Layna's point of view "WHAT the hell, Uzi?" gulat kong sabi kay Uzi. Niyakap ko ang sarili ko habang nakalubog sa tubig. "Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko sa kan'ya. "Akala ko patay ka na," walang gana n'yang sagot sa akin. Anong sabi n'ya? Akala n'ya patay na ako. Naglakad s'ya paalis na. Ako naman ay lumangoy para kuhanin ang suot ko. "Sabihin mo lang na concern ka na sa akin!" sigaw ko sa kan'ya. Sinuot ko ang damit kong basa na bago ako umahon. Pumasok ako sa loob ng bahay para hanapin si Uzi. "Kumain ka na?" tanong ko kay Uzi ng makita ko s'yang nasa kusina. Nakahubad na ang black coat n'ya at white long sleeve na lang ang suot n'ya. Sumandal s'ya sa ref at tinignan ako habang mayroong hawak na baso ng tubig. Napansin kong nakatingin s'ya sa basang katawan ko. Iba talag