Galit na itinigil ni Nathan ang sasakyan sa gilid ng daan nang medyo malayo na ang itinakbo niya. Bumaba siya at ilang beses na nagpabalik-balik sa gilid ng daan. He is so stressed in a reason he doesn't know. Nagagalit din siya hindi niya alam kung kanino. Parang may isip ang kamay niya na kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa. He's trying to call Amara. Nakikita niya ang sakit sa mga mata nito habang sinasabi niya ang mga salita na dapat naman talaga niyang sasabihin dito. It's not his intention of hurting her. Hurting Amara is the last thing he wanted to do to her. Pero dapat pa rin niyang ipaintindi dito na masyado pa itong bata para sa isang seryosong bagay. Na marami pa itong dapat malaman. Nakailang tawag na siya dito pero hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Bumalik si