Excited si Jada. Ngayon ang araw ng uwi ng kaniyang asawang si Jacob. Pinaliguan na niya ang anak at binihisan, pagkatapos ay iniwan muna niya ito sa kuna at hinayaang maglaro para asikasuhin naman ang kaniyang sarili. Naligo siya nang mabilis lang, pinatuyo ang buhok sa blower, nagpabango at nagbihis ng casual na damit. Nakatanggap siya ng text message mula kay Jacob, nakalapag na ang eroplanong sinasakyan nito sa airport at on the way na raw ito pauwi sa kanilang bahay. "Daddy is on his way home. Are you excited to see him?" tanong niya sa anak. Karga-karga niya ito at nakatitig naman ito sa kaniya. Napangiti ang kaniyang anak at nagkakawag sa tuwa ng marinig na binanggit niya ang ama nito. "Yes! Daddy... miss-" tugon ng bata. Sa edad ng anak niyang si Justin na kailan lang nagdalawan