Episode 2

1243 Words
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko. "Hello," sagot ko sa paraang inaantok pa. "Anak, salamat naman at sinagot mo. Kanina pa kami tumatawag sa'yo," Pag-aalala na naman ni mama. Napabangon tuloy ako bigla. "Sorry ma, nakatulog po kasi ako. Huwag na kayong mag-alala, nandito na po ako," wika ko. "Mabuti naman kung ganoon. Oh siya, magpahinga ka na muna ulit at tatawag na lang ako mamaya," wika nito. "Okay ma." Kagat-labi kong tiningnan ang oras sa cellphone ko. Alas tres na pala ng hapon. Mahaba din pala ang naitulog ko. Sumilip pa ako sa pintuan ng aking kuwarto bago ko nagawang lumabas. Para akong tangang tumitingin kung may magnanakaw ba. "Nasaan kaya si Less? Hmm, baka nasa kuwarto niya lang." Nagpupunas ako ng basa kong buhok habang naglalakad palapit sa kuwarto ko ng marinig ko ang boses ni Less na natigilan. "Oh, kaya pala hindi kita makita sa kwart-" Ako naman itong parang nagtataka ng bigla itong tumigil sa pagsasalita at nakatulala lang ito sa mukha ko. "Bakit?" maang na tanong ko rito. Natigilan na rin akong magpunas ng buhok ko. "Omg, it's that really you? Without mask? What the, ang ganda mo pala beb. Kanina 'di ko napansin kasi naka-mask ka, tapos nakasumbrero ka pa, ang gulo-gulo pa ng buhok mo tapos pang manang pa suot mo," walang prenong wika nito sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata. "Grabe ka naman makaganda," ngiwing wika ko rito. "Look, I'm really serious. You're so damn hot and angelic beautiful face. Wala bang nagsabi niyan sa'yo? Impossible naman kung wala hindi ba? Puwera na nga lang kung nakasuot kang mask katulad kanina. Hindi talaga mapapansin ang angking mala-anghel mong kagandahan," wika pa nito. Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko ito dahil sa sobrang tamis ng dila nito kung magsalita. Pero aminin ko man o hindi sobrang tumaba ang puso ko sa papuri nito. Akmang magsasalita pa lang sana ako ng magsalita na naman ito. "Kung ako lang sana biniyayaan ng ganiyang kagandahan, siguro noon ko pa nabihag ang crush ko." Biglang pagtitili nito ngunit saglit lang at napalitan ng lungkot. "Kaso, hindi eh. Kung gaano ka kaganda ay 'yon naman ako kapangit," malungkot na wika nito. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito kakausapin. "Huwag ka namang magsalita ng ganiyan, you're not ugly. Lahat naman ng nilalang ng Diyos walang pangit. Sadyang sa mundo lang natin maraming mapanghusga," wika ko na lang dito. "So, hindi ka mahihiyang kasama ako kapag nasa labas tayo ng campus?" tanong nito. Bigla tuloy akong napakunot-noo. "Bakit naman ako mahihiyang kasama ka?" nagtatakang tanong ko. "Kasi nga sa itsura ko, tapos ikaw maladyosa sa ganda. Malay ko ba kung ayaw mo akong makasama," malungkot pa ring wika nito. Hindi ko tuloy naiwasang hampasin ito ng mahina sa braso. Feeling ko tuloy close na kami kaagad. "Huwag ka ngang ganiyan, hindi naman ako ganiyang tao. Sarap mong batukan beb," panggagaya ko sa pagtawag nito sa 'kin kanina. Nanlaki tuloy ang mga mata nito. "So, we're friends now? You call me 'beb' like what I called you?" manghang tanong nito. Napapangiti na lang ako sa bawat reaksyon nito. Masarap pala itong kasama. "Oo naman, kahit best-friend pa. Tutal ikaw pa lang kakilala ko rito, lalo na kaisang room lang kita," nakangiting wika ko rito. Nagulat pa ako sa pagtili nito at pagyakap sa 'kin. "I'm really happy na nagkasundo tayo kaagad. Kanina kasi namomroblema talaga ako, kakaisip kung paano ba tayo magkakasundo," wika nito. "Bakit naman?" tanong ko rito. Hinawakan nito ang kamay ko at niyaya akong maupo sa maliit na sofa. Magkatabi kami nito at nagsimula itong magkuwento ng buhay niya. Hanggang sa natapos kami sa kuwentuhan na may halong tawanan. "At alam mo ba beb, kung bakit sobra akong naeexcite sa pasukan natin next week, dahil makikita ko na sa wakas ang crush ko in person," natitiling wika nito sa 'kin. Nabanggit kasi nito sa 'kin na pinilit lang nito ang parent's para doon siya makapag-aral ng college. Dahil lang sa crush nito. Napapailing na lang ako dahil sa reaksyon nito. Well, she act like teenagers. Not like me. Mukha yatang lipas na ang pagiging teenagers. Parang walang kilig-kilig sa 'kin ang katulad ng kaniyang sinasabi. Ngunit natigilan na lang ako sa sinabi nito ulit. "Do you know Vinz Liam Ho? The only son of Liam Ho. Pag-aari pa nila ang University dito. He's famous, super guwapo naman kasi, he's like a greek God," wika nito habang nakangiti at nakapikit na parang nangangarap. "Kung alam mo lang beb, he is only eighteen years old, but he's damn hot, tall, mahuhubog na pangangatawan na halatang alaga sa gym, putok na putok sa muscles, abs, at ang mga labi niya na nakakapang-akit halikan," kinikilig na wika pa nito. Samantalang nananahimik lang ako at pinapakinggan ito. "Ang kaso, bagsak kaagad ako sa pang taste niya. Sino ba naman magkakagusto sa tulad ko, lahat yata ng nakikita kong kinakasama nitong babae eh, pang modelo ang datingan at kagandahan," malungkot na turan pa nito. "Pero kung kasing-ganda mo ako beb, lahat yata ng naging babae niya eh, walang-wala sa'yo. Sana nga ikaw na lang maging girlfriend niya baka magbunyi pa ako sa galak. Kaysa naman makita ko siya sa ibang babae, eh mas mabuting sa'yo na lang beb. Tingin ko, titino 'yon sa'yo, sikat kasing playboy 'yon eh," wika pa nito na siyang ikinalingon ko bigla. "What? Don't tell me, you don't know him?" maang na tanong nito sa 'kin. "I don't really know him. And I am not interested," seryosong wika ko rito. Ang totoo, kilala ko naman talaga ang lalaking tinutukoy nito. Sino nga ba naman ang 'di makakakilala rito kung sikat at mayaman ang pamilya nito. Madalas din itong makita sa news, magazine at kung saan-saan ang pagmumukha nito dahil sa pagiging sikat nitong playboy. Ngunit ewan ko ba kung bakit wala akong balak sabihin dito. Hindi naman kasi ako interesado sa playboy na 'yon. "I'm just kidding beb, alam ko naman na pag-aaral ang priority mo ngayon. Well, ako din naman hindi ko rin lang talaga maiwasan magpantasya," hagikhik nito. Napapailing na lang akong napapangiti dito. Magmumukha yata akong ate nito sa lagay naming dalawa eh. "But you know what beb? Sobrang happy ko talaga dahil pareho tayong kurso. Hindi tayo maghihiwalay ng landas," nangingiting wika nito. Same Architect kasi ang kurso naming dalawa. Ito talaga ang kinuha kong kurso dahil simula nang mag-aral ako ng highschool nagustuhan ko nang gumuhit-guhit at mag-imahinasyon na gumagawang malalaking building. "Pero alam mo beb, alam ko na kung sino ang mapapansin ng crush ko this year," natitiling wika nito. Kahit wala naman sana akong interes malaman, nanaig pa rin sa 'kin ang magtanong. "Who?" maikling tanong ko rito. Pansin kong may kapilyahan ang mukha nito at ngiti. "Ikaw beb," walang gatol na sagot nito. Halos mapunit ang ngiti nito sa labi sa pinipigilang kilig. Akala ko ba eh, patay na patay siya roon sa playboy na 'yon? Bakit parang sobrang saya pa nito sa sinabi nito?" "Tiyak mapapanganga 'yon sa kagandahan mo, promise," wika pa nito sabay taas ng kamay. Ngunit ngumisi ako ng ngising aso rito. Na siyang ikinahinto nito. "Well, saka muna sabihin 'yan kapag papasok na tayo sa school," nakangising wika ko rito. Nakita ko naman ang biglang pagnguso nito. "Parang may nakakatakot yatang mangyayari," bulong nito na siyang ikinatawa ko. Hindi ko talaga inaasahan na magiging close kami nang ganito sa loob ng isang araw lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD