Chapter 9-Mission: Hanapin si Caleb Soverano*

1649 Words
"Hon, bakit gan'yan pa rin ang suot mo, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Jada sa asawa. Matapos nilang mag-almusal ay umakyat na ito para maghanda sa pagpasok sa opisina, ngunit ipinagtataka niya ay kung bakit nang bumaba ito ay hindi pa rin nakabihis. "Sweetheart, our company decided last minute to send me as a representative to the upcoming, International Lawyer's Conference in Japan. I didn't expect this. I was about to report to the office today, but Mr. Morris called me and told me to prepare for my flight tomorrow." "Ha! Ganu'n ba? Ilang araw ba ang conference ninyo?" "Two days. Thursday na ang balik ko." "Okay, I understand. Ihahanda ko na ang mga dadalhin mong damit," presinta niya. Seryosong tingin ang ibinigay sa kaniya ni Jacob. "Okay lang ba sa'yo, kaya mo ba na mag-isa rito?" may pag aalalang tanong nito sa asawa. Ngumiti si Jada at masuyong hinaplos ang mukha ni Jacob. "Oo naman, huwag mo kaming isipin ng anak mo, kayang-kaya ko. Nand'yan naman si Heidee, magpapatulong na lang ako kapag hindi ko na kaya." "Are you sure?" Hindi pa rin kumbinsido si Jacob. Ayaw niyang iwan ang kaniyang mag-ina ngunit hindi naman niya puwedeng tanggihan ang ganuong klaseng opportunity dahil bihira lang itong mangyari. "I'm 100% sure na kaya ko. Sige na, ihahanda ko na ang mga dadalhin mo, maaga yata ang flight mo bukas." "Yes, 5am kailangan nasa airport na ako." Tumango si Jada at pagkatapos ay masuyong nginitian ang kaniyang asawa bago tinungo ang kanilang silid para i-empake ang mga dadalhin nitong gamit. - Kinabukasan, 4am palang ay nakahanda na si Jacob para umalis. Bukod sa kaniya ay may kasama pa siyang isang kapwa abogado na pinadala rin ng kanilang kompanya para sa conference na iyon. "Atty. Leviste! Ang magaling na abogado ng George Doughton Law Firm. Isang karangalan na makasama ka," salubong na bati ni Atty. Rupert Prado kay Jacob. Halos hindi naman nagkakalayo ang edad ng dalawa. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang mga ito sa iisang okasyon. Madalas naman silang nagkakasalubong sa opisina at nagbabatian ngunit hindi pa nila nagagawa na makapag-usap ng matagal. "Same here, Atty. Prado, it's nice to have someone with me na kasing edad ko rin. I thought one of our senior lawyers ang makakasama ko sa conference na ito." Pilyong ngumiti si Rupert. "Masuwerte ka at ako ang nakasama mo, siguradong mag-eenjoy ka sa trip nating ito Atty. Leviste," makahulugang sabi nito na hindi naman masyadong binigyan ng pansin ni Jacob. Isang oras pa ang pinaghintay nila bago hinanda ang mga sarili para sa kanilang flight. - Hindi mapakali si Jada. Akala niya ay tapos na ang issue tungkol sa mysterious girl na kasama ni Caleb Soverano, ngunit nagkamali siya, Pati sa telebisyon at sa mga talk show ay pinag uusapan na ang mga kumalat nilang larawan at lahat ay gustong malaman kung sino ang secret girlfriend nang sikat na business tycoon. Wala na siyang dapat na sayanging sandali. Kung para kay Caleb ay okay lang na pagpiyestahan ang mga larawan nila ng publiko, sa kaniya ay hindi. May pamilya siyang inaalagaan at pinoprotektahan, hindi kagaya ng lalaking iyon na binata at walang sabit. Tiningnan niya sa kaniyang notes ang sinave niyang numero ng Soverano Architectural Firm. Tinawagan niya iyon at ipanasa-pasa siya sa iba't-ibang department. Wala siyang nakuhang magandang sagot kung paano niya makakausap si Caleb kaya ipinasya niyang sadyain na lamang ang mismong opisina nito. Tinawagan muna niya si Heidee at ibinilin ang kaniyang anak. "Pasensiya ka na, Heidee, alam ko namang pahinga mo ngayon, importante lang kasi itong lalakarin ko," nahihiyang sabi niya sa tagapag-alaga ng kaniyang anak nang salubungin niya ang pagdating nito sa tarangkahan pa lang ng kanilang bahay. "Naku Jada, ayos lang wala naman akong ginagawa sa bahay. Sige lang gawin mo ang dapat mong gawin huwag mong masyadong pakaisipin si Justin at aalagaan ko siyang mabuti." "Alam ko namang hindi mo pababayaan ang anak ko, pero puwede bang makiusap sa'yo, hindi ko sure kung ano'ng oras ako makakauwi, pero sisikapin ko na makauwi pa rin ngayong araw. Medyo matatagalan ako sa lakad ko kaya sana okay lang sa'yo. Huwag kang mag-alala akong bahala sa sasahurin mo ngayong araw dadagdagan ko na lang." "Jada naman, basta tungkol sa pera hindi problema sa akin 'yan, masaya akong inaalagaan si Justin kaya hindi ko iniisip ang tungkol sa ibabayad mo sa akin. Ako na ang bahala, maghihintay ako hanggang sa umuwi ka at hindi ko pababayaan ang anak mo." "Maraming salamat, Heidee. Hayaan mo babawi ako sa 'yo." "Ikaw naman, hindi ka na iba sa akin. Sige umalis ka na at baka mahuli ka pa sa lakad mo." Tumango siya sabay ngiti kay Heidee at pagkatapos ay binalingan ang kaniyang anak na tulog na tulog sa kuna. Hinalikan muna niya ito bago tuluyang umalis. Biniyahe niya ang daan patungo sa Soverano Architectural Firm. Sa pakiusap niya sa mga tao sa information counter ay binigyan siya ng pagkakataon na makaharap ang secretary ni Caleb. "Hi Ma'am! Good afternoon. I'm Jada Leviste. I'm looking for Mr. Caleb Soverano. I have some important business matters to discuss with him. May I speak with him, please?" aniya sa secretary nito. "I'm sorry, Ms. Leviste, but Mr. Soverano is not in the office right now." "Ah, ganu'n po ba? Can I at least get his personal number so I can call him?" "Sorry, Miss Leviste, but I am not allowed to give Mr. Soverano's personal number to anyone unless he authorizes it." Bumagsak ang balikat ni Jada dahil sa labis na pagkadismaya. "In that case, can I schedule an appointment with him today or even tomorrow?" Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Jada, naghahanap siya ng kahit na anong pagkakataon para makita o makausap man lang si Caleb. "Miss Leviste, Mr. Soverano doesn't come to the office on weekends." "Ma'am, this is extremely urgent. I'm begging you, just this once. Could you please let me know where he is right now?" pagsusumamo niya, desperado na siya na makita at makausap si Caleb kaya kahit saang lupalop pa ito naroon ay pupuntahan niya. Sandaling natahimik ang kaniyang kausap. "If it's truly urgent and you need to speak with him, I can inform you of his whereabouts without disclosing that I shared this information with you, as it might jeopardize my job," alanganing sabi nito. Biglang nabuhayan ng loob si Jada sa sinabi ng sekretarya. Kahit ano ay gagawin niya makausap lang niya si Caleb. "Please tell me where he is. I promise not to disclose how I found out his location." Huminga nang malalim ang kaniyang kaharap na para bang nag-aalanganin ito. Ang buong akala kasi ng secretary ni Caleb, si Jada ay isa sa mga hindi na mabilang na babae na naghahabol sa kaniyang binatang amo. Mahigpit siyang pinagbabawalan ni Caleb na ipagsabi kahit na kanino kung saan ang mga lakad nito, kaya lang ay kung bakit hindi niya magawang matanggihan ang kaniyang kausap. Nararamdaman niya sa boses ni Jada at nakikita niya sa mukha nito ang pagiging desperado na makausap ang kaniyang boss. Bigla siyang nakaramdam ng simpatya rito. Bilang babae ay ayaw rin naman niyang may naaagrabyado na kabaro niya. "Mr. Soverano is hosting a yacht party at 8 o'clock tonight. Ang yate niya ay nakadaong sa Marinas Bay. If you really want to meet him, you need to be there before 8pm because the yacht will depart at the exact time." "Hindi ka basta-basta makakaakyat sa yate. Kailangan mong tandaan ang mga sasabihin ko sa'yo. That party is only for the elite and wealthy people. You need to wear an elegant and alluring outfit because gaining access to the yacht won't be straightforward. Keep this in mind, if the guard asked you a question wala kang ibang sasabihin kung hindi ang salitang 'POWER'– that's the secret code para paakyatin ka nila sa yate." Nakalabas na si Jada sa napakalawak at mataas na building ng mga Soverano ay hindi pa rin niya nagagawang paandarin ang kaniyang sasakyan. Alas singko na ng hapon ng mga oras na iyon. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa ba siya. Sa mga sinabi ng sekretary ni Caleb ay parang isang mahirap na misyon ang dapat niyang suungin. Mayroon na lang siyang dalawang oras para makapagbihis at makapunta sa party na iyon na hindi niya alam kung ano ba talagang klase na party. Wala siyang damit na maisusuot, hindi na siya puwedeng umuwi sa kanila dahil magagahol na siya sa oras. Huminga siya ng malalim. "Huh! Bahala na!" sabi niya at pagkatapos ay pinaandar na ang kaniyang sasakyan patungo sa pinakamalapit na mall. Bibili siya ng damit at sapatos. Katulad ng sinabi ng sekretarya ni Caleb. Kailangan niya magsuot ng magandang damit at magmukhang elegante para bumagay siya sa party ng mga mayayaman. May dala naman siyang pera kaya lang ay hindi niya alam kung kakasya iyon. Sabagay kahit naman guminhawa na ang buhay niya ay marunong pa rin siyang dumiskarte. Pumunta siya sa mall ngunit hindi siya sa mga sikat na boutique bumili ng damit. Hindi kailangang mahal ang kailangan lang niya ay pumili ng maganda at daanin na lamang niya sa mga accessories. Ginawa niyang pagkasiyahin ang dalawang oras sa pamimili at nagawa pa niyang pumunta ng salon para magpa-make up at magpaayos ng buhok. "Wow! Wala akong masabi, you're stunningly beautiful. Para kang isang celebrity sa suot at itsura mo, Miss. Kung ano mang party ang pupuntahan mo ngayon sigurado akong ikaw ang magiging center of attraction. You look so expensive," humahangang sabi ng manager ng salon matapos siyang maayusan ng mga tauhan nito. Alam naman niyang hindi siya binobola lang nito dahil nakikita naman niya sa salamin ang malaking pagbabago sa itsura niya ng maayusan ang buhok niya at ma-make-upan siya, lalo pa nang isuot na niya ang damit na nabili niya sa department store kasama ng sapatos at mga accessories.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD