CHAPTER 24

1037 Words

Nanghihina ang mga tuhod ni Amara habang papalapit na papalapit si Nathan. Puwede na bang idagdag ito sa best moment niya kay Nathan? Pero teka nga, 'di ba si Tim daw angnag-effort nito sabi ni Bea? Paanong nangyari na si Nathan ang nakinabang sa effort na 'yon ni Tim? "Kuya! Uuwi na lang kami! Panira ka talaga ng moment!" Naggalit-galitan na sabi ni Bea. Pero nang makita na hindi naman ito tinitingnan ni Nathan ay napatingin ito sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa, siya na halos himatayin dahil sa kakaibang nerbiyos na kanyang nararamdaman, at si Bea naman na pakindat-kindat pa sa kanya. Parang binalewala na rin ang effort na ginawa ng kaibigan nila. Magpinsan nga silang dalawa. "No, not now. Sayang naman ang magandang dekorasyon na ito kung hindi man lang mapakinabangan." Hindi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD