito at niyakap pa sila ni Yhuan. She made a right choice ulit nya sa isip dahil alam naman nyang mali nanaman ang desisyon nyang magpakasal kay Andrew lalo na't alam nyang dahil lang kay Yhuan kaya nagpupumilit itong pakasalan sya. Samantalang sya mahal na mahal nya ito mula noon hanggang ngayon at ngayong magiging legal na syang Mrs Scott Andrew Raven pero walang pag-ibig, magiging masaya ba sya sa feeling nito? Anong klaseng buhay ang kakaharapin nya matapos nyang maikasal dito, at mapaninindigan ba nya talaga na huwag bigyan si Andrew ng karapatan sa katawan nya? Kaya ba nyang tanggihan ito? Tanong nya sa sarili,  Ang daming tanong hanggang ngayon ay hindi pa nya alam ang sagot, basta ang alam nya nais nyang maibalik ang lahat ng pagmamay-ari nya na ninakaw sa kanya ni Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD