Chapter three
LUCAS POV’S
Hindi namin nahanap si Clara kahapon, hindi natuloy ang kasal naming dalawa at walang nakakaalam kung nasaan sya
Nagkulong ako sa aking silid dahil sa sobrang lungkot at sa kahihiyang nangyare kahapon
Ang mga magulang ni Clara ay alalang alala ngayon sa kanya mas lalo naman ako hindi ko na alam ang gagawin ko at kung saan sya hahanapin
“Lucas kumaen kana”
“Wala akong gana”
“Hindi naman magandang solusyon yan para mahanap si Clara, kailangan mo magpalakas oh sya tutulungan kita hanapin sya ngayon libutin natin ang buong bayan upang mahanap sya” napakabuti talaga ni Kaleb
Tama nga sya hindi mahahanap si Clara kung nakakulong lamang ako dito sa aking silid.
Kumaen ako ng marami at nagpalit ng aking damit upang lumabas at hanapin ang pinakamamahal kong babae.
Kagaya nga ng sinabi ni Kaleb ay sinamahan niya ako sa bawat sulok ng bayan, napakarami na naming napagtanungan kung may napansin at nakita ba nila si Clara
Lagi kong idiniditalye ang buong itsura ni Clara upang kanilang malamang ngunit wala ni isa sa mga napagtanungan ko ang nakakaalam.
“Nawawalan na ako ng pag asa kapatid”
“Mahahanap din natin sya Lucas”
Lumapit na rin kami sa mga manggagamot lahat na ginawa ko para lang hanapin sya ngunit wala paring nakakaalam kung nasaan ang mahal ko
Nakakaubos na ng pag asa, gusto ko na sumuko pero ang puso ko hindi mapakali gusto ko na sya makita gusto ko na ulit sya mayakap at mahalikan
Gusto ko na rin matuloy ang kasal namin hays
Susuko na ako, ayoko na.
Napahinto na lamang kami ni Kaleb sa isang tabi upang magpahinga, sobra na akong nalulungkot sa mga nangyayare, nawawalan na talaga ako ng gana mabuhay
Ang babaeng ginawa kong mundo ko nawala na lang bigla ng hindi ko man lang malaman kung saan nagpunta, kaya wasak na wasak ako ngayon
“Lucas mahahanap din natin si Clara”
“Imposible na mangyare yan kapatid, ilang oras na syang nawaala, mag iisang araw na syang wala”
“Kailangan na siguro nating umuwi muna upang makapagpahinga ka”
“Mabuti pa nga, salamat sa pagsama sa akin sa paghahanap”
“Wala yun Lucas kahit anong problema mo ay narito lang ako”
Bumalik kami sa aming tahanan, lahat sila ay nag aabang sa ibabalita ko ngunit wala akong dalang magandang balita para sa kanila
Hanggang gabi ay gising na gising ako, hindi rin ako makakaen ng maayos ganito ang epekto ng pagkawala ni Clara sa akin
Lumabas ako upang makalanghap ng sariwang hangin naglakad lakad ako kung saan saan malapit lang sa aming tirahan
Kapag nakakulong ako sa aking silid, mas lalo akong nalulungkot kaya minabuti kong lumabas muna
Sa paglalakad ko may nakasalubong akong isang matandang babae na nahihirapang maglakad, lumapit kaagad ako sa kanya upang matulungan sya sa pagbitbit ng kanyang mga dala
“Ako na ho ang magdadala niyan”
“Salamat hijo”
“Saan ho ba kayo papunta?”
Itinuro niya lang ang malapit na sakayan dito sa amin kaya kahit napakabagal ng kilos namin ay sinamahan ko ang matandang babae hanggang sa kanyang pupuntahan
Nang makarating kami, nag abang sya agad ng masasakyan “Sa susunod ho ay magpasama na kayo upang hindi na kayo mahirapan sa pagdadala ng mga binili niyo”
Ngumiti sya sa akin “Maraming mabubuting tao ang hindi dapat nalulungkot kagaya mo, heto kunin mo”
“Alak?”
“Para na rin mahanap mo ang pinakamamahal mo”
Napatitig ako sa bote ng alak na binigay sa akin nitong matandang babaeng katabi, kakaibang alak ito walang pangalan
“Lucas!” narinig ko ang boses ni Kaleb kaya napalingon kaagad ako sa direksyon kung nasaan sya
“Narito lang ako, may hinatid lang akong matandang, teka? Nasaan na sya?”
“Anong ginagawa mo rito Lucas?”
“Kanina lang ay may hinatid akong matandang babae ngunit bigla itong nawala”
“Wala naman akong nakitang kasama mo na matandang babae, baka nananaginip ka pa Lucas”
“Binigay pa nga niya itong alak na to sa akin” pinakita ko kay Kale bang alak na binigay sa akin nung matandang babae kanina
Mukang nakasakay na yung matandang babae, hindi ko lang ito napansin dahil kay Kaleb.
“Kakaiba ang alak na yan”
“Muka ngang kakaiba”
“Kailangan mo ng makauwi hinahanap ka na ng iyong ina “
Agad naman akong umuwi at dala ko parin ang alak na ibinigay sa akin nung matandang babae kanina, ibinalita lang naman sa akin ng aking ina na wala parin silang alam kung nasaan si Clara
Pati na rin ang pamilya ni Clara ay wala paring balita tungkol sa kanya
Nang sumapit na ang gabi, naalala ko ang alak na ibinigay sa akin ng matandang babae kanina kaya idinala ko ito sa labas
“Ano kayang lasa nito” tanong ko sa aking sarili
Nakaupo lamang ako dito sa harapan n gaming bahay “Hindi ka nagtatawag iinom ka pala” narito na rin si Kaleb
“Gusto ko lang matikman ito”
“Sandali, ako muna ang iinom nito baka isa itong lason” kinuha ni Kale bang bote ng alak na binigay ng matandang babae sa akin at tsaka agad itong tinikman “ Grabe ang sarap nito” tumikim sya ng kaunti “Mukang wala namang masamang epekto ito, tikman mo Lucas”
Agad ko naman itong tinikman, kakaiba nga ang lasa nitong alak na binigay sa akin ng matandang babae, hindi ito kagaya ng isang ordinaryong alak na iniinom namin
“Lucas napakalakas ng tama ng alak na yan kahit kakaunti lamang ang aking nainom, bigla na lang ako nakaramdam ng antok”
“Ako rin Kaleb, kailangan ko na pumasok sa aking silid, bigla akong nilapitan ng antok”
Pasuray suray kaming naglakad ni Kaleb dahil pareho kaming nahihilo at inaantok, kakaunti lamang ang nainom namin pero ang lakas ng epekto nito sa aming dalawa
Nakarating kaagad ako sa aking kama, napakakomportable ng pakiramdam ko kaya itinulog ko na lamang agad
[Kinabukasan]
Normal na araw ito para sa akin, naalala ko yung ininom namin ni Kale bang lakas ng tama sa akin at sa kanya
Kakaunti lamang ang nabawas, narito sa aking silid ang alak naibinigay ng matandang babae sa akin kahapon
Lumabas ako para makibalita na rin tungkol sa aking pinakamamahal na si Clara, ngunit kagaya parin ng dati wala silang alam kung nasaan na ngayon si Clara
Hindi namin malaman kung nasa mabuti bas yang lagay o nasa kapahamakan nab a sya
“Kapatid samahan mo akong muli hanapin si Clara” nasalubong ko si Kaleb kaya inaya ko agad sya na samahan ako sa paghahanap
“Makakaasa ka Lucas”
Kagaya ng sinabi ko nag umpisa nanaman kaming maghanap at ngayon sa malalayong bayan kami naghanap ni Kaleb
Umaga hanggang sa maggabi na kami naghahanap kay Clara ngunit wala parin kaming mabalitaan tungkol sa kanya
“Suko na nga talaga ako kapatid”
“Babalik din sya Lucas hintayin na lamang natin ang pagbabalik niya”
“Ngunit natatakot ako, hindi ko malaman kung bakit sya biglang nawala, baka nasa panganib sya hindi ko man lamang sya mailigtas”
“Manalangin na lamang tayo na sana ay nasa maayos na lagay si Clara ngayon”
Malapit na kami sa aming tahan ng may mapansin akong napakaliwanag na lugar bigla akong naakit na para bang gusto ko itong puntahan
“Kapatid nakikita mo ba iyon?”
“Oo Lucas napakagandang liwanag”
Halos hindi mawala ang paningin namin ni Kaleb sa lugar na iyon kaya agad namin itong pinuntahan, pareho kaming naaaliw sa liwanag na iyon
Nang makalapit na kami, isang malaking puno ang tumambad sa amin na nagliliwanag hindi ko narinig ang boses ni Kaleb dahil halatang namamangha ito
Nilapitan ko ito ng nilapitan hanggang sa sumakit na lang ang mata ko sa sobrang liwanag ng nakikita ko, naipikit ko ng bahagya ang dalawnag mata ko napakaliwanag ng paligid
Dahan dahang nawala ang liwanag na iyon, nakapikit parin ang aking mga mata bigla na lang dumilim at nakarinig ako ng kakaibang tunog
Minulat ko dahan dahan ang aking mga mata, nabigla ako ng tumambad sa akin ang kakaibang kapaligiran
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, si Kaleb nasa aking tabi at pinupunasan ang kanyang mga mata dahil na rin sa nakita naming liwanag kanina
“Kapatid anong lugar ito?” nang maitanong ko iyan kay Kaleb nanlaki ang kanyang mga mata dahil na nakikitang kakaibang lugar
“Nasaan tayo Lucas bakit kakaiba ang suot ng mga tao, kakaiba ang sasakyan ng mga tao at pati na rin ang tahanan nila ay kakaiba napakataas”
Tama si Kale bang daming kakaiba sa lugar na to ngayon wala kami sa lugar namin kanina, pero yung punong maliwanag narito lang sa gilid namin hindi na sya nagliliwanag ngayon
Napakaingay ng paligis, kakaiba rin ang mga liwanag na kanilang ginagamit bigla akong kinabahan nanaginip ba ako anong lugar ito?