CHAPTER 24

2005 Words

Layna's point of view "JANN!" sigaw ko sa secretary ni Uzi. Sira ulo talaga si Uzi, ginagawa n'ya personal assistant ang secretary n'ya. Tumakbo ako papunta kay Jann ng pigilan ko s'yang pumasok sa elevator. Mayroon na naman s'yang dalang lunch box. "Kanino iyan?" tanong ko kay Jann. Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Tinignan n'ya muna ang hawak bago sumagot, "Kay Director," sagot n'ya sa akin. Tinaas ko ang dalang lunch box. "Sabi n'ya ako na ang magdala bilang asawa n'ya," nakangiti kong sagot kay Jann. "Sa 'yo na lang iyan, kumag na iyon ginagawa kang utusan," puna ko. Pagpunta namin sa floor ng office ni Uzi ay agad akong pumasok. Ano pa ba ang aakalain kong matatagpuan ko sa lugar na ito. "Busy?" tanong ko. Binaba ko ang lunch box sa table n'ya at umupo ako sa client

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD