Mabilis niyang pinahid ang mga luha na lumalandas sa kanyang mga pisngi nang papasok na sila sa subdivision kung saan naroroon ang kanilang bahay. "Diyan mo na lang ako ibaba," sabi niya nang makita na malapit na lamang ang kanilang bahay. Tumigil naman ang sasakyan ni Nathan. Lumingon ito sa kanya at bumangga pa ang ulo niya sa baba nito. Nakadama siya ng bahagyang sakit pero hindi man lang siya ngumiwi. Mas nangingibabaw pa rin ang sakit ng puso niya sa pisikal na sakit na 'yon. "I'm sorry," mahinang sabi ni Nathan. Tumaas ang isang kamay nito at alam niya ang tungo no'n. Sa noo niyang nasaktan. Ikiniling niya ang ulo para na huwag siya nitong mahawakan. Natigil naman ang kamay nito sa ere nang dahil sa ginawa niya. "Mauuna na ako." Sinikap niyang makababa kahit na mataas ang motorsi