Episode 3 (Vinz POV)

1172 Words
"So, excited ka na ba ulit bro sa pasukan this week?" tanong ni Carl. Isa sa mga kaibigan ko. "Well, sino naman ang 'di maeexcited kung alam mo namang ako lang ang hinihintay ng mga kababaihan sa campus," pagmamayabang kong wika na may kasamang ngisi. Narinig ko na lang ang halakhak ng mga ito. "Grabe bro, lakas ng hangin! Malay mo this year may dumating na karma sa' yo sa pagiging playboy mo," natatawang wika naman ni Paul. "What do you mean?" natatawang tanong ni Carl. "I mean, baka makarma siya sa kaliwa't-kanan niyang pangbababae sa loob ng campus natin. Baka may biglang dumating na makakabihag ng puso niya. At ang masaklap, pangit ang makabihag ng puso niyang mapaglaro," natatawang wika ni Paul. Awtomatiko naman akong napalingon dito na masama ang tingin. "Do you think papatol ako sa isang nerd? Sa guwapo kong ito? Tsk, in your dreams bro," wika ko rito. Narinig ko na lang ang tawanan ng mga ito. "Malay mo bro, you never know what will happen," pang-aasar naman ni Kenneth. "Tsk-tsk, that will never happen. I swear," inis na wika ko sa mga ito. Tumayo na lang ako para umuwi. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana. Nasa loob kami nang bar ng mga oras na 'yon. "Hey bro, where are you going?" tanong naman ni Rey. Ang matino sa'ming magkakaibigan. Pare-parehong galing sa mayamang pamilya ang bawat isa sa'min. "I'm going home. My grandma told me to go home," wika ko sa mga ito na may kasamang kaway habang naglalakad palayo sa mga ito. "Sabihin mo natakot ka lang sa sinabi ko," natatawang pang-aasar na naman ni Paul. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para lingunin ang mga ito. Nagsign finger lang ako sa mga ito. Narinig ko na lang ang mga tawanan nito. Hindi ko pinagka-abalahang pansinin ang kalukuhang sinabi ng mga kaibigan ko. Because It will not happen na magkagusto ako sa isang nerd. Malapit na ako sa sasakyan ng may humarang sa daraanan ko. "Hi, handsome," malanding wika nito. Dahil sanay na ako sa ganitong galawan kaya mabilis kong hinaklit ang baywang nito. "My car or yours?" nakangising tanong ko rito. "Your's my dear," wika nito. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at mabilis ko itong dinala sa kotse ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang malakas dahil sa sermon na naman ng daddy ko. Wala talagang araw na pinapalampas ito sa tuwing uuwi ako ng mansyon. Kung 'di lang talaga sa lola kong nais akong makita, never akong uuwi. May sarili naman kasi akong tirahan sa loob ng campus. May sarili na rin akong condo. Sa edad kong labing walong taong gulang nagagawa ko na ang lahat ng magustuhan ko. "Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging playboy mo ha? Look, you're too young for Pete's sake Vinz Liam. Napapabayaan mo ang pag-aaral mo dahil wala kang inaatupag kun'di ang pangbababae mo," galit na wika nito. Alam ko, kapag galit na ito dahil tinatawag na nito ang buong pangalan ko. "Dad, hindi na ako bata," malumanay na wika ko rito habang nakaupo sa sala. Dito pa lang kasi sinalubong na ako kaagad ng sermon nito. "Hindi ka na bata? Nagpapatawa ka ba? You're just eighteen years old. Wala ka pa ngang alam sa buhay mo kun'di mangbabae. Dalawang taon na lang magtatapos ka na at ikaw ang hahawak ng kompanya natin. Pero paano mo 'yon magagawa kung puro babae ang inaatupag mo?" galit na wika nito. "I told you dad, I'm not yet ready to handle our company," inis na wika ko. Akmang magsasalita ito ng marinig ko ang boses ng lola ko. "Stop it, Eduardo. Kaya ayaw ng umuwi ng anak mo rito dahil wala ka nang ginawa kun'di basagin ang eardrums niya sa kakatalak mo riyan," wika ni Lola Clara. Lihim naman akong napangisi habang palapit dito ganoon din kay mommy na kasunod nitong bumababa. Basagin eardrums talaga grandma? Lihim na napapangiting wika ko sa sarili. "Hi lola. Hi mom," salubong ko sa mga ito. "Kaya naman lumalaking spoiled 'yang apo niyo eh, kinakampihan niyo pa. Paano ba 'yan magiging matured sa buhay niya kung palagi niyo siyang kinakampihan sa kalukuhan niya," wika pa rin ni dad. "Ako ng bahala sa apo ko. Kumain na muna tayo," pagtatapos ni lola na siyang ikinagalak ng pakiramdam ko. Hindi ko naman kasi maitatangging spoiled ako rito. Siya nga ang nagbigay kaagad sa 'kin ng sariling condo. Si mommy naman kasi 'di ko maaasahan at nakasunod lang ito sa nais ni daddy. Pagkatapos naming kumain ay kinausap ako ng lola ko. "Apo ko, pagpasensyahan muna ang daddy mo at masyado lang 'yon nag-aalala sa'yo," wika nito habang hawak ang kamay ko. "It's okay grandma," nakangiting wika ko rito. "Oh siya, next week na ang pasukan niyo. Baka 'di ka na naman makapag-isip na pumunta rito. Magtatampo talaga ang lola mo," nakasimangot na wika nito. "Pupunta po ako rito kapag walang pasok, grandma," sagot ko. "Promise 'yan ha. At saka apo, iwasan mo ang pangbababae mo, at baka makabuntis ka niyan. Naku, huwag naman sana at baka atakihin ako niyan sa puso. Kaya nagagalit ang daddy mo sa' yo dahil sa sikat ka palagi sa news na kaliwa't-kanan ka raw mangbabae eh, " wika nito na may pangbabanta ang tingin. Natawa tuloy ako bigla sa reaksyon nito. "That's just a lie grandma. 'Di ko naman kayang magkaroon ng kaliwa't-kanan na babae. Sadyang mapanira lang talaga 'yang mga kumukuha ng litrato sa 'kin. Marami din naman kasi akong friends na babae kaya siguro iniisip nila na babae ko ang mga 'yon. And don't worry po, wala pa akong balak magkaroon ng anak," natatawang wika ko rito. "Ikaw talaga puro ka kalukuhan. Basta I trust you apo. I know na 'di ka pa handa na hawakan ang company sa ngayon, pero alam mo naman na ikaw pa rin ang hahawak nito for soon. Dalawang taon na lang magtatapos ka na nang pag-aaral mo," wika nito. "I know, grandma. Pero hayaan niyo muna akong mag enjoy habang nasa school life pa ako," nakangiting wika ko. "Oh siya, basta mag-iingat ka sa pangbababae mo. Naku, kapag ikaw ang napikot diyan, aatakihin talaga ako sa'yo bigla," wika nito na nandidilat ang mga mata. Natawa tuloy ako ng sunod-sunod. Tipong nagpapa-alala ito ngunit parang tanggap na nitong nangbababae talaga ako. "Don't worry, grandma," wika ko na lang dito. Nagpaalam na ako ritong babalik na sa condo at aasikasuhin ko pa ang ilang gamit ko bukas pabalik ng campus. Hindi ko rin talaga maiwasang mapangiti sa lola ko. Ito kasi ang kakampi ko sa loob ng mansion. Laking mayaman ang lola ko. Sa totoo lang ang kompanya na hawak ni daddy ay galing pa kay lola. Mayroon itong iba’t-ibang negosyo sa loob o labas ng pilipinas. Hotels, restaurants, malls, resort, island, schools, hospitals etc. Ganoon kayaman ang lola ko simula pa noon. Kaya masyado akong kampanti dahil alam kong sa 'kin din mapupunta ang lahat. Naalala ko pa ang sinabi nito sa 'kin na may ireregalo siyang Island kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD