Evere’s POV Ang saya – saya ni Raffie ng palabas na kami ng ospital. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan sa mukha niya ng malaman niyang doon na ako titira sa bahay ni Paeng. Si Paeng ang may gusto noon para mas maasikaso ko daw ng maige si Raffie. Hindi ko alam kung paano ang set – up namin. Matapos namin mag – usap tungkol sa kalagayan ni Raffie at ipahiya niya ako ay hindi na namin napag – usapan pa ang tungkol sa pagkakaroon ng kapatid ng anak namin. Dumidistansiya din ako sa kanya. Nakikipag – usap lang ako sa kanya kung may itatanong siya tungkol sa anak namin. Galit ako sa kanya. Gusto niyang matulungan si Raffie pero bakit ayaw niyang ibigay ang kapatid na kailangan nito? Ang arte niya. Nandidiri ba siya sa akin kaya ayaw na niyang maulit ang nangyari sa amin? Demonyo siy