"Wala ka bang balak sabihin?" Tanong nito ng matapos na nilang pag-usapan ang gaganapin na kasal nila. Buong usapan syang walang kibo nakikinig lang sya sa mga ito, dahil alam naman nyang ano man ang sasabihin nya ay balewala din sa mga ito, matapos nilang pag-usapan ang lahat ng detalye ng kasal nila ay kaagad ng lumabas ng library ang Daddy nya at Mommy ni Andrew naiwan nalang silang dalawa ni Andrew sa loob ng library. "What do you want to hear?" "I don't know" "Kayo naman ang masusunod kahit ano pa ang sabihin ko diba?" "Hindi lang ako ang ikakasal rito Yna, tayong dalawa ang ikakasal!" Matigas na sabi nito. "I know! Dahil wala naman akong magagawa kung-" "Yna!" Mabalasik na sigaw nito sa pangalan nya at lumapit sa kinauupuan nya. Pinatong pa nito ang dalawang kamay sa magkabil