Evere’s POV Wala akong nagawa ng ipa – ban ako ni Paeng sa ospital kung saan naka – confine ang anak ko. Pati si Nana Conching ay hindi ko magawang tawagan. Panay lang ang tunog ng telepono niya. Para na akong maloloka dahil hindi ko alam ang kalagayan ng anak ko. Hindi ko alam kung nagising na ba si Raffie. Pakiramdam ko ay robot ako habang pauwi ako sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Para na akong mababaliw. Mabilis kong kinuha ang telepono ko sa bag ng marinig kong nag – beep iyon. May nag – text sa akin. Para akong nakahinga ng maluwag ng makita kong si kay Nana Conching galing ang text. Gising na si Raffie. Iyak ng iyak at hinahanap ka. Wala akong magawa, Evere. Lalo akong napaiyak dahil sa kawalan ng magagawa. Sa isip ko ay talagang isinusumpa ko si Paeng. Hintay