Chapter 2
Mariposa's POV
Kapag minamalas ka ba naman oh! Bakit ngayong araw pa kung saan kailangang kailangan ko ang pera?!Bakit ba sa dinami-raming tao sa mundo, ako pa talaga ang biniyayaan ng kamalasan! Tuma-taming ka talaga panahon e! Sana sila nalang, at huwag ako. Pa-ika-ika akong naglalakad papalayo sa kotse ng lalaking 'yon. Sa dinami-rami ng sasakyan na nakasalubong ko, ay ang sasakyan pa mismo ng lalaking 'yon! Nananadya ba ang panahon sa amin? Nabuldol ako, pero daplis lang naman sa binti, pero ramdam ko 'yong sakit.
"s**t! Talaga! Baka bukas 'di na ako makakalakad nito, babansagan na akong Mariposang pilaypay. Aaah!"
Napa-hinto ako sa paglalakad nang biglang sumakit ang binti ko. I cannot take this, too hurt and pain. Char! English 'yon. But, serious... it's too much hurt. Galing kasi ako sa kaibigan kong si Bell, humingi ng glitters para makalipad ako. Pero joke lang 'yon. Galing nga pala ako sa kina Bell ulit, manghihiram ng kwarta para sa pambili nang bisagra ng pintuan namin. Pero nabigo ako, wala rin sila, as in walang wala rin sila. Kaya pauwi na ako ng bahay nang mangyari ang aksidente kanina.
Sinubukan kong tumayo ulit at sinikap na maglakad. Dahan-dahan lang iyon hanggang sa nakauwi na ako ng bahay. Kalahating oras rin. Salamat naman.
I feel so empty and feels liked i'm a beggar. Naiiyak akong naupo sa bangko na tinalian nalang ng garter nang brief ni Istoy. Buti nga at 'di naghanap.
Hinilot-hilot ko nalang ang aking binti hanggang sa mawala ang sakit.
"Kapag nakita kita ulit sa teretoryo ko, pangako---mag e-effort akong maghanap ng talong at ibabato ko iyon sa'yo! Guwapo ka pa naman, bastos ka nga lang."
Isang linggo na ang nakalipas at walang kotseng magara na naligaw sa daan kung saan niya ako nabuldo. Walistik rin ang lalaking 'yon, naka amoy ata na binabantayan ko siya.
Galing ako ng unibersidad. Nag drop ako ng mga subjects ko dahil hindi ko na talaga kayang magbayad ng tuition. Kawawang nilalang.
"Mars? Mars?" Nilingon ko ang lalaking tumatawag sa akin. Si Clyde anak ng Mayor dito sa lugar namin. Guwapo naman siya, matangkad, maputi, matalino, babaero, gago. 'Di joke lang. Pero totoo... type ako nang hayop na'to, pero siya? Ni dulo ng isang hibla kong buhok ay hindi siya gusto. Bakit? Wala lang, 'di ko lang siya type. Chossy ko 'no? Walang may pake.
"Oh? Clyde, bakit?"
Titig na titig siya sa katawan ko at sa dibdib ko. Pota! Mukhang asong ulol.
"Hoy! Naiinggit ka ba sa dibdib ko? Gusto mo rin ba magkaroon ng ganito? O, baka naman nagpaturok ka na at bukas may hinaharap ka na?"
Ginulo niya lang naman ang maayos kong buhok sabay tawa.
"You're funny." Umenglis siya. Duduguin na naman ako nang ilong nito. Wala pa naman akong dalang tisyo o rolyo ng tisyo.
"I'm not a clown." Ngumuwi ako "Huwag mo nga akong englisin, ano bang kailangan mo?" Seryosong usapan na.
"I just wanted to check you if you're fine." Sinipat ang kabuuan kong anyo. Kumurba ang kilay ko nang sa binti ko na ito naka-titig. Dinakutan ko ba naman, at napa-mura nalang ito. Bastos rin, e! "I guess you are still alive and kicking." Sabi pa nito. Nananadya ba?
"Malamang, buhay at naninipa pa ako. Ano bang kailangan mo't naging concern ka?"
Nagkibit balikat ang guwapo.
"Wala naman, may kaibigan kasi na tingnan raw kita kung okay ka ba o hindi?" Ngumiti siya. "Kumusta ang pagtitinda mo ng tahong? May tumikim na ba?"
Kumibot ang gilid ng labi ko sa tanong niya. Natatawa ito habang binabanggit niya iyon.
"Naisip ko lang." Pinag-krus niya ang mga braso nitong naka-tingin sa akin. "Parang may koneksyon ka do'n sa lalaking naka-away ko."
Ngumiti siya. "Sino? Si Duke?"
Duke? Ang chep ng pangalan.
"Duke? Duke ba ang pangalan nang lalaking nambastos sa akin?"
Tumawa siya sabay tango. "Nag kwento siya sa akin that time na pumasyal siya dito. Naku! Nagkaroon ng hugis tahong ang noo ng kamahalan. Hahahaha. Pambihira ka talaga, Mars."
Ningiwian ko siya. Bakit ang saya saya pa ng ugag na'to? Tss...
"Ah.. So, magka-tropa pala kayo ng lalaking 'yon?" Tumango-tango ako. "Sabihin mo sa kanya na h'wag na h'wag na siyang gagawi sa lugar na ito kung ayaw niyang magkaroon ulit ng bukol sa noo. Kuha mo ba anak ng Mayor?"
Imbes na sasagot ay humalakhak lang ito. Sarap rin bukulan ang isang 'to. 'Di porket anak nang Mayor ay palalampasin ko nalang siya.
"Yes, Ma'am." Bigla ay sabi nito at saka ako inakbaya. Binalibag ko ang braso at napasigaw nalang ito sa sakit. "Pucha! Bitaw!"
Bitaw naman ako. Sabi niya eh.
"Aray! Kung 'di lang kita kaibigan, matagal ka ng lumulutang sa sapa."
Kinutusan ko. Gagu!
"Abnoy! Ni ipis nga 'di mo mapatay-patay, ako pa kaya? Don't me Clyde Ivan Montilla."
Napa-kamot nalang ito ng batuk niya.
Nagtagal ang usapan namin. Tumambay kami sa tindahan ni Aleng Pekta at do'n nag ingay. Imagine, anak siya ng Mayor pero nakikisabay siya sa mga tao dito. Siya lang ata ang nag-iisang kaibigan kong lalaki dito sa Masagana, simula pagkabata ay kalaro na siya. Mabuti at mababait ang pamilya ng mga Montilla, hindi matapobre. Maganda raw ako at guwapo si Clyde, isang trip ang hilig pero bakit hindi raw kami ang magkatuluyan. Lol. As in Laugh out loud s***h suntok sa buwan at sampal na rin. Wala talaga akong gusto sa kanya, kaibigan lang ang turing ko sa ka-kusa kong ito. Ka-kusa dahil minsan na kami nakulong dahil sa kabalbalan na ginawa namin. Nagnakaw kami ng santol sa puno tapos nahuli kami ng may ari. Ganun lang 'yon. Ang babaw ano?
Type niya ako, sinabi ko na 'yan. Hanggang pagnanasa nalang ang lalaking 'to pero may respito pa naman sa akin kahit papaano.
"Bakit ba kasi ayaw mo sa akin?" Walang pag-alinlangang tanong niya. Paulit-ulit nalang ba?
Tinapik ko siya sa balikat.
"Clyde Ivan, magka-kusa tayo iyan ang palagi mong tatandaan. Okay? Mayaman ka, hampas-lupa ako. May babae talaga na para sa'yo na higit pa sa akin. Saka, matayog pa ang pangarap ko, kailangan ko pang magkayod kalabaw para sa mga kapatid ko at do'n sa nanay kong may asawa nang iba."
Bumuntong hininga ako. Naramdaman ko nalang na tinapik niya rin ang balikat ko at saka ginulo ulit ang buhok. Napa-ngiwi nalang ako.
"Oo na! May magagawa pa ba ako? Pero, kung meron man magkakagusto sa'yo report mo agad sa akin ng mabigwasan ko. Hahahaha!"
Natawa nalang ako sa kanya. Libre na naman ang hopia at royal ko nito. Iba talaga kapag may kaibigan kang mayaman, pero nakakahiya rin minsan. Sa susunod babawi ako sa ka-kusa kong ito. Pangako ko 'yan.
Lumipas ang dalawang buwan ay masaya akong nagawi si Lola Lodie sa bahay. Nakakahiya dahil susuko na 'yong bangko na tinalian ko ng garter nang brief ni Istoy. Kaya naman humiram nalang muna ako ng silya sa kapit bahay. Pangako ulit, ibabalik ko iyon na bago at makintab.
"Ano kamo Lola? Isasama niyo po ako sa maynila?" Lumiwanag ang mga mata ko.
"Oo, apo ko." Ngumiti si Lola. "At bukas na bukas na iyon. Kailangan kasi ni Viktor ng mapag-katiwalaang kasambahay sa kanila dahil sensitibo ang pagbubuntis nang asawa nitong si Divina."
Viktor? Divina? Pangalang palang palong-palo na.
"E, baka naman po sadista ang mga iyan? Naku! Lalo sinasabi ko na sa'yo. Galing na ako ng kulungan."
Natawa naman ang matanda.
"Ikaw talaga. Mababait sila, lalo na si Viktor, isa siyang kilalang dalubhasa sa maynila at si Divina naman ay nagtatrabaho rin sa isang opisina nang kompanya."
Ahh??? Mababait naman pala. Puwede na.
"Hindi naman kita iririto kay Viktor kung masamang tao sila. Tanggapin mo na ang alok ko sa'yo, Mariposa ikaw lang ang naisip ko na ibigay sa kanila."
Nag-isip ako saglit. Bakit Viktor siya ng Viktor? Bakit hindi Ser o Bossing?
"Lola? Matanong ko lang. Bakit Viktor lang ang tawag mo sa kanya? Bakit hindi serno bossing?"
Tumawa na naman si Lola. Strong teeth ka parin talaga, la.
"Si Viktor, alaga ko 'yan simula pa pagkabata at yong kapatid nito na si Alfonso. Sinabi ko na sa'yo na, isang mayaman at kilalang pamilya ang natuluyan ko sa maynila? Lee at Alcantara."
Oo nabanggit ni lola Lodie sa akin noon. Sila parin pala ang mga amo ni Lodie. Grabe! Alma matter ba ang tawag do'n? Tss...
Kinabukasan, pagising ko sa umaga ay naghanda na ako ng almusal namin. Ilang oras nalang at lilisanin ko na ang bahay na ito. Maiiwan ang dalawa kong kapatid na sina Poloy at Istoy. Ma mimis ko sila pareho, peroa kailangan ko ring lumuwas ng maynila para sa kanila at makapag-patuloy na ulit sa pag-aaral.
Sana kayanin ko ito, at makaiwasdin sa lalaking iyon. Kung hindi ako lalayo rito, panigurado, magku-krus na naman ang mga landas namin at baka hindi lang tahong ang maibabato ko sa kanya. Sinusumpa ko talaga siya. Ngayong luluwas na ako ng maynila, siguro naman wala nang malas sa buhay ko.
Mamya ay bigla akong nalungkot. Mamimis ko talaga mga kaptid ko, saka ang lugar namin. Pero kailangan talagang iwan.