Kabanata II

1227 Words
Chapter two MAXINE’S POV’S Hinihintay ko ngayon si Dylan dito sa harap ng condo niya, kakatapos lang ng trabaho ko may dala dala akong cake galing sa sinahod ko Gusto ko kase sya ang palaging makakatikim ng mga pinagpaguran ko Ayan na sya! Magkasam sila ni Jingle ngayon, syempre sya ang manager ni Dylan, alam din niya na ako ang girlfriend ni Dylan Mabait si Jingle kaso parang lalake kung pumorma, tomboy na fluffy medyo chubby kase sya pero babae yan ah “Didi” siguro naman maririnig ni Dylan ang tawag ko tahimik naman sa paligid, at yun nga napalingon ko sya Lumapit kaagad sa akin si Dylan, pero nakakunot ang noo niya “Bakit nasa labas ka, sana pumasok ka na lang” “Baka mahalata na kase ako nung guard” “Hays tara na nga” “Hi Maxine” “Hello Jingle” “Oh dating gawi papakilala mo sya na assistant manager” sabi ni Dylan kay Jingle Ganyan naman palagi ang palusot nila makapasok lang ako sa condo ni Dylan ng smooth at walang makakahalatang girlfriend niya ako Mahirap na baka magkagulo pa Hindi naman ako nahirapan na makapasok sa condo ni Dylan, syempre hindi namin pinapahalata na girlfriend niya ako “Hays ang sarap dito” napahiga ako sa sofa niya “Oh sya alis na ako, bukas ulit Dylan bye Maxine” umalis na kaagad si Jingle pagkalapag niya ng mga gamit ni Dylan dito Si Dylan ko papuntang closet niya kaya hinabol ko sya at niyakap sa likod, gusto ko lang sya lambingin at malambing din Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya at tsaka niya ako hinarap pero hawak hawak parin niya ang dalawang kamay ko Dahan dahan kaming napahiga sa kama niya, nakaibabaw sya sa akin “Bakit Didi” “Hindi ka ba napapagod sa set up natin?” ang seryoso ng tanong niya “Hindi, basta lagi kitang makita hindi ako mapapagod” nakatitig lang sya sa mga mata ko, ano kaya nasa isip niya kinakabahan ako “Magbreak na kaya tayo” Hindi ako umimik, napakalinaw ng sinabi niyang yun sa akin hindi ko tuloy magawang magsalita nakakagulat naman “Joke lang tignan mo itsura mo haha tumayo ka na nga” “Kinabahan naman ako dun akala ko totoo” Nakaupo kami ngayon sa kama niya, para akong sinaksak kanina tapos biglang hinugot din lang yung pagkakasaksak kaya gumaan paghinga ko “Five year na tayo Dada” “Ang tagal na nga eh” gusto ko na nga tanungin kung kelan niya ako ipapakilala bilang girlfriend niya pero wag na lang baka ituloy niya lang yung sinabi niya kanina, muka kaseng totoo yung sinasabi niya kanina na break up, ang lungkot sa pakiramdam Ang layo ng tingin niya ngayon para ang lalim ng iniisip lumapit ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya, gusto ko syang lambingin dahil mukang may problema ang mahal ko ngayon “Kaya natin to” Kahit minsan nakakapagod na magtago, oo nahihirapan at nasasaktan din ako minsan dahil na rin sa mga naririnig ko tungkol kay Dylan At itong pagtatago namin napakahirap dahil hindi namin magawang lumabas ng magkasama, yun bang makikita ng lahat na ako ang girlfriend niya kaso sino nga ba ako para ipagmalaki. Hanggang pangarap na lang ba yun para sa akin? Ang ipagmalaki ako ni Dylan sa lahat Oo ang swerte ko dahil girlfriend ako ng isang artista pero kung ganito naman ang sitwasyon hindi naman ganun kasaya na katulad ng dati Ayoko na lang isipin, baka kase mga negative feedback lang ang makuha ni Dylan dahil sa akin, pausbong palang ang career niya kaya susuportahan ko na lang sya sa lahat ng gusto niya alam ko napakastress sa showbiz kaya ayoko madagdagan pa ang stress niya Magiging super duper supportive girlfriend na lang ako sa kanya ****** LUCAS POV’S Magaganap na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng kasal namin ni Clara Maaga akong nagising upang maghanda sa araw na ito, hindi na ako mapakali na dumating ang oras na magiging isa na lang kami ng pinakamamahal kong si Clara “Lucas handa ka na ba?” “Kanina pa kapatid” Mauuna dapat akong pumunta sa simbahan dahil yun naman ang nakagawiang tradisyon dito sa amin, inayos ko ang aking damit at ang aking sarili upang makalabas na ako sa aking silid Hinihintay ako ni Kaleb sa labas ng aking silid upang sumabay sa akin papuntang simbahan, kagabi pa lang ay hindi na ako makatulog sa sobrang pagkasabik ko sa araw na to “Huminahon ka Lucas masyado kang nasasabik napaghahalata naman sa iyong itsura” “Mas lalo ata akong kinabahan kapatid ang akala ko ay saya lang ang mararamaman ko ngayong araw ngunit ang lakas ng kabog ng aking dibdib ngayon” Nakarating na kami sa simbahan ni Kaleb napakaraming naming bisita sa aarw ng kasal namin ni Clara, wala pa si Clara dito tanging ang mga magulang lamang niya ang narito “Bakit napakatagal naman ata ni Clara” tanong ng kanyang ina Pinauna na nila ako sa loob ng simbahan ngunit tumanggi ako, gusto ko pa sanang hintayin na makarating ang aking magiging asawa dito sa harap ng simbahan “Pumasok ka na Lucas” “Ngunit wala pa si Clara” “maya maya lang ay narito na sya” pinapakalma ako ni Kaleb dahil nahahalata niya na natataranta ako dahil wala pa si Clara “Nasaan na ba si Clara?” “Hindi pa ba sya dumadating?” Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang mga bulong bulungan ng mga bisita namin ngayon, napakatagal naman ata niyang dumating Napakalapit lang naman ng kanilang tahanan dito sa simbahan, sunduin ko na kaya sya? Lumabas akong muli ng simbahan para tignan kung nakarating nab a ang minamahal ko, wala akong nakita ni anino ni Clara “Bakit ka lumabas?” tanong ni Kaleb sa akin “Wala pa ba sya?” “Dadating sya magtiwala ka lang” “Ngunit mag iisang oras na malapit na mag umpisa ang kasal” Napansin ko na may tumatakbo papunta dito ngayon sa kinatatayuan ko, mukang ang ama ni Clara ang palapit ngayon “Lucas! Lucas!” “Anong nangyare?” tanong ng ina ni Clara “Nawawala si Clara” nalungkot ako sa sinabi niyang yun, nanghina ang mga tuhod ko ang pinakamamahal ko saan na nagpunta “Sinundan ko sya sa bahay pero wala akong naabutang Clara, kanina ay naroon pa sya at naghahanda ngunit ngayon ay bigla na lang itong nawala” “Baka may dumukot sa kanya” “Baka naman ay may pinuntahan lamang?” “Baka nagtatago lamang si Clara” Ang dami kong naririnig na bulung bulungan ngayon dahil sa sinabing iyon ng ama ni Clara, hindi na ako nakapagpigil pa ako na ang pupunta sa kanilang tahanan upang makita kung nasaan ba sya “Lucas!” Umalis ako sa simbahan at dumiretso sa bahay ni Clara, walang katao tao doon dahil ang lahat ng kanyang kamag anak ay nasa simbahan na at sya na lamang ang wala. Nilibot ko ang buong bahay, hindi ko talaga makita si Clara, napaluha na lamang ako at napaupo sa isang sulok ng bahay “Lucas” sumunod pala sa akin si Kaleb, naabutan niya akong lugmok na lugmok sa isang tabi “Nasaan na ang minamahal ko” “Mahahanap din natin sya” “Ngayon ang araw ng kasal namin, nasaan sya!” halos magwala na ako sa sobrang galit, hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya May dumukot bas a kanya? May pinuntahan? Hindi ko na alam, nalilito na ang isipan ko at sobra akong nasasaktan ngayon, parang kalian lang ay masaya naming pinag uusapan ang araw na to Pero ngayong dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa, nasaan na sya? Bakit bigla syang nawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD