chapter 2

1027 Words
Pagod siyang sumandal sa swivel chair at tumingala sa ceiling, tambak ang papeles na kailangan niyang ireview at pirmahan. Gusto niyang matawa sa kaniyang sarili, kung hindi ba naman nahahati ang trabaho nya bilang body guard at isa din ceo ng sariling kumpanya ay hindi siya matatambakan ng gawain, Hanggang ngayon hindi niya alam kung para saan pa nga ba ang lahat ng ito. Nuon ay malinaw ang kaniyang pangarap na bumuo ng pamilya kasama ang kaniyang girlfriend pero nag laho ang lahat ng iyon ng iwan siya nito at mas pinili ang manirahan sa ibang bansa at ituloy ang career nito bilang isang artista. Sa loob ng limang taon na kanilang pagiging mag ka relasyon buong akala niya na ito na ang makakatuluyan niya at mamahalin niya hanggang dulo. Dalawang taon na ang lumipas ng mag hiwalay sila ng dating nobya, ginugugol niya nalang ang buong oras at panahon niya sa pag tatrabaho sa kaniyang kumpanya at bilang private body guard ng mga kilalang tao. Pinindot niya ang intercom at tinawag ang sekretarya ilang sandali ay pumasok ang kaniyang secretary na si annie. "Sir." nakayuko pa ito ng bahagya sakaniya, nag papasalamat siya at mayroon siyang mapagkakatiwalaang sekretarya, hindi kasi madali ang trabaho nito madalas ay lagi siyang wala. Hindi niya rin pinapaalam ang sa publiko maging ang kaniyang itsura, tanyag ang kaniyang kumpanya dahil sa lawak ng kaniyang mga ariarian loob at labas ng bansa madami na ang nag tatangka na malaman ang katauhan niya ngunit sadyang magaling siyang mag tago, ayaw na ayaw niya ang bigyan siya ng pansin at mai sa publiko ang kaniyang katauhan dahil nasisiguro niya na madaming mag kaka interes na magkaroon ng koneksyon sakaniya at ang buong akala ng karamihan ay matandang uugod ugod ang may ari ng ventura empire kaya't sekretarya niya ang laging humaharap sa mga meetings kung hindi naman ay ang kaniyang lawyer. "I'll be out for a month or so annie, just send through email all documents that I need to review, and if happens that you can't reach me over the phone, call Gio he knows what to do." "Yes sir." yumuko na ang kaniyang sekretarya at siya ay tumayo at nag tungo sa private elevator niya sa loob ng office. Pag baba ng elavator ay nag tungo agad siya sa kaniyang bugatti at pinaharurot ito may secret passage siya kung saan hindi siya lalabas sa kaniyang building ang daan nito ay sa ilalim ng tunnel kung saan may tulay. Napangisi na lamang siya ng makalabas mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang bugatti papunta sa penthouse, hapon na siya natapos sa pag check ng kaniyang mga papeles. He wants to get laid, but he needs first to call his brother kailangan nitong malaman ang binabalak niyang pag babakasyon. He immediately call his brother, mabuti nalang at sinagot nito agad ang tawag niya. "Damn, I have a bad feeling about your call," bungad na sagot agad ng kapatid. He just chuckled. "I'll be needing your help," He said. "oh man, right! just what I thought." rinig niya pa ang irita sa boses nito. Gusto niyang matawa sa boses nito pero pinanatili niya ang seryoso. Ilang sandali pa silang nag usap ng kapatid bago nito patayin ang tawag, ng makadating sa penthouse naligo lamang siya at nag tungo sa bar counter naka suot siya ng boxer at nakasampay pa ang towel sa ulo niya ng may nag door bell. Nakita niya ang naka simangot na mukha ng kapatid sa screen na nasa gilid ng pinto. Agad niyang binuksan ang pinto at pumasok ang kapatid niya na nakasimangot. "What are your plans this time? parang nuong nakaraang buwan ganito din ang nangyari." saad ng kapatid niya, nakasimangot pa ito at padabog na kumuha ng baso at nag salin ng alak. "Uh I need to unwind," he said while grinning kita niya ang lalong pag lukot ng mukha ng kapatid sa kaniyang sinabi. "oh man, my nikki will be mad at me," "why is that?" "you said I'll be working with your beautiful secretary, Nikki was always been jealous whenever she heard your secretary's name." gusto niyang matawa sa sinabi nito na parang pasan ang daigdig. "Well, maybe you like my secretary thats why your girlfriend felt jealous," saad niya habang sumisimsim ng alak. "the f**k? Bakit ko naman 'yon magugustuhan s-she.... she's beautiful kind and smart?" Hindi niya napigilan ang hindi matawa, ang buong akala niya ay hindi maganda ang sasabihin nito sa kaniyang secretary pero mukhang wala itong mahagilap na salita dahil wala itong nakikitang kapintasan kundi pinuri pa niya ito. "Oh my little brother, malaki nga 'yang problema mo." makahulugan niyang saad. sinimangutan lamang siya nito at lumagok ng alak. "seriously bro why you're still working as a f*****g bodyguard you have alot of companies under your name and your wealth can't even imagine, ako ang napapagod sayo." natahimik siya at nanatiling naka tingin sa iniinom na alak, wala siyang maapuhap na sagot. Nag eenjoy siyang mag trabaho bilang body guard, nuon ay pangarap niyang maging sundalo ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon, mas itinuon niya ang sarili niya sa pag papayaman dahil din sa dati niyang nobya na gusto ang marangyang buhay pero bandang huli ay iniwan din siya nito. Hanggang sa nag karoon ng pag kakamali, napag kamalan siyang nag aapply sa isang agency na hindi alam ng taong iyon na isa siya sa may ari dahil walang ibang nakakaalam ng katauhan niya kundi ang kaniyang secretary. Matapos ang pang yayaring 'yon ay nag simula siyang magtrabaho bilang isang bodyguard ng mga kilalang mga tao hanggang sa na enjoy niya ang trabahong 'yon nag bibigay saya sakaniya ang mga pagkakataong nakikipag laban siya sa mga nag tatangka sa buhay ng mga ito. "Just don't mind me and help annie," saad niya. "whatever," tamad na sagot sakaniya ng kapatid. Isang oras mahigit silang nag usap ng kapatid bago ito nag pasyang umalis, matutulog na sana siya ng tumunog ang kaniyang cellphone. "sev, I miss you where are you?" saad ng babae sa kabilang linya. "just come here," he said and ended the call. ilang minuto lang ay narinig niya na ang pag doorbell sakaniyang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD