Ingay ng opisina, tunog mula sa mga keyboard ng mga computer, tsismisan at kung ano pa ang umaalingangaw sa palapag ng gusali na ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagpatinag, nanatili akong nakatulala sa screen ng cellphone ko. Nakangiwi at nanonoblema nang mabasa ko ang mensahe ng aking kapatid na si Pedriona. Sinasabi niya na nakauwi na ang pinsan ko na si Christy galing ibang US. Hindi lang iyon, may kasama daw itong jowa na pinoy pero guwapo daw! Dahil diyan, magkakaroon ng reunion!
Ano naman kung may bitbit siyang boyfriend? Pumuti lang iyan kasi galing Amerika! Kung umitim iyan dito sa Pilipinas, ewan ko nalang, ibibreak niya din iyan! Bwahahahah!
Pero hindi ako bitter, naiirita lang ako sa pinsan ko na iyon dahil ang yabang niya! Ubod ng yabang na akala mo siya lang ang maganda. Aba, ako? Magpapadaig sa isang tulad niya? Hoy, maganda din naman ako, ano! Mas hamak na mas sexy pa ako sa kaniya! Kinulang lang ako sa height kaya hindi ako nakapasok bilang modelo noon! Anong akala niya? Duh!
Pedriona :
Ang sabi nina lolo at lola, dapat may bitbit ka din daw na boyfriend sa reunion, ate.
Pahabol pa niya na text message sa akin. Ngumuso ako't padabog kong ipinatong ang cellphone ko sa desk. Walangjo, bakit kailangan ko pa magdala ng jowa sa reunion? Para saan, aber? Ano naman mapapala ko sa jowa na iyan? Sakit lang sa ulo iyan, ano!
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang intercom. "Pauline, please come over here." utos ng boss ko mula sa kabilang linya. Kahit hindi mo pa nakikita at naririnig mo palang ang boses ng isang ito, malalaman mo talagang guwapo ito!
Huminga ako ng malalim bago tumayo. Agad ko pinuntahan ang opisina kung nasaan si Sir River. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang pinto at marahan ko ito itinulak. Nadatnan ko ang boss ko na abala sa pagpirma ng mga nakatambak na dokyumento sa kaniyang gilid. Humakbang ako palapit sa kanila.
"Yes, sir?" tanong ko sa kaniya sa pamamagitan ng pormal na tono.
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. May kinuha siya sa kaliwa niya na isang folder. Inabot niya iyon sa akin. "Naapprove ko na ang proposal na ito. Pupwede mo nang ihatid ito sa HR Department. And please call the Yang Zi Corporation, I'm ready for a meeting."
Tumango ako na tila naitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Noted, sir." tinanggap ko ang folder at niyakap ko ito. Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tinawag.
"Miss Magbanua,"
Tumigil ako at lumingon na may pagtataka sa aking mukha. "Yes, sir?"
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Thank you for assistance."
Isang hilaw na ngiti ang isinukli ko sa kaniya. "No problem, sir. It's my pleasure to work with you." I slightly nod and walk towards to door until I left.
Ilang taon na din ako nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Hochengco. Masasabi ko na maganda ang pamamalakad ng angkan nila sa kanilang mga negosyo. Hindi na din bago na kasali sila sa International Business Club, at ang Grande Patriarch na si Damien Hochengco ang presidente ng naturang organisasyon para sa mga kilalang negosyante. Bukod pa doon, ilang beses na din pasali ang angkan na ito sa pinakamayaman na tao sa buong Asya. Hindi lang food business na dahilan kung bakit sila kilala, kilala din ang construction firm nila ipinamana ng namayapang Eufemia Hochengco kay Sir Vaughn Hochengco na ngayon ay hawak na ng isa sa mga anak nila na si Massimo Hochengco.
Noong una, wala naman talaga akong balak magtrabaho dito dahil ang alam ko, sa oras na maging empleyado ka nila, dapat magaling ka. Dapat talented ka. As in, namimeet nila ang expectations nila. Kaya lang naman ako napadpad dito ay dahil sa kagustuhan ng aking ina. Palagi kasi niya sinasabi sa akin na malaking oportunidad kapag dito ako magtatrabaho. Mas malaki daw ang kikitain ko kung sakali. Kulang nalang palayasin na ako ng nanay ko sa Cavite. Dahil sa no choice ako, sinubukan ko nalang na mag-apply sa gusali na ito hanggang sa umabot na ako ng limang taon bilag sekretarya ni Sir River, ang bunsong anak ng mag-asawang Finlay at Pasha Hochengco.
Pagkatapos kong ibigay sa HR Department ang mga dokyumento na pinapabigay ni Sir River ay sunod ko naman ginawa ay tinawagan ang Yang Zi Corporation na galing pang Taiwan para sabihin sa kanila ang pinapasabi ng boss ko. Ang sabi sa akin ay magpapadala daw sila ng tao sa Pilipinas para mameet ni Sir River. Sa pagkakaalam ko ay nagbigay ng isang business proposal ang Yang Zi sa mga Hochengco. Inabot ng dalawang buwan ay hindi pa sumasagot ang mga Hochengco. Bukod pa doon, ilang beses na nagkaroon ang meeting ng mga Hochengco clan tungkol sa bagay na ito.
"Sir?" malumanay kong tawag sa kaniya nang nakabalik na ako sa kaniyang opisina.
Muli siyang tumigil sa kaniyang ginagawa at bumaling sa akin. "Come, Miss Magbanua." isang matamis na ngiti na ang kaniyang isinalubong niya sa akin.
"Nasabi ko na po sa Yang Zi tungkol po sa pagpayag ninyo..."
"Thank you, Miss Magbanua." pormal niyang pasasalamat.
"Sige po, sir. Iyon lang po—"
"Miss Magbanua?"
"Yes, sir?"
"Mapapaaga din naman ako matapos dito. If you want, I can give you a ride."
Napangiwi ako. "Naku, sir. Nakakahiya naman po. Kahit mag-grab nalang po ako or uber. Ayos na po ako."
Tumaas ang isang kilay niya. Kita ko kung papaano niya binasa ng dila niya ang mga labi niya. Napapaisip siya kung sapat na ba ang rason ko na iyon para tanggihan ang alok niya sa akin. "Are you sure?" muli niyang tanong.
"Sure na sure, sir."
**
"Anak, iyan na nga lang irerequest ng mga lolo at lola mo. Pagbigyan mo na..." malumanay na sambit ni mama habang kausap ko silaa sa pamamagitan ng skype. "At saka, sa ganda mo na iyan, walang pumoporma sa iyo? Imposible!"
I was living in a studio type condo unit here in Pasay. Tutal naman ay mag-isa lang ako. Ayos lang din naman ang sweldo ko. Nagagawa ko din mag-ipon at nakakapagpadala naman ako sa pamilya ko na naiwan sa Cavite. Kapag may time naman ako, nagagawa ko din naman bumisita sa kanila. Lalo na't weekend.
"Oo na ma, huwag mo nang ipalandakan sa akin na naging beauty queen ka noong dekada otsenta." kahit nanalo ka sa isang barangay beauty pageant!
"Syempre, naghihintay na din ng magiging apo sa tuhod ang grandparents mo, umaasa na din kami ng apo mula sa iyo." malapad na ngiti ni mama nang sbaihin niya iyon. "At saka, nakausap ko na din ang kumare ko na manghuhula. Ngayong taon, ikakasal ka daw!"
Napangiwi ako. Hindi ko maitindihan kung bakit naniniwala ang nanay ko sa mga ganyan. Sa mga hula-hula. Oo nga, nagiging guide siya pero. Hello? Buhay ko ito at hindi ko pupwedeng iasa ang flow ng buhay ko sa isang hula lang! Dyosmiyo! "Ma, hindi ba sinabihan ko na kayo sa ganyan?"
"Anak, masyado ka lang naman kasing focus sa trabaho mo. Oo, breadwinner ka ng pamilya pero iniisip kasi namin, papaano naman ikaw? Maganda pa rin na may nag-aalaga sa iyo hanggang sa pagtanda mo."
Marahas akong bumuga ng isang malalim na buntong-hininga. "Ma, huwag ninyo munang isipin ang pag-aasawa ko. Twenty five palang ako. Malayo pa ako sa marriage life at age crisis." napalakas kong sabi sa kanila.
"Mama, wala lang kasing boyfriend si ate." wika ni Pedriona sabay bumungisngis. "Ngayon palang, nahahalata na old maid na iyan sa future."
Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ng aking kapatid! "Hoy! Anong walang boyfriend!? Mayroon ako n'yan, ano! Sino ang boyfriend ko? Si River!"
Natigilan kaming lahat sa naging pahayag ko. Pakurap-kurap sina mama at Pedriona sa akin samantalang ako, laglag ang panga. Bago ko man bawiin ang sinabi ko at naunahan na ako ng pinsan ko na si Jeramie na humagalpak ng tawa.
"Owss? Si River Hochengco ang boyfriend mo? Ang boss mo? Sus, wala kang mauuto dito, Pauline."
Nanggagalaiti ako sa inis. Lihim ko kinuyom ang aking kamao. Kung hindi lang importante sa akin ang laptop ko, siguro nasapak ko na ang monitor! "Ayaw mong maniwala?"
"Huwag kami, Pauline. Alam naman natin na ang isang Hochengco ay mahirap abutin. Kaya imposible iyang sinasabi mo. Kung katulad na boyfriend ni Christy ang sinasabi mo, maniniwala pa siguro kami."
Kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko. Chill, Pauline. Huwag ka masyadong paapekto.
"Oh sige, patunayan mo sa amin kung boyfriend mo siya. Dalhin mo siya sa nalalapit na reunion."
Tulala ako pagkatapos kong kausapin sina mama, Pedriona at ang pinsan ko. Sinasabunutan ko ang buhok ko dahil sa inis. Bakit kasi iyon ang lumabas sa bibig ko?! Bakit hindi ibang tao nalang?! Tang ka rin, Pauline! Mas lalo mo ipinahamak ang sarili mo sa alanganin!
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader! Bwisit din kasi itong si Jeramie! Pakialamera! Hindi ko talaga maitindihan ang takbo ng isip na talagang hinahamon niya ako dalhin ko si River sa paparating na reunion ng mga Magbanua. Kainis!
Ano na ngayon ang gagawin ko?!
**
Kinaumagahan din iyon ay hindi na ako mapakali. Kung kakausapin ko ba si Sir River tungkol sa problema na kinahaharap ko ngayon o pipilitin kong kumilos ng normal? Bilang sekretarya niya o ano? Isip, Pauline! Mag-isip ka! Pride mo din ang nakasasalay dito!
Bigla akong tumayo habang yakap ko ang iPad saka marahas bumuga ng hininga. "You can do it, Pauline! Si Sir River lang iyan, huwag kang ano. Kapag pumayag siya, malaking thank you na iyon, kapag hindi, hahanap nalang ako ng... proxy niya." sadyang hininaan ko ang huling salita. Iyong kamukha niya talaga! Basta!
Matalim akong tumingin sa pinto ng kaniyang opisina. Nagpakawala na ako ng hakbang palapit doon. Kumatok ako at narinig ko ang boses niya mula sa loob na maaari akong pumasok. Hinawakan ko ang doorknob. Humigpit ang pagkahawak ko doon. I slowly released a sighs. Hanggang sa tagumpay akong nakapasok sa loob. Naabutan ko siyang nagtitipa sa kaniyang laptop. Seryoso ang kaniyang mukha.
"Sir?" pilit kong maging normal ang aking kinikilos sa harap niya.
"Yes, Miss Magbanua?" pormal din niyang sambit pero nanatili siyang nakatuon ang tingin niya sa kaniyang ginagawa.
Napalunok ako.
"May meeting ba ako ngayong araw?" he asked as he continue what is he doing.
Binasa ng dila ko ang labi ko. You can do it, Pauline! "Can..." mahina kong sabi. "Can you be my boyfriend?!" sapat na lakas ng boses nang sambitin ko iyon.
Kita ko na natigilan siya sa kaniyang ginagawa. Pinaghalong gulat at pagtataka nang bumaling siya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot. Damn, Pauline. Ihanda mo ang sarili mo kung sakaling masesante ka ng wala sa oras!
"Come again?" wika pa niya. Tumayo siya mula kaniyang leather chair at lumapit sa akin, hindi maalis ang tingin niya sa akin na parang hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang narinig.
Napaatras ako ng dalawa hanggang sa napaupo ako sa single couch dito sa kaniyang opisina! Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang ikinulong niya ako dito! "S-Sir..."
"Repeat, Miss Magbanua." namamaos niyang utos sa akin pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa aking mga mata. "What did just you say?"
Napalunok ako. "Can... Can you be my boyfriend?" ulit ko sa maliit na tinig. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya.
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Of course. I can be your boyfriend, baby Pau." mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Napalunok ako. Parang tumitigil na ang puso ko sa pagtibok.