"You've got something to tell me."
•••••
Kinabukasan, hindi na ako nagpahatid kay Shawn. Umalis na ako ng maaga at nag-iwan na lang ng note dahil tulog pa siya no'ng umalis ako.
Pagkapasok ko sa building ay muli akong binati ng guard at sinuklian ko rin ito.
Hinalungkat ko ang aking bag habang naglalakad sa hallway papuntang clinic.
May text galing kay Shawn.
Love:
You left early?
Ako:
Yup, nandito na ako. Nagluto na ako ng almusal mo.
Hindi ko na hinintay ang reply niya at inilagay na ang aking cellphone sa bag. Binuksan ko ang pinto ng clinic nang tumapat na ako roon.
Nang dumating ang lunch break ay sa cafeteria na ako ng hospital kumain. Hindi ko na rin pinapunta si Shawn dahil baka makita na naman siya ni Olivia, mahirap na.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking kinakain nang may umupo sa harap ko.
Inangat ko ang tingin ko.
"Austin?!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya rito.
Ngumisi siya. "Hi."
Kinunotan ko siya ng noo at hinampas ang braso niya.
"Ba't ngayon ka lang nagpakita? Saan ka galing?" tanong ko, ngumingiti na rin.
Austin shrugged. Sumubo siya sa dala niyang pagkain bago sumagot.
"Nagbakasyon ako for a month. Need to unwind." sagot niya.
Natahimik ako, nang may napagtanto ay napangisi ako sa sagot niya.
"Can't get over with Athena, e?" asar ko sa kanya.
Napailing siya at hindi na sumagot.
Ang alam ko ay nililigawan siya ni Caitlyn. Well, hindi lang naman lalaki ang pwedeng manligaw 'di ba?
"You know your strategy to move on was so gay." I laughed with what I'd said.
Tumango siya. "Yeah, I already know that."
Mas lalong lumakas ang tawa ko. This conversation is so ridiculous.
"Athena's in Paris for her studies. Nagkaroon siya ng interview nung nakaraan, napanood mo?" I casually asked.
Tumango siya. "I watched it through Caitlyn's phone."
Nanlaki ang mga mata ko. "Totoo?!"
Tumango siya ulit.
Okay, he's not fooling me. Mukhang sila pa 'ata ni Caitlyn ang magkakatuluyan. Oh well, mabait naman si Caitlyn at matagal ko na ring alam na gustong-gusto niya talaga itong si Austin.
"By the way, bakit ka nga pala nandito?" I asked the question when I remembered.
Sinimangutan niya ako at sinamaan ng tingin.
"Bakit, masama bang bumisita?"
Umiling ako. "Of course not, nabigla lang ako. Bigla ka kasing sumulpot."
Ngumisi siya. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan habang kumakain.
Tatayo na sana ako pagkatapos kong kumain nang pinigilan ako ng isang tinig.
"Doc. I, hi!" si Olivia.
I mentally rolled my eyes and greeted her back. I don't want to be rude even though she had some remaining arrears with me.
"Hi, Doc. Olivia." I smiled, pero I'm sure nagmukhang plastic iyon.
Nilingon ni Olivia si Austin. Ngumiti siya at nagpakilala rito.
"Good afternoon." tanging sagot lang ni Austin.
I smirked. What a cold answer.
Mukhang nainis si Olivia base sa naging itsura niya. Hindi ko naman masisisi si Austin, feeling close naman talaga kasi itong si Olivia.
"Kaano-ano mo, Doc. I?" baling ni Olivia sa akin.
Ngumiti ako. "Close friend of mine and my husband." ipinagdiinan ko pa ang huling salita.
Tumango siya. Matagal siya bago nakasagot dahil mukhang may inisip pa.
"Oh, ba't dito ka nag-lunch sa cafeteria? Where's Shawn?"
None of your business. Gusto ko sanang sagutin siya nang pabalang but it's rude. We're professionals.
"Nasa work." tanging sagot ko.
Tumango siya.
"By the way, our conference will be next week. Are you ready to go?" tanong niya.
Tumango ako. "Yes. Uh, Olivia, we'll go ahead."
"Okay." ngumiti siya.
Umalis na kami roon ni Austin. Habang naglalakad ay nagtanong siya sa akin.
"Sino 'yon?"
"Co-doctor ko, Olivia Agoncillo. She's hitting on my husband since yesterday." I said.
Natawa si Austin. "Woah. Tinanong ko lang kung sino 'yon, hindi ko naman sinabing mag-share ka ng kwento mo."
Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Napailing ako, kahit kailan talaga palagi niya na lang akong pinipilosopo.
"Nakakainis kasi. I need to burst this out before I explode. Even Shawn doesn't believe me." reklamo ko.
"Eh baka hindi naman talaga kasi nilalandi ni Olivia si Sir Shawn. Ikaw lang ang nagsasabi niyan." sagot ni Austin nang makapasok kami sa elevator.
Humalukipkip ako. "Pare-parehas kayong mga lalaki, patay malisya. Malakas ang instinct ko pagdating sa mga ganito. Natuto na ako kay Ma'am Cleo at hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yung ganoon."
Tumango siya at mahinang napatawa. Napailing din at napatango. Ang gulo talaga ng utak nito.
"Palaban ka na ngayon, huh. Impressive." mahina pa siyang napapalakpak.
I smirked. "I know, right. By the way, what are your plans now? Back to school?"
Austin shrugged. "I don't know, yet. But I guess I'll be managing our company. Gusto kasi ni Dad na ako na ang mamahala roon."
Napatango na lamang ako. Austin's dad is a civil engineer. Ang kompanya nila ay related sa paggawa ng buildings and houses. They are popular worldwide for the good qualities they offer.
"Pero syempre, I need to pass the board exams para maging ganap na akong engineer."
"Well, kaya mo naman 'yan. Ikaw pa ba." I encouraged.
Nang makarating kami sa clinic ko ay may naghihintay ng pasyente roon. My eyes widened when I also saw Caitlyn inside my clinic.
"C-cat?"
Ngumiti siya. Nilapitan siya ni Austin pati ang kasama niyang bata.
"Hi, Doc. I." bati niya.
Nang makabawi ay mabilis akong umupo sa aking swivel chair at sumandal doon.
"Hi! I---"
Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan.
"Doc, I'm sorry. Pinapasok ko na po sila kasi 'yung bata, gusto ka raw makita. Ang sabi ko, maghintay na lang muna sila rito sa loob ng clinic mo." si Zarah.
I smiled and nodded. "It's fine, Z. No problem."
Nang makaalis si Zarah ay saka nagsalita si Austin.
"I forgot to tell you. Magpapa-check up pala itong si Caistin. Ngayon ang schedule niya."
Tumango ako. Binalingan ko si Caitlyn at nginitian.
"Hindi ko alam na may anak na kayo. How did this happen?" Out of curiousity, I asked.
Tumawa si Austin at Caitlyn. I frowned because I don't know why they are laughing.
"Anak ng kapatid ko 'to, Ate. Sa amin lang ni Austin nakatira." si Caitlyn.
Tumango ako ulit. Pero nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto.
"Nakatira kayo sa iisang bahay?!"
Tumango si Austin. Ah, so much informations for this day. What the hell.
Bago pa kami umabot sa mas sensitive na topic ay pinalapit ko na sa akin si Caistin. Caistin is so cute. She reminds me of Cronus.
Ngayon, napagtanto kong marami na pala akong hindi nalalaman sa mga kaibigan ko. Hindi na ako updated sa kanila.
Caitlyn is an Architect. Ang tibay din niya, hindi niya sinukuan si Austin kahit noong sila pa ni Athena.
At ngayon, ang paghihintay niya ay nagbunga na. They are now happy with each other. I hope Athena will be happy too.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko kay Caitlyn.
"She has a fever since last thursday, nawawala naman tuwing umaga pero kapag hapon na, bumabalik 'yung lagnat niya."
I frowned. "Bakit ngayon niyo lang ipinakonsulta? Baka mamaya ay hindi na simpleng fever ito."
I turned to Caistin and smiled at her.
"Baby, what are you feeling right now?" tanong ko.
"I want to puke."
Tumango ako. "Is your skin itchy? Do you have rushes?"
Inilahad ko ang kamay ko para kunin ang kamay niya upang makita kung may rushes ba siya sa katawan.
"I forgot to tell. She's getting rushes every night. Nangangati siya bago matulog." sambit ni Caitlyn.
Tumango ako. "Ipa-confine niyo na siya habang maaga pa. Ang mga nangyayari sa kanya ay symptoms ng dengue. Please confine her for further examinations."
Tumango si Caitlyn. Kinausap ko pa nang kaunti ang bata para naman hindi niya isipin na nasusuka siya. Kanina pa rin siya tahimik at mukhang masama talaga ang pakiramdam.
"Salamat, Doc. I." si Austin.
I smiled and shooked my head. "It's my work, no problem and you're welcome."
"Dito na kami, see you."
"Sige, ingat kayo."
Nang umalis sila ay ipinahinga ko na ang sarili ko. Ayon kay Zarah ay si Caistin na ang huling pasyente ko ngayong araw kaya pwede ng magpahinga.
Pinanood ko ang pag-ikot ng kamay sa wall clock na meron dito sa loob ng clinic. Ang bilis. Parang kanina lang ay kausap ko pa si Austin at ngayon ay magga-gabi na.
I played my ballpen on the desk, pampalipas lang ng oras dahil wala naman akong ginagawa.
I checked my phone nang ma-bored ako sa kakatuktok ng ballpen sa lamesa.
2 texts from Shawn.
Love:
Hey, I'm going to work now. See u later, I love you.
Sent 09:15 AM
You ate lunch?
Sent 01:30 PM
I smiled before typing my reply.
Ako:
Susunduin mo ba ako?
Naghintay pa ako nang kaunti sa reply niya. When I got no response, I decided to go home by myself. Baka wala pa siya sa bahay.
I took taxi so I can go home. Binigyan ko ng tip ang driver dahil nagdidilim na ngunit hinatid pa rin niya ako, matanda na siya pero pursigido pa rin sa pagtra-trabaho. My heart sank a little when I realized it.
Wala pa si Shawn. Wala pa kasing kotse na naka-park. Siguro ay hihintayin ko na lang siyang makarating.
Nanood ako ng TV nang matapos akong magluto ng hapunan namin. Habang nakaupo sa sofa ay panay ang check ko sa aking cellphone dahil baka magtext siya na male-late siya ng uwi.
Around 8:30 pm ay nakauwi na si Shawn. Sinalubong ko kaagad siya sa pintuan pa lang ng bahay at tinanggal ang kwelyo niya.
"Where have you been?" tanong ko habang pinapanood siyang maupo sa sofa.
Umiling siya at pumikit. Malalim ang kaniyang paghinga. Pumunta ako sa kusina at inaya na siyang kumain.
"Kumain ka na ba? Lets----"
"I'm done." he silently said.
Napatango na lamang ako, why I feel like there is something wrong, I don't know.
Kumuha ako ng tubig sa ref at dalawang baso. Nagulat ako nang nasa harap ko na siya.
"Inori,"
Oh, what now?
"B-bakit?" tanong ko at napainom ng tubig.
Once in a blue moon niya lang akong tinatawag na Inori. Alam kong may problema, sigurado ako.
"You've got something to tell me, hmm?" he mumbled.
"Huh?"
Kumunot ang aking noo. Ano namang sasabihin ko sa kanya?
"You've got something to tell me."pag-uulit niya.
Ngayon ay hindi na iyon tanong, statement na iyon na para bang may kailangan talaga akong sabihin sa kanya.
Natahimik ako. Pilit na inaalala kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya.
Wala talaga akong maisip na kailangang sabihin sa kanya. Ano ba kasi 'yon?
Tinitigan ko siya. Alam niyang hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Ugh, my memory's exploding because of this.
"Ah. You forgot? I'll make you remember it."
Tahimik pa rin ako. Hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.
"You're leaving next week?"
Oh.
Ito pala iyong sinasabi niya. I really forgot to tell him this. This is bad.
"You're going to Korea and you didn't tell me."
"This is for my work and----"
"And you're not telling me?"
Umiling agad ako. "No! Hindi sa gano'n, nawala lang sa isip ko. I am planning to tell you this nung araw din na sinabi sa amin ito but it slipped out of my mind. I'm sorry."
He scoffed. "Really, but why I think you won't tell me?"
"Nawala nga sa isip ko, okay? I am sorry."
Tumango siya. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko at tinitigan ako sa mga mata.
Tinitigan ko rin siya. Suddenly, I frowned. Where did he got this news?
"Saan ka nanggaling at kanino mo nalaman ito?" diretsahang tanong ko.
"It's not important. This is more important than that. I won't sleep in our room for tonight." sagot niya.
Oh, wow. I crossed my arms.
"Where did this news came from?" I asked, again.
Umiling siya. Ayaw sabihin sa akin.
"You'll tell me or I will go back to my parent's house."
I smirked. You won't tell me, huh? Sige, bibigyan kita ng option.
"Olivia told me."
Oh. Fucker.