Hindi na siya kumibo nang igiya siya ni Nathan paupo sa upuan. Nang nasa upuan na sila ay sumenyas ito sa isang nakauniporme na lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay hired waiter pa ito ni Tim. Lumapit naman ito at malugod na binati silang dalawa. Ni hindi niya magawang gumanti ng kahit ngiti man lang dahil ang buong atensyon niya ay nasa kay Nathan lamang. "Ese-serve ko na po ba ang foods?" Narinig niyang tanong ng waiter kay Nathan. "Yes, please," sagot naman nito. Nakita niya na tumango ang waiter at magalang na tinalikuran sila. "N-nathan—" hindi niya masabi ang tanong na nasa isipan niya nang titigan siya nito. Biglang naging blangko ang utak niya. Iyon ba na gustong-gusto niya ng ganitong pagkakataon na kasama niya si Nathan pero kapag kaharap na niya ito ay madalas naman siya