Chapter 14- Konsensiya*

1221 Words

"Huh!" Napabalikwas ng bangon si Jacob, laking gulat niya nang sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay may makita siyang babae na nakahiga sa kaniyang tabi, tulog na tulog ito. Inilibot niya ang mga mata sa apat na sulok ng silid na iyon. Hindi naman siya nagkamali ng kuwarto na pinasukan. Sigurado siyang nasa hotel pa rin siya at ito ang silid niya. Inisip niya kung sino ang babaeng kasama niya, nakatagilid kasi ang higa nito kaya hindi niya makita ang mukha nito. May gumuhit na kung ano sa ulo niya at napakawak siya sa kaniyang sintido. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo, dala marahil ng alak na nainom niya kagabi. Mapait ang kaniyang panlasa at nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Pinilit niyang bumangon at kumuha ng tubig sa mini ref na naroon para uminom. Sinipat niya ang oras sa relo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD