Five minutes late

1397 Words
Evere’s POV "Maaga ka yatang umuwi ngayon?" puna ni Nana Conching ng maabutan ako sa bahay na binabantayan sa pagtulog si Raffie. Pinilit kong ngumiti. Wala naman kasi siyang alam na nagkita na kami ni Paeng. Ayaw ko rin naman na mag – isip pa siya. Marami na kaming problema ni Nana at ayoko ng dagdagan iyon. "Nag – leave po ulit ako ng three days. Para mas maasikaso ko si Raffie," pagsisinungaling ko. Napatango – tango ito habang inilalabas niya ang mga pinamili galing sa palengke. Tumayo ako at tinulungan ko na din siya. "Iha, anong plano mo ngayon na hindi kayo match ni Raffie ng bone marrow?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Ano nga ba ang gagawin ko? Sa araw – araw na wala akong ginagawa ay lumalala ang sakit ng anak ko. “Sa totoo lang ho, hindi ko ho alam. Sabi ng doctor niya ay puwede kaming maghintay ng donor pero wala din kasiguraduhan," doon na ako tuluyang napaiyak pero mabilis kong pinahid ang luha ko. “Puwede daw hong stem cell therapy pero milyon ang kailangan para magawa iyon. Saan naman ako kukuha ng milyon?” Naramdaman kong niyakap ako ni Nana Conching. Alam kong damang – dama niya ang bigat ng problema ko. "Malalampasan nating lahat ito, Evere. May awa ang diyos," sabi niya. “Sabi mo nga, puwedeng tumulong ang mga tao sa foundation. Nasisiguro kong mapipili si Raffie na mabigyan ng pagkakataong magamot.” Hindi na ako sumagot. Sumagi sa isip ko si Paeng. Minsan, sa oras ng desperasyon ay naiisip kong hanapin siya at kausapin. Baka sila, maaaring match sila ng anak ko dahil siya ang ama. Pero mabilis ko ding inaalis iyon sa isip ko. Sa nakita ko kanina, ibang Paeng na ang kaharap ko. "Ang cute naman ng kubo na pinagawa ni papa," bulalas ko ng makarating kami doon ni Paeng. Tumakas lang ako sa bahay para magpasama kunwari sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at nagsimulang maglinis – linis sa loob. "This is for her mistress. Buti pa siya ipinagawa ng ganito ni papa. Samantalang ako, ang tagal ko ng nagre – request na ipagawa ng ganito hindi man lang niya ako pinagbigyan," may himig pagmamaktol ko at pabagsak na naupo sa sofa na naroon. "Baka busy lang ang papa mo kaya hindi niya napapagbigyan ang request mo," sabi niya sa akin. Ngayon ay naghuhugas na siya ng mga plato doon. "Ganyan ka talaga kasipag?" tanong ko pa sa kanya. Sinundan ko siya hanggang sa kusina. Na - a - amaze talaga ako sa kanya kasi kahit lalaki siya, ang sipag – sipag niya. Butas – butas pa ang suot niyang t-shirt, gastadong pantalon ang suot pero ang guwapo – guwapo pa rin niya. “Ito ang trabaho ko," tipid na sagot niya sa akin. "May girlfriend ka na, Paeng?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong kong iyon. Kahit may gusto ako kay Paeng, nahihiya pa rin naman ako na ako ang mag – initiate ng panliligaw. Pero sa tingin ko, kung hindi ko gagawin ‘to, wala din namang gagawin ang lalaking ‘to. Napatingin siya sa akin tapos ay umiling. Hindi ko alam kung parang pakiramdam ko ay nagtatalon ang puso ko sa tuwa. "Parang ayokong maniwala," alam kong hindi maikakaila na kinikilig ako. "Ikaw, may boyfriend ka na?" tanong niya sa akin. Umiling din ako. "Wala din, eh. Pero may nakita na ako na gusto ko sana," sagot ko sa kanya. Napatawa lang siya sa narinig na sinabi ko at ipinagpatuloy ang paglilinis sa loob ng kubo. "Hindi mo ba itatanong kung sino?"sabi ko pa. "Hindi na. Napaka - suwerte naman ng lalaking iyon kung sino man siya,"sagot niya sa akin. Lumapit ako sa kanya. "Ikaw kasi 'yung gusto ko," bulalas ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon. Kitang – kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Paeng sa narinig na sinabi ko. Napailing ako at napatawa sa naalala kong iyon. I was head over heals crazy with Paeng then. Pero sinisiguro kong hindi na ngayon. --------------------------- Rafa’s POV “Luis, you better talk to your dad. Hindi ko na kaya pa ang ibang trabaho na ipinapasa niya sa akin na dapat ay trabaho mo,” reklamo ko sa kaibigan ko. “Ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ni daddy kaya okay na iyon. Kapag nalaman niyang ako ang trumabaho, ipapaulit din naman niya sa iyon. Ganoon siya kawalang tiwala sa akin,” nakarinig ako ng boses ng mga babae sa background niya. “Damn it. Nasa beerhouse ka naman,” komento ko. Inilipat ko sa kabilang tenga ang telepono ko at isa – isang pinirmahan ang mga papel na nasa table ko. “Gusto ko lang mag – unwind. Pag – uwi ko naman kasi mamaya siguradong sermon na naman kay daddy.” “Kaya nga makipag – usap ka. I am handling all the branches. May mga restos pa ako. Tulungan mo naman ako dito,” pakiusap ko sa kanya. “Alam mo, huwag mo kasing masyadong siniseryoso ‘yang si daddy. Talagang mababaog ka diyan kapag iyan ang lagi mong kausap at kasama. Puro na lang trabaho. Wala man lang pagsasaya.” “Ewan ko sa ‘yo,” napatingin ako sa pinto ng office ng bumukas iyon at pumapasok si Tiyong Daniel. “Sige Luis. I’ll call you back,” kahit nagsasalita pa ang kaibigan ko ay pinatayan ko na siya ng telepono. Pabalibag na ibinato ni Tiyong Daniel ang isang papel sa harap ko. Madalas kasi nitong mga nakakaraang araw ay dito ay nagbabad sa Lafayette para mas ma – supervise ko personally ang mga nangyayari dito. Siguro ay dahil on the edge of bankruptcy na ang restaurant at kailangan kong isalba para mabawi ko naman ang investment ko. The previous owner didn't do anything about the permits and BIR registrations. Ang dami – daming kailangang bayaran sa munisipyo at ayusin. Hindi biro ang perang inilabas ko dito kaya kailangang mabawi ko iyon. "What is this?" taka kong tanong at dinampot ang papel na ibinato niya sa akin. "Why did you suspend her?" kita kong galit si Tiyong sa akin pero halatang pinipigil lang. "Who?" nagtataka pa rin ako. Sino ang sinasabi niya? Hindi ko alam ang sinasabi niya. "Evere! For heaven's sake, alam mong kailangang - kailangan niya ang trabahong ito! Mahalaga para sa kanya ang isang araw na kita sa pagta – trabaho. Her daughter is sick!" pasigaw na ngayon ang pagkakasabi niya. Napahinga ako ng malalim at napailin na lang sa inaakto ni Tiyong. "Iyon lang ba? She was always late. I need to set an example. Ayokong pamarisan siya ng ibang mga empleyado dito. Ayokong isipin ng mga empleyado na may pinapaburan ang management," tanging sagot ko. Ayokong salubungin ang galit niya. "Five minutes late, Rafael. Punyeta! She was five minutes late and you didn't let it pass?!" Sigaw na niya sa akin. Oh. And this is f*****g serious. He never calls me Rafael unless he is really mad at me. Ano bang masama sa ginawa ko? I am just doing my job. And I am setting an example with the other employees. Kilala naman ako ni Tiyong Daniel na ganito, pero bakit parang sobrang big deal ngayon? "Ano ho ba ang problema, Tiyong?" Inis kong tanong. Hindi ko na rin mapigil ang sarili ko. Napailing na lang si Tiyong Daniel sa akin kahit alam kong pigil na pigil na galit niya. Parang may gusto siyang sabihin pero itinikom niya ang bibig niya at tumalikod na lang. "Saka hindi ko na ho siguro problema kung maysakit man ang anak niya. Karma na niya iyon," parang wala sa sariling sabi ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari pero malakas na suntok na sa mukha ko ang ibinigay ni Tiyong Daniel sa akin. Bagsak ako sa lapag dahil hindi ako handa doon. "Hindi ko akalain na ganyan ka na kawalang konsensiya. Kahit sarili mong anak kaya mong ganyanin. Kinain ka ng galit at paghihiganti mo," sabi niya sa akin at iniwan na ako doon. Hindi ko ininda ang sakit ng pagkakasuntok ni Tiyong sa akin. Ang tumatak sa isip ko ay ang sinabi niya. Kahit sarili mong anak kayang mong ganyanin. Ano ang ibig sabihin 'non? Alam naman niya na wala kong anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD