Rafa’s POV "Ang guwapo naman 'nung sumundo kay Evere 'no?" Palabas na ako noon sa opisina ko ng marinig ko ang usapan ng mga staff ko. Tama ba ng narinig ko? May sumundo kay Evere? Binagalan ko ang paglakad para marinig pa ang pinag – uusapan nila. "Guwapo na, mayaman pa. Nakita mo ba ang mga bulaklak na ibinigay. Ang bongga – bongga. Sabagay maganda naman talaga si Evere kaya hindi imposibleng may magkagustong mayaman dun'," si Rosie ang narinig kong sumagot. “Para bulaklak masyado na kayong na – impress. Saka sigurado ba kayong doon talaga sa lalaking sumundo sa kanya nanggaling ang bulaklak? Baka sa DOM kamo,” si Angel na ang nag – komento noon. “Gaga, wala namang ibang lalaking nagpupunta para kay Evere ‘no? Sobrang suplada noon. Anak lang niya ang importante sa kanya.