Evere’s POV "You wake up early." Napatigil ako sa pag – aayos ng kama. Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala si Paeng sa loob ng kuwarto ni Raffie. Doon kasi ako natutulog kahit na sinabi niyang doon ako matulog sa guest room. Napatingin ako sa relo at nakita kong quarter to six pa lang ng umaga. Maaga talaga akong gumising dahil ihahanda ko pa ang mga gamot ni Raffie at pagkain niya. Pinilit kong ngumiti sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. "Maaga talaga akong gumising," sagot ko. "How was your date last night?" tanong pa niya at lumapit sa kama ni Raffie. Bahagya akong napaurong kasi ang lapit na niya sa akin. And I am only wearing a short shorts and white tees. Naaasiwa ako. "It was not a romantic date. Nagkita lang kami ng friend ko," sabi ko. Nakita kong napa