Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala sa sagot niya.. Totoo ba ito? Hindi ba siya nagbibiro? Hindi kaya masyado siya good mood ngayon kaya pumayag siya? O nantitrip lang siya? Ano? Gustuhin ko man itanong sa kaniya, hindi ko naman magawa! Para kasing umuurong ang dila ko! Jusme, ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noon kapag siya ang kaharap ko!
"Miss Magbanua?" malumanay niyang tawag sa akin. "Are you alright?"
Doon ay nanumbalik ang aking ulirat. Tumikhim ako't tagumpay akong nakawala mula sa kaniya. Agad akong tumayo at humarap sa kaniya ng ayos. Umaawang ang bibig ko, nangangapa ako ng sasabihin ko para sa kaniya. "H-hindi ninyo po ba muna tatanungin kung bakit...?" nakangiwing tanong ko sa kaniya. "Kung anong dahilan ko?"
Umayos na din siya ng tayo. Nagpamulsa siya sa harap ko habang nakataas ang isang kilay niya na tila nagtataka. "Is there any reasons about it?" inosente niyang tanong.
Kinagat ko ang aking labi sabay dumapo ang tingin ko sa sahig ng kaniyang opisina ng ilang segundo, pagkatapos ay ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. "I have a problem, a serious problem..." mahina kong saad. "I have a cousin from US, nakauwi na siya dito sa Pinas at dahil doon, magkakaroon po kami ng family reunion. The main problem is, nasabi ko na ikaw ang boyfriend ko... Kaya naman ako narito para sabihin sa inyo na-"
"Count me in." bigla niyang sagot.
Laglag panga ko siyang tiningnan. "W-wait, what?"
Nagbuntong-hininga siya at muli siyang tumingin sa akin. "You want me to be your fake boyfriend, do you?" he asked casually. "So... Count me in. Wala naman magiging problema sa akin."
"S-sigurado po ba kayo? O-okay lang ba talaga sa iyo?" paniniguro ko.
"Yeah, ngayon ka lang humingi ng pabor sa akin. Sinuklian ko lang ang pag-alalay mo sa akin habang naririto tayo sa trabaho. You're been a good assistant, Miss Magbanua." he said.
Daha-dahan akong tumango.
"But," he added. "I'll set some rules for you since we're in this fake relationship."
"R-rules?"
"Uh-uh." nagpakawala siya ng hakbang palapit sa akin. "Three major rules."
Bakit ganito? Bakit parang umiba ang pakiramdam ko? Dahil sa kaba ay bawat hakbang palapit niya sa akin, siya naman ang pag-atras ko hanggang sa naramdaman ko nalang na may pumigil sa akin at iyon ay ang pader. Muli naman ako ikinulong ni Sir River. Itinapat niya ang mukha niya sa akin. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. "S-Sir?" nanghihinang tawag ko sa kaniya. s**t, bakit parang kakapusin na naman ako ng hininga?!
He scanned my clothes. "Rule number one, always wear a skirt."
Bahagyang kumunot ang noo ko. "H-ha? Why?"
"Para madali ako makapasok."
"M-makapas-" hindi ko agad masabi ang mga dapat kog sabihin nang pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng hinatuturo niyang daliri. Damn, hell! Bakit nag-iinit ako?!
"Rule number two, eye on me, my baby Pau because I'm a possessive." dahan-dahan na niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Napalunok ako't mariin kong ipinikit ang mga mata ko. "And last, everytime we make love, we will never use condoms." he whispers.
Doon ako napadilat. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. WHAT?!
Marahan na lumayo sa akin si Sir River. Pinapanood ko lang siya habang pabalik siya sa kaniyang leather chair. Nagdekuwarto siya't pinalalaruan ng kaniyang daliri ang kaniyang mga labi habang nakatingin siya sa akin ng diretso. Para ako nanigas sa kinakatayuan ko. Hindi ako inosente pero malinaw sa akin na gusto niyang may mangyari sa amin?!
"Sir..."
"It's okay if you don't want to, Miss Magbanua. I understand." malumanay niyang sabi. "If we done talking, you can now leave." muli siya nagtipa sa kaniyang laptop.
Kinuyom ko ang aking kamao. Kinagat ko ang aking labi. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Oo, tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya pero, hindi dahil sa takot. Siguro ay dahil ilang taon na din ako nagtatrabaho sa kaniya. Pakiramdam ko ay kampante ako sa kaniya. Isa siyang Hochengco! Sa oras na tumanggi ako sa alok niyang ito, uuwi ako sa amin na kahiya-hiya! Lalo na't pagtatawanan ako ni Christy pati ng mga pinsan ko!
"Tatanggapin ko po," lakas-loob kong sabi.
Muli siya natigilan sa kaniyang ginagawa. Mangha siyang bumaling sa akin. "Are you serious?" muli niyang tanong.
Lumunok ako at tumango. "Opo, tatanggapin ko po."
**
Ilang beses ko nang gusto tuktukan ang sarili ko pagdating bahay. Pero dahil ayaw kong saktan ang sarili ko, nagpapadyak-padyak nalang ako para mabawasan ang inis na aking nararamdaman. Ilang beses ko nang sinabihan ang sarili ko na tanga, shunga, baliw at kung anu-ano pa dahil sa katangahan na ginawa ko. Bakit ko kasi sinabi sa kanila na si River Ho ang jowa ko?!
Wala sa goal ko na mainlove! Pero dahil nalagay ako sa sitwasyon na ito, nagkajowa ako nang biglaan! Shunga ka talaga, Pauline Magbanua!
Naputol ang kakastigo sa sarili ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nilapitan ko ang shoulder bag ko't inilabas ang aking cellphone mula doon. Napasinghap ako nang mabasa ko sa screen ang pangalan ni Sir River bilang caller! Aligaga akong sagutin iyon. "S-Sir?"
"You got home?" masuyo niyang tanong.
"O-opo." kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Bakit ka po p-pala napatawag?"
"Hmm. Practice? As your boyfriend?"
"H-ha?" para akong nabingi!
"Why? Hindi ba ikaw ang nagpropose sa akin?" bakas sa boses niya ang kainosentehan! Arghhh! Bakit bigla ka nagkaganito, Sir River?! It's like... Tinutorture mo ako! "And I said yes, so, we're officially dating. Yes?"
Napatampal ako ng mukha. "Sir-"
"Oh, don't call me in that way, baby Pau. We're dating. You can give me an endearment."
"Saglit lang. Magkukungwari lang po ang usapan, natin, hindi ba? It means, sa harap lang ng pamilya ko lang naman-"
"Baby Pau," biglang sumeryoso ang boses niya nang tawagin niya ako sa ganoon.
"Y-yes, sir?"
"Hayaan mo lang ako maging ganito sa iyo."
"Sir..." iyan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"You should take some rest. Bukas, susunduin kita. Ikaw na ang magpatay ng tawag."
So I did. Ako ang nagpatay ng tawag. Wala ako sa sarili napaupo sa couch. Napasapo ako sa aking dibdib nang bitawan niya ang mga salita na iyon. Ano bang ibig niyang sabihin na hayaan ko lang daw siya? Para saan?
**
Kinaumagahan din iyon ay nakahanda na ako. Ang kulang nalang ay magpapatuyo ng buhok. Pero biglang tumunog ang doorbell. Nang buksan ko iyon kahit may tuwalya pa ang buhok ay laking gulat ko nang tumambad sa akin si Sir River na naka-corporate attire na. Talagang tinotoo niya ang sinabi niya kagabi na magiging boyfriend ko siya kahit na pagpapanggap lang!
"Good morning," bati niya sa akin na malapad ang kaniyang ngiti. "my baby Pau."
"S-sir..." bumaba ang tingin ko sa gilid. Bakit may dala siyang mga maleta?! "Naglayas kayo, sir?"
Ngumuso siyang bumaling sa mga gamit na kaniyang dala. "Nope, dito muna ako titira." sagot niya.
"Ha?!" hindi ko mapigilang mabulalas iyon.
"Yeah, you heard it right, baby Pau. Titira muna ako dito. Bakak kailangan mo ng kasama. Lalo na't boyfriend mo ako."
Napalunok ako. "Sir, ayos lang naman ako. Kaya ko naman mag-isa."
Walang sabi na pumasok siya dito sa loob. Sinundan ko siya. Piinasadahan niya ng tingin ang buong unit habang nakapamulsa siya. "A studio type." kumento niya.
Inilipat niya ang kaniyang tingin sa may bandang kusina. Hinaplos niya ang kitchen counter. Sunod naman niya pinakialaman ay ang ref. Walang sabi na binuksan niya iyon. Kinagat ko ang aking labi dahil walang laman iyan, puro tubig! Madalas kasi ako sa labas kumakain lalo na't tinatamad akong magluto!
Lumingon siya sa akin na nanatili pa rin siyang nakapamulsa. "You don't know how to cook?" kaswal niyang tanong sa akin.
Lumunok ako at dahan-dahan na tumango. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa hiya! Oo na, inaamin ko, hindi talaga ako marunong magluto!
"You really need me." bigla niyang sabi.
Doon ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makatingin sa kaniya. Lumapit siya sa akin. Itinapat niya ang kaniyang mukha sa akin. Nagtama ang aming paningin. "Sir?" iyan lang ang tnaging nasabi ko.
"Later, after work. Maggogrocery tayo. Kailangan natin ng maraming stocks sa ref." marahan siyang pumikit nang nakangiti at isinandal niya ang kaniya noo sa akin. Halos maduling na ako sa ginagawa niya. "Ayokong nagugutom ang girlfriend ko."
Pakurap-kurap ako. Lihim ko kinagat ang aking labi. Pero may isang bagay na nagwawala sa aking sistema!
"For now, magtatrabaho muna tayo." sabi niya.
"O-okay sir." sagot ko. Tatalikuran ko sana siya nang bigla niyang hinablot ang isang kamay ko at walang sabi na hinalikan niya ako sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko magawa. Tila may pumipigil sa akin na gawin ko iyon. Bakit ba palagi ako binibigla ni Sir River!? Bakit hindi na usual ang mga kinikilos buhat nang humingi ako ng pabor sa kaniya? Gustuhin ko man alamin kung bakit siya nagkakaganito ay pinangunahan ako ng panghihina ng loob.
"This is your punishment," namamaos niyang sabi nang kumalas ang mga labi niya sa akin.
Huh? Ano naman ang kasalanan ko?
Bumaba ang tingin niya. Sinundan ko iyon. Napasinghap ako nang napagtanot ko na hindi ako nakasuot ng skirt, kungdi slacks!
Nilapitan ni Sir River ang couch at nagdekuwatro siya doon. "Take your time and change. I'll wait here." sabi niya.
Aligaga akong bumalik ng kuwarto para magpalit ng damit! Pambihirang buhay ito, oh!